Sad story


“Kapag talaga hindi ikaw yung nakatuluyan ko mag papari ako.” Napatawa ako habang hawak ang kamay ni Athena.
Ngumiti s’ya.
“Kapag hindi naman ikaw yung nakatuluyan ko, siguro mag lilingkod nalang din ako sa Panginoon.”
Ngumiti ako. Kita ko ang matamis na labi n’ya na nagsasabing ako lang at wala ng iba.

“Congrats Athena!” Niyakap ko s’ya nang mahigpit. At ganoon din s’ya.
“Ah. . . Yuen. Boyfriend ko pala–”
Ngumiti ako. Nakalimutan ko nga palang may boyfriend na s’ya.
“Bro, ngayong graduate na si Athena alagaan mo ‘yan. Nako! ako talaga makakalaban mo kapag hindi mo pinabayaan mo s’ya.” Tumawa ako sabay kindat may Athena, habang nakaakbay kay Ivan.

Lumipas ang halos 3 taon ay wala na akong balita kay Athena.
Samantalang ako? Successful na isang pari na. Sinabi ko noong mga bata pa kami kapag hindi ako yung nakatuluyan n’ya ay magpapari nalang ako.
“Pero alam niiyo yung masakit? Hindi n’ya tinupad yung pangako n’ya na maglilingkod s’ya sa Panginoon.”
Napatingin ako sa kawalan. Nabasag ang katahimikan ng isang tawag ang natanggap ko.
“Father, may papadasalan sana kami. Ngayon na kasi ang libing ng anak ko.”
Ganito ang buhay ko. Kapag walang misa ay pagdadasal sa mga kakamatay lang ang...


pinagkakabalahan ko.
Papasok pa lamang ako ng simbahan ay ramdam ako ang malamig na hangin na yumakap sa akin.
Hindi naman ganito noon. Sa tuwing may dadasalan ako ay hindi gan’to ang nararamdaman ko.
Habang palapit na sa kabaong ay randam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa mga sumunod na nakita ko.
Si Athena ang babaeng nakahandusay sa puting kabaong. Ang babae na pinangakuan ko na papakasalan ko.
“Nagpapatawa ba kayo?” Humagalpak ang tawa ko.
Yumuko sila.
“Sinabi ko sa sarili ko na magpapari ako kung hindi kita makakatuluyan. Hindi ko sinabi na magpapari ako para dasalan ang malamig mong katawan.”
Unti-unting bumagsak ang mga luha galing sa mga mata ko.
Pilit akong ngumiti.
“May malalang sakit si Athena, walang araw na hindi n’ya binanggit ang pangalan mo. Kaya noong araw na namatay s’ya hiniling n’ya na ikaw ang magbigay dasal sa katawan at kaluluwa n’ya.
Halos ikaguho ng mundo ko ng marinig iyon mula kay Ivan. Nanginginig kong niyakap ang malamig nitong bangkay.
“Naalala mo ba yung sinabi ko na kapag hindi tayo ang nagkatuluyan magpapari ako. Pero alam mo yung masakit? Pinagpari mo pala talaga ako dahil alam mo na hindi na tatagal ang buhay mo.”
By: Mary Grace Delima






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top