SELLina CHAPTER 33


“Anak anu ba ang nangyari?”nasa kubo sila ng anak nitong si Mira habang keno-cold compress ang nuo nitong namumula..
“Pa!pwede ba gamutin mona lang ako!”erita nyang sagot
“Mira!igalang mo ako dahil ako parin ang papa mo!”tumayo ito
“Anu nanaman to pa??”
‘mira,mula noon minahal kita bilang nag iisa kong anak,ibinigay ko ang lahat sayo kahit anu ang hilingin mo,ni minsan hindi rin kita napag buhatan ng kamay dahil mahal kita anak..
Pero ngayon,ko lang nalaman na mali pala ako sa lahat ng iyon..
Mali ako!!!!
dahil kahit mali,hinahayaan na lamang kita dahil alam kong alam mo kung anu ang ginagawa mo.pero ngayon!tama na Mira tama na ang mga ito.nakita mona kung gaano na apektuhan ang iba dahil sa makasarili mong mga desisyon?
Mga makasarili mong ambesyon?
Wala kana sa lugar mira!”habang nagsasalita ito panay lamang ang hikab ng anak..
“Miraaaa!!!!”sigaw nya
“Anu????”malakas na sagot ng anak
“Makinig ka mira!kapag hindi mo ito itinigil.mapipilitan akong ipatanggal ka sa kumpanya .hindi ko ibibigay ang mana mo!!!!”
“Whaaat??napatayo ito dahil sa narinig
“Narinig mo !kaya sana makinig ka,dahil kahit saan mo tingnan.bali-baliktaran mo man ang mundo.ako parin ang ama mo!at ako ang susundin mo!”tumalikod ang ama
“Papa sandali lang naman!”patakbong sumunod si mira
Pero patuloy lang sa paglalakad ang ama papasok ng mansyon..
Hindi na ito nagsalita pa,dahil buo na ang disisyon nya,masakit man sakanya pero ito lang ang alam nyang paraan para matigil ang kahibangan ng anak..
Lalo na kanina’t nakita nya at kamuntik nang nadisgrasya ang anak..
Habang pinagmamasdan din nya si sellina,awa ang nararamdaman nito..
Hindi manlang sya nakaramdam ng galit dahil sa ginawa nito sa anak nya..
Oo tama si sellina,hindi nga nya tinuruan ng mabuting pag uugali ang anak..
Dahil ang akala nya ang pagiging mabuti lang na ama ang kailangan nito..
Nagkamali sya!
Subrang mali!!!
“Okay naba ha?”tanong ni carmela sa anak na kalalabas lang ng silid kung saan may mga nagpapatattoo..
Ito ang naisip ng ginang,nagpalagay ng tattoo si carmona ng kurting piso na animoy balat sa kanang palad nito.magaling ang tatto artist na iyon dahil kupyang kupya nya ang balat na nasa palad ni sellina..
Mabuti na lang at may nakita silang picture ng dalaga na kumakaway sa pagitan ng aklat nito kahapon..
Kung sinswerte nga naman sila..
“Oohh diba mom?ang ganda at look!kupyang kupya nya ang balat ni sellina”sabay tawa nito ng mahina
“Bakit ba kasi si carmona pa eeh,pwede naman ako momy ah!”nakaupo si carlita sa tabi ng ina
“Carlita tumigil kana ha,kanina kapa,sinabi ko nanga diba?mas kamukha ni carmona si sellina kesa sayo!”
“Ha ha ha kasi nga mas maganda ako kesa sayo!”
“Carmona!tumigil na kayo,tara na!”tumayo ito kaya sumunod nalang din ang dalawa habang panay parin ang asaran….
Nangingite sya dahil may ebedinsya na sya na si carmona nga ang nawawalang anak ng matandang Balderama..
Nalaman lang nila kahapon na ito ang tunay na ama ni sellina dahil sa mga post sa internet maging sa flash report ay meron din .
At ang pinaka pinanghahawakan nila ay ang picture ni sellina na nakuha nila sa budega noong nakaraan..
“Yayaman na tayo momy!!” masayang mukha ang makikita sa mga ito habang papalabas ng building na iyon..
“Yes thats true mga anak.kaya carmona!galingan mo ang pagdadrama huh?”
“Obcourse momy!ako paba?”sabay tawanan ang tatlo….
“Nasaan ako?”bulong ni sellina habang nakahiga sa kama..
Sinipat ang paligid at walang ibang kulay syang nakita kundi puro puti..
Puting pader
Puting kesame
Puting kurtina at…
Decxtrose?
Napabangon ito bigla…
Ang naalala lamang nya ay sumakit ang kanyang tiyan.
Ng mga uras na naroon sya sa mansyon ng mga Balderama. ..
