REVENGE INTO LOVE CHAPTER 1


“Mama! ” humahangos si Zarielle patungo sa kwarto ng ina, ngunit inabutan nya ang dalawang nurse na nag liligpit ng mga pinag gamitan doon. “Nasan ang Mama ko? ” napulok sya dahil sa kaba kasabay ng pag agos ng luha nya.
Apat na taon silang nag sama ni Estephen bilang mag asawa ngunit ngayon ay boss na nya, kaya’t alam na alam nya kung gaano ito kayaman sa isang ngisi nito ay kaya ng lalake na ilayo ang Ina nya sa piling nya.
“Ma’m, iyong pasyente po dito.. Nilipat po sya ni President Ocampo sa Private room, 304 po sa third floor ma’m. ” anang nurse, hindi nya man sabihin ngunit may tuwa sa dibdib nya sa tatlong bwan na pag kaka confine ng ina ay wala na syang kapera-pera para ipagamot ito.
“Ma! “galak na sigaw nya nang datnan ang ina sa isang mamahaling silid, punong-puno ng prutas ang mesa nito may roon ding reff, sariling C.r at Naka Aircon pa.
“Elaisha, anak.. ” anang nanay nya habang naka Dex Trause ito. “inilipat nila ko rito, pakuramdam ko ay mas gagaling ako sa kwartong ito. ” matamlay na saad ng ina.
“Mama.. “hindi napigilan ni Zarielle na Yakapin ang ina kasabay ng masaganang pag agos ng luha nito, hirap man ay pinilit paring abutin ng mama nya ang ulo nya para hagudin ito bilang pasasalamat.
“pasensya kana anak, naging pabigat ako sayo. ”
Umiling si Zarielle. ” hindi po totoo yan Ma, kayo po ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa hamon ng buhay. ”
“saan mo kinuha ang perang pinang bayad mo dito? ” maya-maya’y tanong nito kaya’t napabitaw si Zarielle sa pagkakayakap. “Pati ang Doctor ko ay sarili ko na rin, hindi mo na kakailanganing umaway pa ng nurse para may tumungin sa’kin. ” hirap na tatawa-tawa ang ina nya.
“may bago na po akong trabaho Ma, malaki po ang sahod. ” nakangiting aniya ngunit labis ang lungkot sa loob nya dahil kailangan nyang magsinungaling sa Mama nya, batid nyang ayaw ng ina nya sa dati nyang asawa pero wala syang magagawa kundi sumugal para matapos ang pag hihirap ng nanay nya.
*eeeengk!
Pumasok ang isang lalake, nakasuot ito ng amerikanang itim. “Secretary Lazistero, ipinatatawag po kayo ni Sir. ” hindi man nito sabihin ang pangalan ng ‘SIR’ na iyon alam nyang si Estephen ang tinutukoy nito.
“Ma… Paano po, aalis po muna ko.”
“pero mag a-ala-sais na ng hapon Anak.. ”
“P-part time job ko po.. “nauutal na aniya, hindi na nya hinintay na magsalita ang ina, hinagkan nya ito sa noo tsaka nag madaling lumabas.
Pagtapak nya palang sa entrance door ng hospital ay natanaw na nya ang Boss nya, nakapamulsa ito at nakangisi sa kanya.
Napapikit sya tsaka, nagbuntong hininga bago maglakad palapit dito kasama ang lalaking sumundo sa kanya.
“Give me some drive. ” napakunot si Zarielle dahil hindi nya maintindihan kung kotse ba ang tinutukoy nito o ang bagay na ginagawa ng mag asawa. “sa Barr.. “ngumisi muli ang lalake dahil batid nya na naguluhan ang dating asawa sa sinabi nya ngunit iyon nga talaga ang gusto nya.
Gusto nyang subukan si Zarielle kung may nararamdaman parin ba ito para sa kanya, isa syang mayaman, matalino at gwapong...


