SABAY TAYONG NANGARAP!


SABAY TAYONG NANGARAP!
by: mszeang
I’m Zenneya and I’m 25 years of age.
Way back when I was 13, I met the love of my life.
We both minors and immature.
Wala pang alam sa buhay dahil kakatungtong lang namin sa pagdadalaga at pagbibinata.
Kahit walang pa kaming alam sa buhay ay nanligaw siya sakin. And I said ‘yes’ which is mali.
Ano pabang magagawa ko? Nangyari na. May maganda naman itong naidulot sakin.
Naging mas inspired ako sa buhay at sa pag-aaral kahit andaming problema sa bahay, naghiwalay pa si Mama at Papa pero di niya ako iniwan. Andyan siya sa oras na kailangan ko siya.
When I turn 15 mas naging mahirap ang buhay ko. Hindi na nagsusustento ang parents ko sakin. In short, napabayaan nila ako but thanks to my boyfriend inalalayan niya ako. Nakaahon ako sa pagkakalugmok.
Hanggang sa sabay kaming nangarap.
Gusto niyang maging abogado gusto ko namang maging businesswoman.
Ang dami naming na-encounter na mga pagsubok, pangako namin sa isa’t-isa na walang bibitaw at ang pangakong iyon ay hindi napako.
Hanggang sa natupad ang aming mga pangarap.
Isa na siyang ganap na lawyer habang ako ay ang CEO ng isa sa kilalang kompanya sa Pilipinas.
“Kahit anong pagsubok ang...


ma-eenconter natin, Mahal. Hinding-hindi ako bibitaw. Mahal na mahal kita at hinding-hindi kita pababayaan. Kung iniwan ka ng mga magulang mong nag-iisa andito ako, kaya kong punan ang pagmamahal nila. Hinding-hindi ka nag-iisa, Mahal. Sabay nating tutuparin ang ating mga pangarap Saranghae” isang litanyang hinding-hindi ko makakalimutan.
Natupad na natin, Mahal. Salamat sa iyo at sa pag-alalay sakin.
“Zenneya, hindi mo padin ba natanggap? Wala na siya, patay na siya. Tama na, wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Tanggapin mo na ang katotohanan!” sigaw ni Annie, bespren ko.
“Hindi ganun kadali tanggapin, Annie. Siya yung bumuo sakin, siya yung nandyan noong panahon na nag-iisa ako. Sabay naming binuo ang mga pangarap namin. Siya yung rason kung bakit ako lumaban sa buhay. Dahil …..mahal na mahal ko siya! Hindi ganun kadali tanggapin yun”
You heard it right.
Wala na ang lalaking pinakamamahal ko.
Pinatay siya, pinatay siya ng isang kriminal.
Ano bang kasalanan niya?
Pinagtanggol niya lang naman ang babaeng na-rape. Bakit kailangan pang patayin siya?
————
Mahal, akala ko ba hindi ka bibitaw?
Sabay nga nating tinupad ang ating mga pangarap pero wala kana. What’s the point for having this nice house and nice life kung wala ka naman?
————
Work of Fiction!





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top