At pumunta sya……
“Sh*t!!”mahinang mura nya ng mapagtantong nawalan sya ng malay ng dumating ito sa bahay ni melodia..
Hinimas nya ang tiyan…
Ngunit …..
“Sellina!”bumukas ang pinto at pumasok mula roon si melodia at ashton??
“Anung ginagawa ni ashton dito mel?”walang emosyon nyang tanong
“Mamaya nayan!kamusta kana?alam mo bang grabe ang kaba ko kanina ng mawalan ka ng malay?
Napaiyak panga ako dahil sa nangyari eeh..hindi ako makapaniwalang mangyayari sayo lahat ng iyon…
Napatakip ito ng bibig
“Anung nangyari mel??”
Mabuti pa sellina magpahinga ka muna,pag gising mo ,sasabihin ko ang lahat?”si ashton iyon habang nasa tabi ni melodia
Nagtataka man sumunod na lamang ito dahil masakit pa kasi ang ulo nya at midyo ng hihina pa ..
Pumikit syang muli upang matulog ng saganun mabawe nya ang lakas na nawala sakanya..
“Sasabihin paba natin sakanya?”
“Oo dahil iyon ang nararapat melodia!”
“Paano kapag hindi nya natanggap huh?paano kapag nabinat sya?”
“Sasabihin natin kapag malakas na sya wag lang muna ngayon…
Habang napipikit naririnig ni sellina ang bulungan ng dalawa sa silid na iyon…
Kaya muli syang dumilat at nagsalita
“Anung dapat kung malaman mel?ashton??”seryuso ang mukha nito
“Huh? Wa-la ..ma-tu-log kana lang ulit sellina wag mo kaming in-tindihin!”hindi makapag salita ng deritso si melodia dahil sa kaba
“Sabihin mo ashton!!anu ang dapat kung malaman ha??”
“Magpahinga ka muna,bukas ko sasabihin sayo sellina!”lumapit ito at hinawakan sya sa kamay...


habang may lungkot ang mga mata
“Sabihin nyo na dahil hindi ako matutulog hanggat may inililihim kayong parehoo,!”napalakas ang boses nya kaya nagpanik ang dalawa
“Oo,sasabihin namin kaya please kumalma ka naman muna?”
“Paano ako kakalma kung ganyan kayo??”
“Sellina,patawarin mo ako,hindi ko nailigtas ang anak mo!!”
“Anu????”gulat na gulat ito sa sinabing iyon ni ashton
“Wala na sya?wala na ang baby ko huh ashton???”nagsimulang tumulo ang luha nito
Ngunit Nayuko lang ang lalaki at hindi sumagot…
“Hindi!hindi maari..sabihin mong nagbibiro kalang ashton…melodia???”ngunit maging si mel ay nayuko din..
“Patawad,nawala ang isa sa tatlo mong mga anak!!”tumingin si ashton sa mga mata ng babae…
“Mga anak???”
Nagtataka ito
“Oo,tatlo sana sila sellina,ngunit nawala ang isa dahil mahina ang kapit..hindi kana nakaabot sa hospital dahil bago palang nakarating dito nahulog na sya kaya ka denugo..
Patawad!!!!”
“Hindi!!hindiiiiii!!!!”sigaw nya habang nagpupimiglas ito sa bisig ng binata..
“Please calm down sellina makakasama iyan sayo..
Awang awa si ashton sa kalagayan ng dalaga!oo,kahit sino naman basta may nawawala natural lang na ganito ang kahihinatnan..
“Kasalanan itong lahat ni Mira!kasalanan nya…kasalanan nya!!!”halos isumpa nya ang babae.
Makikita sa mukha ng dalaga ang subrang pagkamuhi at galit!
Sinisisi din nya ang sarili dahil sa nangyari..
Para syang mababaliw..parang gusto nalamang nyang mamatay narin kasama ng anak..
‘sellina!alam kong masakit,pero kailangan mong tanggapin ang lahat!hindi agad mawawala ang sakit,ngunit kapag tinanggap mo sa sarili mo…
Magiging panatag ang puso mo…
Malalampasan mo itong lahat,matapang ka!alam kong kaya mo!”habang yakap ito ni ashton…
Hikbi lang ang maririnig sa kwartong iyon. Hikbi ng isang ina na nawalan ng isang anak…
Napakasakit isipin na hindi pa ito nailuluwal,nawala na sya agad!
“Lalaki at babae ang gender ng natitira mong mga anak sellina!”si melodia iyon,ngayon lamang sya nagtangkang magsalita..dahil sa kakaiyak din,naawa talaga sya sa kaibigan..
