SELLina CHAPTER 29


“Mom!nakita ko sa internet kagabi,nadisgrasya daw si Demon Mcgregor.!”
“Bakit daw?”habang totok na totok sa cellphone nito
“Yung nangyaring barilan pala sa charity ball ay kagagawan ng Ale…
Sandaling nag isip..
“Alejand….
“Ni alejandro..gusto nya palang kidnapin si sellina..!”natigil ang ina sa kakapindot at seryusong humarap sa anak na si carlita..
“Anu kamu??”
“Ang bingi mo naman momy!ang sabe ko gustong makuha ng alejandro what ever nayon si sellina..kaya pala nagkaputukan eeh,nakita ng Demon my labsss na isinakay sa van ang babaeng iyon..
“Oooh tapos?”pigil hinanga itong nakikinig
“Ayon..nadisgrasya si Demon…
Kasalanan to ni sellina eeh,malandi kasi..!”
“Nasaan na si sellina ngayon??”
“ABa malay ko don..baka patay na !”sabay tawa..
“Gaga!buhay pa sya,si Demon lang yata ang nahospital at yong sinasabi mong ale..
“Alejandro,!”dugtong ni carlita sa ateng papalapit sakanila
“Wala naba kayong ibang mas magandang balita yung patay na si sellina ..o binugbog si sellina?”
“Wala momy eeh!”carmona
“Ayyy wala na pala tayong grocery mom!ubos na ang mga itlog at gatas sa ref.pati mga cangoods wala narin!”pag iiba ni carmona
“Eh di utusan mo si sosan na mag grocery!”tumayo ang ina at tinungo ang terrece..
“Pahinging pera,para utusan ko si sosan!”si sosan ang natitira nilang katulong..noon may limang katulong sila ngunit ng namatay ang dady at momy ni sellina,pinaalis lahat iyon ni carmela ,
at silang mag iina ang tumira sa bahay na dapat ay kay sellina,ginawa nilang katulong ang babae..at sila ang nag buhay reyna sa perang dapat ay sa dalaga,maging ang negosyo nilang patahian at pagawaan ng tela ay nabankcrupt..dahil sa walang ginawa ang carmela at mga anak nito kundi ang maglustay ng pera…
Hanggang sa hito nga ngayon..naebinta nila ang dalaga dahil sa kawalan nila ng panluho at pang waldas…
“Wala na akong pera carmona,!”
“Anuuu???ehh nasaan po ang natitira nating pera??”
“Naipatalo ko kahapon sa casino,!”walang buhay nyang sagot
“Momyyy naman!wala nanga tayong income at nag aaral pa kami ni carlita,tapos ngayon ipinansugal nyo pa?paano na tayo ngayon???”
“May mga ATM cards si sellina hanapin nyo sa kwarto nya doon sa budega!ang alam ko may bankbook syang hawak na ang lahat ng kita ng negosyo ay naroon
..hanapin nyo at ng makapag grocery tayo!”utos nito na animoy segurdong segurado sa mga sinabi..
“Hooy carlita samahan mo ako sa bodega sa baba!”
“Ayoko nga maraming ipis don,at hindi pa ako tapos sa paglilinis ko ng kuko ooh!”
“Tigilan mo muna yan,wala na tayong makain iyan parin ang nasa isip mo!”
“Ikaw ang pumunta don yuckkss !”
“Momy!ayaw akong samahan ni carlita ooh!”ngunit hindi nasagot ng ina at patuloy lang sa paghithit ng yusi nito..
“Peste ka talaga oink oink!!!wag kang kakain huh,walang kwentang kapatid!”padabog na umalis upang bumaba sa budega!may pinaka groundfloor ang bahay na iyon…
At nasa pinaka ilalim ang budega kung saan natutulog si sellina..
Oo,parang cinderella ang buhay nya sa mga pinsan..ngunit kahit na ganun nanatili itong matatag sa buhay..hanggang sa dumating ngang naebenta na ito ng sariling tiya..
