SABI NG BOYFRIEND KO, MAGANDA AKO


By: Ken Anderson
[Read Carefully]
*********************
“Oh bakit ganiyan ang mukha mo?” Tanong ng boyfriend kong si Mykel.
“Ako?” Turo ko sa sarili ko.
“No! The one besides you!” ani nito. Agad akong nangilabot sa sinabi niya kaya napatayo ako at napayakap sa kaniya.
“Waaahh akala ko ba tayong dalawa lang dito huhuhu!”
“Tsk! I was just kidding… obvious namang ikaw ang tinatanong ko may paturo-turo ka pa sa sarili mo!”
“Ahh hehe!” Agad akong humiwalay ng yakap sa kaniya.
“K-Kase wala lang naaning lang siguro ako hahaha! Tiyaka teka nga ano ba’ng problema mo s mukha ko ha?!” tanong ko at kinapa ang mukha ko. Bigla nalang akong nalungkot… bagsak ang balikat na tumalikod ako sa kaniya at naupo sa sofa.
“Masiyadong maganda ‘yang mukha mo! That’s my problem with your face, Ayesha. . . You’re bloomimg face is hella attractive!” Saka siya naupo sa tabi ko.
“Nambola pa. Magtigil ka nga! Alam ko namang panget ako!” Cross arm kong aniya at bahagyang tumalikod sa kaniya.
“Tsk! Com’on let’s take a selfie,’Yesha!” Humarap ako sa kaniya at agad na dinampot ang phone sa kamay niya at pinicturan siya.
“Oh ayan!”
“Tsk! Not like that babe… use the front cam. dapat nand’on ka rin!” napairap nalang ako dahil sa inis.
Tumalikod ako saka pinindot ang front cam… Kita ko ang pagngiti ni Mykel mula sa likod ko pero dahil naco-conscious ako sa mukha ko pilit kong itinago ang mukha ko sa camera...


papunta sa side.
“Ano bang ginagawa mo Ayesha? Nagsisimula na akong mainis, tsk!” Nakabusangot nitong sigaw.
“Feeling ko kase hindi bagay ang mukha ko rito,” pabulong kong sabi.
“Tsk! ‘Yon lang ba?” Napayuko naman ako. Tumayo siya at agad na naupo sa harap ko.
Inangat niya ang mukha ko gamit ang palad niya… seryoso siyang nakatingin sa’kin.
“Hindi ko na gustong marinig ulit ‘yan sa bibig mo na napapangitan ka sa sarili mo!” Then he cupped my face using his hand. “Understand!?” Napatango-tango naman ako.
“Ang ganda mo palagi. . . Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko!”
Inilapit niya ang labi niya sa batok ko saka niya ako hinalikan ng malumanay do’n.
“MAGANDA KA!”
Bumaba ang kanyang labi sa may ilong ko at hinalikan rin ‘yon.
“AT MAS LALO KA PANG GUMAGANDA!”
Ngayon magkatapat na ang mga mukha naming dalawa. Nakangiti siya habang titig na titig sa’kin.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa’kin. Amoy ko na ang mabango niyang hininga. Hanggang sa tuluyan na niya akong mahalikan sa labi. Tumagal ‘yon ng ilang segundo bago siya humiwalay sa’kin.
“AYAW KONG IBINABABA MO ANG SARILO MO. YOU’RE BEAUTIFULLY CRAFTED. I LOVE YOUR FLAWS AND IMPERFECTIONS. YOU’RE THE ONLY GIRL THAT IS BEAUTIFUL IN THE EYE OF THIS MAN!” sabay turo niya sa sarili at agad akong hinalikan sa noo.
“I LOVE YOU AYESHA!”
Unti-unti naman akong napangiti dahil sa mga binitawan niyang salita.
“SABI NG BOYFRIEND KO, MAGANDA AKO WAAAHH KAKILIG!”
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top