REALIZATION


REALIZATION
Why can’t things just work out the way i want them to? I knew that sometimes we don’t get what we ask for.
“Christine”pagtawag ko sa pangalan niya, tumingin siya sakin saka ako tinaasan ng kilay.
“Could you stop a moment and let me talk to you?”I asked. Dinig na dinig ko naman ang buntong hininga niya.
“Go on, Kevin. Ano ang pag uusapan natin?”tanong niya.
“I think we should end this.”usal ko, tumaas ang kilay niya saka ako kunoot noong tinignan.
“What do you mean?”tanong niya.
“Maghiwalay na tayo.”sabe ko.
“Bakit? May bago naba?”tanong niya kaya napahilot ako sa sintido ko.
“Walang bago christine. Wala akong babae. Nakikipaghiwalay ako sayo dahil hindi ako mabuti para sayo.”sabe ko, seryoso naman niya akong tinignan.
“Dahilan mo lang yan pero ang totoo may bago kana at hindi mona ako mahal.”sabe niya.
“Christine, alam ko na mapapabuti ka kahit wala ako. Palagi kang nag o-overthink na nag l-lead sa breakdown ng dahil sakin! sa tingin mo ba maganda pa yon para sa kalusugan mo? Palagi ko namang pinaparamdam sayo na wala akong babae at mahal kita pero anong ginagawa mo? nag d-doubt ka sakin at hindi ka nagtitiwala. Sa tingin mo ba kagaya ako ng ibang lalake? tangina naman christine! hindi porket may lalaking cheater ay gagaya na agad ako. Ang toxic christine”sabe ko our of frustration.
“Are you blaming me? Sa ating dalawa ikaw yung toxic”sabe niya.
“Hindi ako ang toxic sating dalawa. Ikaw, ikaw ang gumagawa ng paraan para masira ang relasyon na meron tayo. Hindi mo ako pinagkakatiwalaan, mas nagtitiwala ka sa sinasabe ng ibang nakapaligid sayo. Palagi mo akong pinaghihinalaan kahit wala namang kahina hinala sakin.”usal ko.
nanlambot ako ng mag umpisa siyang umiyak.
“It wasn’t healthy for the both of us, christine. You don’t understand me. Hindi ko alam, ginagawa ko naman lahat para maparamdam sayo na hindi ako katulad ng ibang lalake kaso walang saysay yung ginagawa ko kase hindi ka naman naniniwala. Hinahantulad mo ako sakanila, christine. Dun palang sa kaka overthink mo nasasaktan kana pano pa kaya...


kapag nag stay pa ako sayo ng mas matagal? I need to stop breaking your heart in trying to make a relationship work that clearly isn’t meant to work. I can’t get the relationship i need from you who’s not ready to give it to me. I think it’s better to move on than to hold on to a person who doesn’t understand me.”sabe ko, napahikbi siya kaya lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap.
“I know that no matter how much you hurt and cry after you heal and get better and find your match, your future will now bring understanding of why things didn’t work out. Lalayo ako dahil yun yung dapat, gusto ko magkaron ka ng peace of mind at matigil ka sa kakaisip ng kung ano ano about sakin. I want peace in your life that’s why i learn to keep my distance, i disrupt your life kaya ako na mismo ang lalayo. Your peace of mind is priority.”sabe ko, niyakap naman niya ako pabalik.
“I’m sorry, it’s my fault kung bakit tayo humantong sa g-ganto.”sabe niya saka niya ako niyakap pabalik.
“Don’t blame yourself. Hindi talaga maiiwasan ng mga babae yon. Ginagawa ko lang naman ito para sa peace of mind mo. Mahal kita, sobra. Ilove you but i dont want you to question yourself about your own self worth and i don’t want you to doubt yourself because i know that anxiety will follow. Our relationship is no longer healthy anymore.”sabe ko, tumingin siya saken saka tumango.
“Kung yun yung makakabuti para sating dalawa, payag ako.”sabe niya kaya hinalikan ko siya sa noo.
“Letting go isn’t always about loss, letting go can also be about self protection and self respect, Christine.”sabe ko saka ko siya nginitian.
“There will always be someone better than me. You deserve good love, christine.”sabe ko saka ako nag umpisang maglakad paalis sa condo niya.
Don’t force a relationship that was not meant to work. Toxicity is toxicity. If your relationship with someone aren’t aligned in truth, love and peace let it go.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top