Mabuti nga at ginawa nila iyon,atlist ngayon hindi na sya alipin..
Ang mga nangyari kay sellina noon,ay mangyayari din sa inyo ngayon …
“Kamust ang pag iimbistiga Calex?”si Calex ang bagong kuhang imbestigador ni Enrico..
Muli nyang ipapahanap ang anak na nawawala,2months na kasi ng ipatigil nito ang pagpapahanap ,
ngunit dahil sa nakita nya noong nakaraan,nabuhayan sya ng loob..dahil malaki talaga ang pag asa nya na makikita pa nila ang nawawalang anak na si Almira..
Sana lang hindi sya nagkakamali.sana lang na ang babaeng nakita nya sa charity ball at sa hospital ay ang anak nitong si almira..may kung anu kasing pakiramdam ang naguudyok sakanya para paimbistigahan ang babaeng si Sellina daw ang pangalan sabi ng anak nito..
“Sir!23years old po si sellina..bale ang buong pangalan ng dalaga ay
Name:Sellina Alvarro Mandrick
Age:23years old
Birthdate:january 24 1998
Adress:batangas
Lang hu ang nakalagay..
Ng marinig iyon ni enrico agad syang kinutuban,dahil ng panahong mangyari ang aksedente ay nasa batangas sila upang sana ay magbakasyon sa beach house nila doon..
“Anu pa calex may nalaman kapaba?”
“Ang alam ko po ay ang tiya nya ang nag aalaga sakanya noon bago pa sya nabele ng Demon Mcgregor!”
‘anu?ebeninta sya?”
“Uho sir!bale malaki ang pagkaka utang ng tiya nya sa casinong pagmamay ari ng demon mcgregor na iyon
At nagkasundo silang ibibigay ang pamangkin sa lalaki,
Kumbaga pambayad utang ..
may dagdag bayad pa!iyon”
naikuyom ni enrico ang kamao hindi nya alam pero nagagalit ito ng wala manlang dahilan..nagagalit sya sa tiya ng babae..dahil sarili niyang pamilya ay kaya nyang ebenta ng ganun ganun na lamang??”
“Anu ang pangalan ng tiya nya calex?”
“Si madam Carmela Andres Mandrick hu,asawa nya ang kapatid na lalaki ng ama nitong si sellina sir!”
“Nag aaral paba?sabihin mo na ang lahat calex!”
“Opo sa saint agustin uneversity po at 3rd year collage na sana sya pero di natapos dahil ebeninta po sya!”
“Wala naba huh?”
“Wala na po sir!”
“Pwes mag imbistiga kapa kahit anu,basta lahat ng alam mo ay sabihin mo sakin,gawan mo ng paraan kung papaano tayo makakakuha ng DNA sampol sakanya..
“Yes sir!masusunod!”
“Good ,you can go now!”tumayo ang lalaki at lumabas na ng pinto habang naiwang naka upo at seryuso ang mukha ni enrico..posebleng anak nga nya si sellina at gagawin nya ang lahat malaman lang ang katutuhanan…….
Magdadalawang linggo na simula ng magising si Demon sa pagkakacomma..
At ngayong araw ay pwede na raw syang makauwe .
Hindi pala!!!
pinilit lamang nila ang doctor upang makalabas,dahil ayaw ng magtagal pa ng lalaki doon..
Wala naring nagawa pa si sellina dahil nagtagal lang naman sila sa hospital dahil sa pamimilit ng asawang doon muna sila hanggat hindi pa sya lumubasang magaling..
Ngunit ngayon ay hindi na talaga ito mapipigilan,at nakita naman ng doctor na maayos na sya at ang sabi ng binata kukuha nalamang daw sya ng private nurse upang doon na lamang mamalagi sa kanilang mansyon..
Nakumbinsi naman ang doctor kaya ngayon palabas na sila ng hospital..
“Drake sige na buhatin mona,!”
Nasa wheelchair ito at ipapasok na si Demon sa kotse..
