SELLina CHAPTER 27


Kararating lang saint jude hospital..
Lumabas si Drake at sumigaw ng tulong..
Agad namang pumanhik ang mga nurse..
Habang hila hila ang stricher..
“Honey!kumapit ka,wag kang pipikit huh!please..”bulalas ni sellina habang nakasunod sa lalaking halos hindi na makita ang mukha dahil sa dugo..
“Maam,dito lang kayo!”
“Miss asawa ko iyon,pwede bang pumasok sa loob!”nagpupumilit itong makapasok sa emergency room ng hospital
“Sorry maam,hindi po pwede dito lang po kayo!”at isinara na ang pinto..
“Miss maawa ka gusto kung makita ang asawa ko..please miss papasukin mo ako…”nasa tapat ito ng pinto, habang panay ang kalampag niyon..
“Maam,kumalma po muna kayo.mas lalong mag aalala si sir kapag narinig nya kayong umiiyak!”lumapit si drake at pilit na pinapakalma ang babaeng naglulupasay sa sahig ng hospital..
“Drake!kasalanan ko ito,kung hindi ako nakidnap hindi ito mangyayari!”at muling humagolgol habang tinatakpan nya ng dalawang palad ang mukha..
“Hindi mo po ito kasalanan,kasalanan ito ni alejandro…hayoppp sya!”naikuyom ng binata ang mga kamao dahil sa gigil sa lalaking binanggit..
“Please maam maupo muna kayo..”tinulongan nya itong makatayo dahil wala na halos lakas ang dalaga dahil sa pag iyak nito..
“Maam makakasama sa baby ninyo ang masyadong pag iyak at pag aalala.!”ng marinig iyon ni sellina agad syang tumigil at pilit na tumayo..
Ng makaupo..
Nagpunas ito ng mukha dahil puno rin ang hitsura nito ng dugo maging ang damit nito ay makikita ang bakas ng dugo…
“Drake?magiging maayos sya diba?matapang sya eh,!”garalgal na boses
“Opo maam matapang si sir!kaya wag kayong masyadong mag alala pa sakanya..masamang damo kaya si sir kaya matagal mamatay!”pilit na tawa ang pinakawalan nya..
Ngunit hindi manlang nagbago ang reaksyon ng babae..
“Drake?pwede mo ba akong samahan sa hospital chapel??”mahina nitong sabi
“O-op maam,si-sige po!”
Bago nagtango doon pumunta muna ang dalawa sa nurse station at nagtanong kung nasaan amg chapel..itinuro naman iyon ng isa sa mga ito
Ng makarating doon..
Nagsign of the cross muna ang dalaga..
At lumuhod sa harap ng pintong nakabukas…
Natigilan si drake dahil sa nakita..
Nakaluhod ito habang papalapit sa altar..
At pikit matang nanalangin..
“Dyos ko,alam kong makasalanan akong tao,hindi po ako perpekto at may mga kasalanang nagawa ginawa at magagawa pero sana po dyos ko,dinggin nyo ang pagsamo ko sa inyo ngayon..hinihingi ko ang inyong pagpapatawad..hinihingi ko ang inyong tulong oh dyos!
Dyos ko tulongan nyo ang asawa ko.alam kong wala akong karapatan,ngunit sana kahit awa nalamang ama,ikaw na ang bahala sa asawa ko.pagalingin mo sya!
At maawa kayong ibigay ang inyong pagmamahal…”
Habang sinasabi nya iyon sa isip ay panay naman ang agos ng kanyang mga luha..
Nakarating ito ng altar,, kaya tumayo sya at muling nagsign of the cross..
Lumapit sa upuang naroon at sandaling pumikit,upang muling manalangin..
Ilang minuto lang tumayo ito at lumabas..
Nasa labas lamang ng chapel si drake,ayaw nitong pumasok baka masunog raw sya…
Nakabalik sila sa emergency room ngunit wala paring lumalabas buhat roon..
Kaya pinagpasyahan ni drake na lumabas muna upang bumili ng tubig at makakain,alam nya na gutom na ang dalaga dahil hindi pa ito naghahapunan simula kanina,maging sya ay nakakaramdam din niyon..
“Okay lang ako dito drake,sige na lumabas kana,kaya ko ang sarili ko!”mahinang boses ng babae habang nakayuko.
Ramdam na kasi nya ang pagud at antok.wala pa syang tulog at 11:30pm na ng gabi..
Ngunit kailangang maghintay..
Kaya pinipilit nyang manatiling gising..