asawa kaya’t napapaisip sya kung bakit nagawa nitong iwan ang isanf katulad nya.
“Kevin, mag taxi ka nalang pauwi si Zari na ang, mag d-drive para sa’kin. “utos ni Estephen.
Yumuko ang tinawag na kevin. ” Opo sir. “sagot nito tsaka naglakad paalis.
“bat ako ang mag d-drive!” hindi napigil ni Zarielle ang sarili nya.
“una, dahil gusto ko, pangalawa, dahil ako ang boss mo.”nakataas ang kilay na anito.
“Oo nga, pero alam mo namang hindi ako marunong! ” dipensa ni Zarielle. “apat na taon tayong na- – -” hindi nya naituloy sa halip ay napapikit sya, pakiramdam nya ay isang pagkakamali ang bumalik sa panahon na iyon.
“hehehehehe, hindi ka pa nakaka move on? ” nang iinis na saad ni Estephen.
“Tandaan mo, nandito ko para lang sa trabaho. ” pagtatapos ni Zarielle tsaka padarag na pumasok sa kotse.
Palihim na napatawa si Estephen tsaka binuksan ang pinto kung saan pumasok si Zarielle, “Move, i’ll drive. ” kunwari ay naiinis.
Hindi sila nag imikan hanggang sa makarating sila sa Barr.
Tahimik na naglakad si Zarielle na kasunod sa likod ni Estephen, binalot sya ng matinding takot at lungkot dahil sa lugar na ito nag mula kung bakit sila nag kahiwalay.
Bahagyang nagtakip si Zarielle ng ilong dahil sa samo’t saring amoy sa lugar na iyon ng alak at sigarilyo, naglalaro ang green, pula at Fushia pink na papatay-patay na ilaw sa paligid ng barr dahilan para bahagyang madapa si Zarielle.
“Aray. “daing nya ng minsa pang tumama ang tuhod nya sa gilid ng sofa, gusto syang lapitan ni Estephen pero para saan nga naman gayung ito ang unang nang iwan sa kanya.
“wag kang tatanga-tanga. ” mas nangingibabaw ang galit at inis nya dahil wala syang makuhang sagot kahit pa narito na ang pinaka mamahal nyang asawa sa harap nya.
Isang kilalang pamilya ang pinagmulan ni Estephen, samantala simpleng pamumuhay naman ang kinagisnan ni Zarielle at iyon ang nagustuhan sa kanya ng dati nyang asawa.
Nakahiwalay ng upuan si Zarielle habang naglilibot ang mata nya sa madilim na paligid, si Estephen naman ay nag table kaagad ng dalawang babae na makakalampungan nya para makita ang reaksyon ni Zarielle ngunit bigo sya nang tila wala talaga itong pakialam sa kanya.
“Tara sa Bahay. “maya-maya’y anyaya ni Estephen sa dalawang babae dahilan para tumugil si Zarielle sa pagiikot nya ng mata.
‘mauulit na naman ba? ‘naitanong nya sa sarili nya.’masasaksihan ko na naman ba sa pangalawang pagkakataon ang dumurog sa puso ko ng pinong pino? ‘
Pinilit ni Zari na magpanggap na walang pakialam sa loob ng kotse, nasa back sit sya samantala si Estephen naman ang syang driver katabi ang dalawang babae na tinable nya na halos ipakita na ang buong dibdib ng mga ito.
“ihinto mo nalang ako kahit sa sakayan.” ani Zarielle.
“sasama ka sa bahay. ” masungit na saad ni Estephen.
“sino ba kasi yan? Hindi pa ba kami sapat? Tignan mo nga o ang chip chip nyan.”
Napayuko si Zari dahil sa sinabi ng babae, samantala ang isang kamao ni Estephen ay naiikom nya, tila gusto nyang sapakin ang babaeng lumalait sa dati nyang asawa ngunit ginusto nya ito, sya ang nagsama sa, dalawang babae kaya’t pilit nyang ikinalma ang sarili.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. wow nice story

Leave a Reply


top