“Kaya ko naman eh,bakit hindi nalang ako tumayo at mag isang pumasok sa loob?pinahihirapan nyo pa ang inyong mga sarili?”pagmamaktol nito
“Hindi pwedeng maglakad,dahil baka mabinat ka,okay!makinig kanga sakin!”
Natahimik ang lalaki dahil mukhang uusok ang asawa kapag nagsalita pa sya….
Si drake ang nagdrive ,katabi nya si Melodia na mukhang pasan ang mundo,habang nasa backseat si sellina at Demon..
Nakahilig ang lalaki sa balikat ng asawa..
Habang pinagmamasdan nya ang babae ng tahimik..
“Honey?”mahinang tawag ni demon..
Hindi sumagot ang dalaga..
“Honey!!whats the problem?”
Pero di parin ito naimik..kaya hinawakan ng asawa ang balikat nito at pilit na ipinaharap sa dako nya..ngunit nayuko lamang si sellina..
“Please honey!talk to me!”
“Talk to me!talk to me ka dyan!diba sinabi kona sayo hu?hindi kapa pwedeng lumabas dahil hindi kapa magaling,paano kapag nabinat ka?kapag dumugo ang sugat mo,kapag may nangyari sayo….
Kapa…….
Di na natapos ang mga sasabihin pa sana nito dahil kinabig na sya ng asawa at madiing hinalikan sa labi..
Nanlaki na lamang ang mga mata nito dahil sa gulat..
Ngunit napapikit din dahil sa masuyong halik na iyon…
Hindi narin ito pumalag pa dahil sa sayang nararamdaman..
Ganito ang asawa sa tuwing pinagsasabihan nya
Ni wala nga yata syang natatapos na sermon dahil lagi nalamang ganito ang nangyayari sa pagitan nila..
Hindi naman nagsisisi ang dalaga dahil gusto rin naman nya ang nangyayari…


/> Mabilis lang silang nakarating sa mansyon,mabuti na lamang at walang trafic ngayon..
Pagpasok ng gate..
Tumigil na ang kotse sa tapat ng maindoor..
Unang lumabas si Melodia at padabog na pumasok sa bahay..
Si drake naman ay umikot upang alalayan ang amo..
Nakalabas na si sellina kaya nakatayo itong naghihintay sa asawa
“Drew?pake tulongan nalang si drake!”utos nito sa binatang kalalabas lamang ng kotse..
May sarili silang dala,kasama na ang tatlo pa sa mga tauhan ni Demon..
Agad naman itong sumunod!
“Ingat lang!baka mapano sya!”
Paalala ni sellina habang nakasunod sa likod nito..bukas ng umaga ang dating ng nurse na kinuha ng doctor para sa lalaki..
Kaya ngayon ay sya muna ang mag aalaga sa asawa..
Ayaw nanga sana nyang kumuha ng private nurse ngunit hindi rin papayag ang asawa na magpuyat sya upang mag alaga dito..inaalala lamang din kasi ng lalaki ang kalusugan ng mag ina nya..
“Dito nalang drake,drew salamat!pwede na kayong magpahinga!”ngiteng sabi ni sellina
“Sige maam !”sagot nila..
Nag uunahan pa ang mga itong lumabas ng pinto..mabuti nalang at mga tapat ang mga nakuhang tauhan ni Demon,dahil kahit kelan hindi nila sya pinababayaan..lagi silang nasa tabi ng binata..
Sa lahat ng uras..
Pagkatapos ayusin ni sellina ang higaan nito..pinahiga na nya ang asawa..
“Kailangan paba nito hon?”may midyas pa kasi itong pinasuot at tsaka kinumutan..
“Wag kana kasing magreklamo!”
“Parang nasa hospital parin kasi ako.nabago lang ang paligid.”nasa sariling silid nya ito..
“Makinig kanalang muna ha!magiging nurmal karin kapag magaling kana talaga !”habang inaayos ang mga unan..
“Pero….
