Rpw


Rpw
By:lax
Nagsimula tayo sa simpleng “hi at hello”
Nagtapos tayo sa “salamat sa lahat”
Unang convo natin na ako ang nag first move.
Ang sabi ko “hi” at sabi mo “hello”
Nagtuloy tuloy yun hanggang sa umamin kang iniibig mo ako.
Hindi ko muna binigyan ng pansin dahil akala ko naguguluhan ka lang.
At tama nga ako dahil simula ng pumasok siya sa pahina ng iyong kwento unti unti ako’y nilisan mo.
Nilisan mong wala pasabi.
Naghintay akong ika’y babalik.
Sobrang saya ko dahil bumalik ka nga.
pero unti unting napawi yun ng nakita ko…
May syota ka na pala.
puso’y ko ay nadurog
Mundo ko’y unti unting nawasak.
Ikaw ang pahinga ko pero siya ang pahinga mo.
Dito sa pekeng mundo tayo nagkakilala dito din tayo nagtapos.
Manunulat ako ng nakilala kita.
Manunulat ka ng nakilala mo ako.
Ngayon eto ako binubou ang huling parte mo sa...


libro ng buhay ko.
Umiiyak ako nung sinusulat ko ang bawat salitang tumutusok sa aking puso.
Dito sa pekeng mundo natutong mag paka totoo dahil sayo.
pero ng dahil din sayo natutong pumeke ng ngiti at halakhak.
Matatamis na ngiti sa tunay na mundo unti unting napawi dahil sa pekeng mundo…
pekeng mundo ngunit kay raming naging totoo
Nagmahal ng totoo…
Nasaktan ng totoo…
Mga memoryang ating nabuo Hindi mawawala sa libro ng buhay ko mahal ko.
Ngayon Akin ng tatapusin ang pahina kung saan ikaw ang paksa,na nagbigay ng sakit at saya.
Dito na nagtatapos ang pahina mo sa libro ng buhay ko…
_____________
pekeng mundo na kayo raming umiyak.
Kay rami na rin ang lumisa.
Sana’y magsilbing aral ang kwento ng buhay ko para sa lahat…
“OK lang ang magmahal…wag lang sa pekeng mundo na puro pekeng nararamdaman.
Etong pekeng mundo na mas kilalang
“RPW”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top