“Sellina!!”boses ng babae kaya napalingon ito
“Mel!”ng makita ang kaibigan ay sya namang iyak nito ..akala nya’y wala na syang mailuluha pa ngunit hito at may natitira pa palang tubig sakanyang mga mata
Lumapit si Melodia at umupo katabi nya..
Niyakap sya ng kaibigan,habang hinihimas ang buhok..
“Ssshhh!tama na,matapang si demon,kaya nya yan!sya paba?”pilit na pinatatatag ni mel ang kalooban ng kaibigan dahil kita nito sa mukha ng babae na pagod na pagud na ito..
Halata rin sa mukha ng kaibigan ang hirap at pighati..
MAtulog ka muna,gigisingin kita kapag lumabas na ang doctor!”mahina nitong sabi
“Hindi!kailangang gising ako,hanggang sa matapos ang operasyon mel..kahit iyon nalamang ang magawa ko…”habang patuloy ang pag iyak..
“Sshhh tama,na ang iyak,baka ikaw naman ang mahospital sa ginagawa mo!”nag aalala na ang kaibigan dahil sa buntis pa ito..
May ilang uras din silang naghihintay sa labas ng emergency room na iyon..
Halos mapipikit nanga si sellina pero pinipigilan lamang nyang makatulog..
Kahit papaano’y nakakain narin sya at nakainum ng tubig..
Tama na muna iyon upang hindi maubos ang lakas nya..sa kahihintay…
Ang dalawa nitong kasama ay napikit na dahil sa antok..may apat na uras na kasi ng pumasok si Demon sa loob ngunit hindi parin nakalalabas..
Nakita pa nyang nakahilig si melodia sa balikat ni drake..sana kung nurmal lang na araw baka kiligin pa sya at mang asar pa ito dahil sa nakikita ngunit ngayon ay wala syang ibang iniisip kundi ang asawang nasa loob ng emergency…
Sumapit ang 3:30am …
Napatayo sya ng bigla ng lumabas mula sa emergency room ang doctor ..tinanggal nito ang facemask at bonet sa ulo..
“Doc??kamusta po?agad syang lumapit sa doctor na kalalabas lang
“Ikaw ba….
“Ako ang asawa,kaya sabihin nyo na po kung kamusta ang asawa ko doc!”napalakas ang boses nya kaya nagising ang dalawa sa likod nito..nagulat pa sila ng makita ang kalagayan ng bawat...


isa mabilis silang tumayo at lumapit sa doctor na kausap ni sellina
“Mrs.malaki ang sugat na natamo ng asawa nyo.marami ring dugo ang nawala.
Kaya kinailangan namin syang salinan pa ng dalawang bags ng dugo…
Pero dahil sa fracture na natamo nya sa dibdib at likod ay mukhang mahihirapan tayong pagalingin sya agad dahil sa malala hu ang empact ng aksedente..
“Doc?nasaan na ang asawa ko?diritsuhin nyo po ako,wag nyo na akong daanin sa paliwanag please maawa na kayo!”yugyug nito sa doctor
“Maam tama na po!”pigil ni drake
“Kumalma ka sellina!”dugtong ni mel
“Hanggat hindi pa sya nagigising,nasa critical stage pa ang buhay nya…”ng marinig iyon ni sellina
Unti unti syang nawalan ng lakas at dahan dahang natumba..siguro dahil sa pagud at walang tulog kaya nagcolaps na ito .
“Sellinaaaa!!”sigaw ni mel..iyon na lamang ang huling narinig nya at nahimatay na ito..
Nagising sya sa hindi pamilyar na silid,puro puti ang makikita roon..
Ng madako sa gilid nakita nyang may dexctrose ang kaliwang kamay nya..
Nakita din nito si melodia na nakayuko sakanyang tabi habang nakaupo sa plastik na upuan…
Nasa hospital din sya.habang nakahiga sa hoapital bed.
Ngunit ng maalala ang asawa,mabilis itong bumalikwas ng bangun dahilan upang mapamulat ang kaibigan..
“Sellina?saan ang masakit huh?”bulalas nito habang kinukusot ang mga mata
“Si Demon?nasaan sya mel?nasaan ang asawa ko?”
“,Kumalma ka muna sellina baka mapano ka!”
“Wala akong pake,nasaan si Demon mel???”hiyaw nito
“Nasa silid nya,okay kanaba?”
“,Oo kaya pwede bang makaalis na dito,para maalagaan ko ang asawa ko!”
“Sellina hindi pwede,dahil bawal sayo ang mastress ..baka humina ang kapit ng bata..ang sabi ng doctor magpahinga ka!”
“Please mel,gusto ko syang makita!”