“Ssshhhh stop talking and just sleep!”sumunod nman ang binata dahil baka maging dragon ang asawa mahirap na..
“Honey?pwede bang dito ka matulog mamaya?”natigilan ang babae dahil sa sinabi nito..
“Ahhhmf….
“Please honey!”
“,Okay sige nanga..”sagot na lamang nito..
Kaya nayakap nya ang asawa na nakaupo lamang sa kanyang tabi..
Panandaliang nagulat ang babae..
Pero mas nagulat sya ng hatakin ito ng lalaki dahilan upang matumba ito sa taas ng binata..
Namula si sellina dahil sa sitwasyon nila..
Gustong tumayo ng babae ngunit hinigpitan lamang ni demon ang pagkakayakap dito..
“Mabigat ako!kaya bitaw na po!”
“Sssshh stop talking,just hug me back..!”utos nito ng seruso ang boses
“Baka masaktan kalang eeh!”
“Pleaseee??”nagsusumamo ang mga mata nito kaya sumunod na lamang si sellina sa naisangyari ng asawa..
Gumanti ito ng yakap..at ihinilig ang ulo sa matipunong dibdib ng asawa..
“Dooogss!”
“Dooogss!”
“Dooodss”
Rinig na rinig ni sellina ang pintig ng puso nito..napakasarap pakinggang kaya hindi nya mapigilang mapapikit..
“Hon?”bulong ni demon..
“Huh??”
“I love you more than anything…”napadilat ang dalaga at tumitig sa mga mata ng asawa havang nasa ganun paring ayos..
“You do??”seryuso ito
“Ahah!”
Hindi sumagot si sellina dahil iniisip nya kung talaga bang mahal na nya ang lalaking ito.iniisip nya kung hindi ba sya buntis mararamdaman parin kaya nya ito?
Ngunit maitatanggi paba nya ng mahospital ang lalaki ay halos ikalugmok na nya?
Maitatanggi paba nito na ilang beses na nyang nasabi sa asawa na mahal nya ito?
Ilang ulit naba silang naghalikan na halos umabot na sa mainit na pagniniig?
Ilang ulit naba nyang ipinaramdam sa lalaki na mahalaga ito sakanya…?
Hindi na nya iyon pwedeng itanggi pa,
Hindi na nya pwedeng itanggi na tumubo ng kusa ang pagmamahal nya sa lalaking ito
Hindi na nya maitatanggi na mahal nanga nya ito simula palamang ng makita nya ito,pinipilit lamang nyang iwaksi sa isipan at puso ang taong ito…
“Honey??”natigil sya sa pag iisip ng muli itong tawagin ng lalaki..
“Do you love me too?”ilang sigundong katahimikan…
“Yes!mahina na halos hindi halos marinig
“Huh?i can’t hear you!”
“I said yes!”mahina parin..
“I can’t even hear you!”
“Sabi ko oo,mahal din kiiiiiitttttaaaaa anu ba ang bingi mo nama……
Hinawakan ni demon ang ulo..at mabilis na hinawi palapit sakanya….
Isang maalab na halik ang iginawad nito na animoy sabik na sabik ang lalaki..sa labi ng asawa..
Nanabik na mga halik at halos sakupin nya ang buong bibig ng kahalikan..
Napapasunod na lamang din ang babae ..
Ang sabi nga kusang natototonan ang bagay na iyon….
At naramdaman na lamang ni sellina na gumagapang na ang mga kamay ng lalaki..mula sa likod hanggang sa harap nito…
Nasasakop narin pati ang dibdib nya…
“Tok!”
“Tok!”
“Tok!”
Nagulat pa sila sa katok na iyon..
Ni ayaw sanang bitawan ni demon ang asawa ngunit kailangan nyang tumayo upang tingnan kong sino ang nasa labas..
Bago tumayo…
Marahan pang kinagat ng lalaki ang ibabang labi ng asawa..
“Bitaw na!!”
“F*ckkkk!!”mura ng lalaki dahil siguro nabitin ito..
