RESEARCH


(This only oneshot)
“Sir naman eh!”
Napasimangot ako dahil muli nanamang nareject ang Research title na buong gabi kong pinag isipan.
“What? Go home Ms. Alcantara kanina pang alas singko ang uwian niyo mag a-ala sais na. Hindi maganda sa dalaga ang ginagabi ang uwi” saad ng napakagwapo kong sir at mas lalo akong napasimangot.
“Eh sir tanggapin niyo na lang kasi ‘yong title ko para makauwi na ako!” Maktol ko. Kaming dalawa nalang kasi ang nandito sa classroom niya at hindi ako pumapayag na umuwi hanggang sa hindi pa niya inaaccept ang title ko. Ako na lang kaya yung walang title nakakahiya!
“I told you Ms. Alcantara proven na ang study na naisip mo. Umisip ka na lang ng bago yung mas madali at realistic” saad niya sa seryosong boses ewan ko ba pero nagwagwapuhan rin ako sa boses niya. Pati ba naman boses gwapo?
Parang gusto kung mas mag wala sa harapan. Proven na daw? Ba’t wala pa akong nakikitang ganoon? Mag isip pa raw ako eh ilan na ang title na isinubmit ko at rejected lahat! Anong gusto niya, mag invent ako ng saranggulang lumilipad kahit walang hangin? Kaloka ha!
“Sir ansarap niyong itapon sa karagatang pasipiko! Pasalamat ka inlababo ako sa iyo” inis kong bulong. Kainis eh, sarap pakasalan! Padabog akong naupo sa harap niya hinugot ko ang ballpen at papel sa bag ko at nag isip ulit. Kahit wala naman akong ganoon.
“What are you doing? I told you to go home already” galit akong umiling, ayoko ngang umuwi, uuwi lang ako pag may title na ako. Napalingon ako sa gawi ni sir nang may narinig akong mahinang tawa, tinatawanan ba niya ako?! Aba’t—–
Napatigil ako at biglang bumilis ang pintig ng boses ko nang nagkasalubong ang aming titig. Nakatingin ito sa’kin habang nakangiti agaran naman akong namula at nag iwas ng tingin. Ene be heart! Ako lang dapat ang kinikilig!
Bigla akong may naisip at...


napatawa ako dahil dun, bigla kong hinugot ang aking ballpen at sinulat ito. May researh title na ako!
‘The Feasibility of sir Xyler Ferguson falling inlove with his beautiful student Deatrice Alcantara as an effective component for his brighter future’
Napahagikgik nalang ako dahil sa aking kabaliwan tinupi ko muna yung papel atsaka nilapitan siya nang may malawak na ngiti. Tignan nalang na’tin sir ang kaartehan niyo ha. Malay natin baka maaccept pala edi may study na ako may space pa ako sa puso ni sir ayiiee.
Iniabot ko ito sa kanya nang may ngiti sa labi pero tinaasan lang ako ng kilay atsaka tinignan ang future ko este papel ko bago tinanggap. Nakita kong nanlaki ang mata niya nang sinimulan niyang basahin ito tatawa na sana ako pero balibag niyang ibinababa ang papel na nag patigil sa akin sa pagtawa. Napalunok ako, hala nagalit si sir?
“Ehehe sir joke la—
“I told you already Ms. Alcantara choose a topic that is not yet proven” mariin niyang sabi.
“Pero sir–huh?” Napatigil ako at ako naman ngayon ang lumaki ang mata nang napagtanto ko kung anong ibig niyang sabihin. Humaygulayness is dis hapening?!
Lumapit siya sa akin habang nakatingin nang diretso sa aking mata, aatras na sana ako ngunit bigla niyang hinapit ang bewang ko malapit sa kanya. Akala ko ay hahalikan niya ako nang yumuko siya yun pala’y pinagdikit lang niya ang aming noo at malumanay niyang hinaplos ang pisngi ko.
“Hindi mo lang alam pero matagal ng proven ang topic na pinili mo Ms. Alcantara” bulong nito habang nakatingin sa aking labi. Wala naman akong masabi kundi matameme lang dahil sa mga sinasabi niya. Diyos ko, kung panaginip man lang to okay lang sa’kin kung hindi niyo na ako gisingin. Inilapit niya ang mukha niya malapit sa aking tenga.
“Halika na at ihahatid pa kita my future” bulong nito at tuluyan nang kumawala ang mga landi cells ko.
© Lazy Crimson






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top