REGLA
“Ahh! Ang sakit… badtrip naman!” Halos mapamura nalang ako habang hawak ang tiyan dahil sa pananakit ng puson ko. Iba talaga kapag first day!
Pabalik-balik rin ako sa cr dahil sa dysmenorrhea. Parang natataè ako na hindi kapag nakapasok na sa cr. Mababaliw na ata ako.
Namimilipit sa sakit akong nahiga sa kama. Umuungol at pabalin-balin ang katawan para maibsan kahit papa’no ang sakit.
Pumasok naman sa kwarto ko si Clarence. My boyfriend since third year highschool. Hindi na ako nagulat dahil lagi naman siyang pumupunta dito.
Umupo naman siya sa tabi ko.
“Babe?” Kumunot ang noo niya nang tingnan ako. “Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?” Sunod-sunod niyang tanong.
Doon ay hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kapit na kapit parin ang hawak ko sa tiyan ko kaya napatingin siya doon.
Biglang nagbago ang ekspresyon niya. “Wag mo sabihing…” Nangunot nalang ang noo ko nang dumilim ang mukha niyang tiningnan ako sa mata.
“Sinong ama niyan?!” Bigla ay galit niyang sigaw! “Sabihin mo sa’kin! Bakit mo ako nilok— aray!” Napahinto naman siya nang kurutin ko siya sa nang mahigpit sa tainga.
Inis ko siyang tinaliman ng tingin. “Ano ka ba, ha? Ang OA mo! Gusto mo ibalibag kita? Ha?!”
Sa lagay ko ngayon, kayang-kaya ko siyang ibalibag! Wala pa naman ako sa mood!
“Sorry.” Ngumuso siya. “Bakit ka ba kasi umiiyak?”
“Meron ako, eh.”
“Merong ano?”
“First day ko ngayon.”
“Huh?? Saan?” Nagtataka niyang tanong. Napahawak nalang ako sa sentido ko at malalim na humugot ng hininga. Sinamaan ko siya ng tingin.
Umirap ako at tumayo. Ipinakita ko sa kaniya ang likod ko na may tagos nang dugo. Nanlaki naman ang mga mata niya.
“Babe! May dugo! Saglit lang! Dadalhin kita sa hospital!”
Napakagat ako sa labi. Punyèťa talaga.
“Tánga!” Ugh. Gwapo nga tànga-tänga naman. “Hindi ko na kailangan ng doctor.” Pinaupo ko siya sa paanan ng kama....
ay hayyyp nayan😆😆😆
masama yang naisip mong paraan😆😆😆