“Manang!!bakit po?”
“Sasabihin ko sanang handa na ang hapunan!”ngiteng ngite ito..
“Sige po !susunod ako,!”
Tumalikod ang matanda kaya muling isinara ni sellina ang pinto..
“Ssshhhit!!”mura nya ng mapag tantong nakalas pala ang tatlong butones ng kanyang suot na blouse..
Iyon siguro ang ngini ngite ng matanda..
Lumapit si sellina sa lalaking nakahiga..
“,Ikaw talaga!!nakaka…uuuhhhm sarap mong sakalinnnn!”gigil na gigil sya dahil sa hiya..
Ngunit nakangise lamang ang lalaki habang nakatitig sakanya..
“Your sooo hooot!!”bulong nito..
Pinigilan nalang ng dalaga na makutusan ito dahil hindi pa pwede,tsaka na kapag magaling na sya!bulong pa nito..
“Lalabas lang ako para kumuha ng dinner mo huh?”
“Pwede bang sabay nalang tayo sa baba?kaya ko naman!”
“Pero hindi….
“Ulo ang may pinsala hindi ang mga binte ko hon!”may tama nga naman sya..
Kaya pumayag nalang ito upang hindi na sila magtalo pa..
Ngunit inaalalayan parin nya ang lalaki ..
Kahit ayaw sana nito..
Nakarating sila sa dinning..
Ipinaghila sya ni sellina ng upuan..
“Thank you honey!”ngiteng ngite ito..
Nasa tabi nya ang asawa habang nasa kabilang bahagi naman si melodia na mukhang wala parin sa mood..kaya nagtaka si sellina..
“Anung nangyari sayo???”
“Wala!”
“Bakit parang pinagsakluban ka yata ng mundo?”
“Wala naman girl,hayaan nyo lang ako mawawala din to…”tumahimik nalang si sellina dahil mukhang galit talaga sya..
At mahinang tinapik ni demon ang paa nito kaya hindi na sya nagsalita pa.
Maalaga ang asawa nya,kahit ang uminum ay si sellina pa ang humahawak ng baso nito kahit kaya naman sana nya…hanggang sa pagtulog ay nariyan ang babae sa tabi..wala na syang mahihiling pa,dahil ang asawang nais nya ay nasa tabi na nito…
Bago sya natulog ay hinalikan muna nito ang asawang mahinang naghihilik habang nasa bisig nito at yakap yakap sya…
Nangingite itong napikit at sana ganito na lang sila..habang buhay….
7:30am..ng magising si Demon,wala sa tabi ang asawa,siguro nasa labas na….
“Goodmorning maam!ako po si jannet na private nurse ni sir Demon!pinadala ako ni doc dito dahil nangangailangan raw po kayo ng nurse?”nasa sala sila kasama ni manang eding..
Maganda ang babae,maputi at walang itulak kabigin..ngunit parang may mali?
Nurse ito pero ang suot ay parang pang club…
Oo ngat purong puti iyon..ngunit pwede namang mahaba diba?pwedeng pantalon na mahaba o paldang midyo mahaba,hindi katulad nito na mini skirt na parang nang aakit..
“Okay!pwede kanang magsimula!”seryuso si sellina ..
Kung pwede lang na sya nalang ang mag alaga sa asawa gagawin nya,ang problema lang wala syang alam sa mga gawain ng nurse, sila lang kasi ang may alam kung anu ang mga dapat gawin.
“Thank you po!”
“Manang,ituro nyo po sakanya ang kwarto nya!”
.”yes maam!”tumalikod si manang kaya sumunod ang babae..may dala itong maleta..na midyo malaki..
Sinundan na lamang nya ito ng tingin dahil kakaiba talaga ang kutob nya sa babaeng ito..maging ang boobs kasi nito ay lumuluwa na sa blouse..may nurse bang ganun???
Hindi pwedeng malingat,
Dahil kapag kinutuban ang babae lalo nat buntis…
Totoo iyon❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top