“Okay okay sandali lang tatawagin ko ang nurse upang dalhan ka ng wheelchair dito
Tumayo si mel at mabilis na lumabas ng silid na iyon…
Maya maya lamang bumalik na ito at may kasamang nurse na lalaki..
Tinulongan si sellina upang makaupo doon..
Ang nurse din ang tumulak sa wheelchair patungo sa kwarto ni demon..
“Thanks kuya gwapo!”si mel iyon habang titig na titig sa nurse.gwapo kasi iyon at maputi pa
Your welcome maam!”sabay talikod ng nurse..nakita iyon ni drake kaya nakabusangot ito habang nilalakihan ang bukas ng pinto..
“Gwapo raw,eh mas gwapo ako don!”bulong nito ngunit hindi sya pinapansin ni melodia..
“Honey!!”bulong ni sellina habang hawak ang kamay nito..
Maraming nakakabit na mga aparatos sa bibig at ilong nito..
May oxygen at decxtrose.
Naluluha nalamang si Sellina sa nakikitang kalagayan ng asawa,
“Honey???gumising kana!namimis na kita agad!”habang panay ang tulo ng mga luha sa kamay ng lalaki..
,”Wag kang matutulog ng matagal huh?kasi di ako makatulog kapag di ka nayayakap..”bulong nito ….
Hindi na paglilihi ang nararamdaman nito kundi pagmamahal para sa lalaking nagbuwis buhay para hindi sya mapahamak..
Napakatapang na lalaki..dahil kaya nyang gawin lahat para lamang sa babaeng minamahal..
Lumipas ang araw..at linggo ngunit hindi parin ito nagigising..
Lunes ngayon at magaling na si Sellina,nabayaran narin ang bill nito sa hospital.ngunit di parin ito lumalabas dahil sya ang nagbabantay sa lalaki araw araw..paminsan minsan umuuwe ito ngunit bumabalik rin agad..
Nag aalala nanga rin si manang Eding baka maapektuhan ang baby nito..
“Manang okay lang po ako.natutulog naman po ako dito eh!”
“Pero anak,iba parin ang bahay sa hospital!”pinipilit kasi ni manang na palitan ang dalaga upang makapag pahinga naman ito ng maayos ngunit ayaw nya dahil baka raw magising ang asawa at wala sya sa tabi nito.nais daw kasi nyang sya ang unang makikita ng lalaki pag mulat ng mga mata nito
“Mag iingat ka rito ha?”
“Opo manang ,narito naman si drake,drew at anthon hindi nila ako pababayaan..
Nabalitaan nilang narito rin sa hospital si alejandro kaya tudo bantay ang mga guards ng binata..paminsan minsan dumadalaw ang mga kasama nito sa mafia at maging si albert..
..
Nakaalis na si manang kaya bumalik sa upuan nito si sellina,nasa tabi iyon ng asawa doon ang gusto nyang mamalagi ..dahil kinakausap nya ito mayat maya nag kokwento ng mga nangyari buing araw at binabasahan din nya ng mga libro..makakatulong daw kasi iyon para mabilis na magising ang asawa..
“Maam?may bisita po!”si drake na kakapasok lamang ng kwarto
“Sino drake?”mahinang sagot nito
“Kasi maam si…
“Demonnnnn babe!!”agad na pumasok ang babae kahit walang pahintulot mula sa babaeng naroon..may paiyak iyak pa ito..habang papalapit..
“Hanggang dyan kalang!”awat ni sellina
“Gusto ko syang kausapin,masama ba yon?”
“Oo,kaya umalis kana…
Natigil lang sya ng mapansin na may kasama itong matanda..nasa 50-55 ang edad nito..
“Magandang hapon sellina iha?ako ang dad ni Mira?”ngiteng bati nito
“Maupo po kayo sir!”alangan pa nyang sagot.kakaiba kasi ang titig ng lalaki sakanya.at naiilang ito..
“Mira pwede ba?wag kanang nanggugulo please?”
“Hindi ako nanggugulo gusto kolang makita ang boyfriend ko…”
Nais man nyang ipagtabuyan..ngunit parang wala itong balak na umalis..
Kaya hinayaan na lamang nya
..hanggang sa nagsawa na siguro ang babae kaya ..
‘”mira,halika na anak!”
“Pero pa!”
“,Bumalik nalang tayo rito..
“Fine!!!”padabog itong tumayo at lumabas ngunit bago umalis
“Kukunin ko sya sayo .makikita mo….
Pagbabanta ng babae…
Hindi na sumagot si sellina dahil ayaw nya ng gulo..
Ngunit hindi talaga maalis sa isip nito ang matanda..dahil bawat galaw nya ay halos pinagmamasdan ng lalaki..
Bakit kaya??❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top