“Yong angel ko?anu sya mel?”mahinang tanong nya habang nagpupunas ng luha
“Lalaki sellina!”yukong sagot nito
“Patawarin mo ako huh?di kita nadala agad sa hospital hindi kasi kita kaya at nagpanic na ako..kaya nagpatulong ako kay ashton!”napalingon si sellina sa binatang nasa kama nito nakaupo
“Salamat!”walang kahit na anung imosyong makikita sa mukha ng babae
Ngunit hindi sumagot si ashton,
nagtanong ito..
“Kamusta kayo ng asawa mo???”ng marinig ni sellina ang salitang asawa,nagdilim nanaman ang paningin nya…
“Okay!okay!forget it,wala na ako…..
“Pwede bang lumabas na tayo dito?baka makita ako ni demon,at baka ipahanap nya ako.hindi pa ako handa!gusto ko munang umalis!!malayo
,malayong malayo!!!..sa lugar kung saan hindi ko maaalala ang lahat ng nangyari ngayon…”habang sinasabi nya iyon,panay lang ang agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata..hindi nya mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman lalo na ng makita nyang magkayap sila ni jannet..
Halos madurog ang puso nya sa tagpong iyon,halos mawasak ang kaluluwa dahil sa sakit na idinulot nito sakanya…
Gusto nya lamang ngayon?
Ay ang lumayo!
“Manang?narito naba si sellina?”kakapasok lamang nito ng mansyon,humahangos pa sya dahil sa pagtakbo papasok..
“Wala po sir!akala ko po sinundo ninyo?”may kabang namuo sa puso nito
“Wala ba sa kwarto ha??manang,?”
“Wala po sir!kakagaling ko lang po doon,kasi akala ko naroon sya,kakamustahin ko po sana!”
“F*ck!!!!”sabay suntok ng pader..
“Manang tawagin mo sila drake madali!!!”hiyaw nya sa galit…habang nagdudugo ang kaliwang kamao,
Kasalanan nya ang lahat ng ito…
Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sakanya…
Kailangang hanapin nya ang asawa alam nyang,nahihirapan sya
Hirap na hirap
Lalo na’t sumasakit pa ang tiyan niyon kanina….
“Sir?pinatatawag nyo raw po kami??”
“Drake sumunod kayo!pupunta tayo ng hospital!”naisip nyang baka sa hospital dahil sa pananakit ng tiyan ng asawa..
“Opo sirrrr!!”sumunod ang lahat sakanya….
Kailangang makita nya ang asawa,dahil subra na ang pag aalala nito..
Kahit sumasakit ang ulo,ay titiisin nya,
Basta makita lamang ang mahal..
Sana lang ay maabutan pa nya ang asawa
“Sige na umalis na kayo!”saad ni ashton sa dalawang babae..na nasa loob ng kotse nya, ipinahiram nya kay melodia..
Pupunta sila ngayon sa probinsya ng binata,kung saan walang makakaalam .. maliban sa binata..ayaw nyang gawin ito ngunit
Nagmamakaawa na ang dalaga habang umiiyak..napakadilikado pero anu nga ba ang magagawa nya sa babaeng nais lumayo sa taong gumawa ng sakit nitong nararamdaman ngayon???
Kahit labag sakanyang puso..tinulongan parin nya ito..
May address syang ibinigay kay mel at doon sila totoloy sakanyang resthouse sa boracay!
“Salamat ashton!”mahina at pagud na boses ni sellina
“3;30am ang flight patungo sa aklan..bilisan nyo 3:00am na,susunod ako.mel!ingatan mo si sellina huh??”
“Oo akong bahala!”si melodia ang nagdadrive ng kotse naayos na lahat ng gamit nila..mabilis talaga kumilos si ashton..
“Goodluck sayo sellina mag iingat ka!”iyon ang kataposang sinabi nya at sumara na ang bintana ng kotse…
“Nurse may Sellina Mcgregor bang nakaconfine dito sa hospital nyo??”tanong ni demon habang hindi mapakali sa kinatatayuan sa tapat ng frontdesc ng hospital
“Sandali lang po sir!”pinindot ang computer at….
“Kalalabas lang sir!!”
“Ngayon lang???”
“Opo s….
“Drake,drew,anthon….
Bilis maghiwa hiwalay kayo hanapin nyo si sellina sa buong hospital!!!!
ako ang maghahanap sa labas!!!”malakas na utos nito sa mga tauhan..
“Yessss sir!”takbohan ang lahat…..
Sana maabutan mo ang asawa mo Demon Mcgregor!!!❀️






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. hindi na ako nagtataka kung bakit triplets anak niyo ni demon may kakambal ka ehh πŸ€”πŸ€”πŸ€”πŸ€”

  2. sayang sellina nawalan ka ng isa pero ok lang yan atleast maydalawa ka pa na anak kaysa naman mawala lahat impierness triplets anak niyoπŸ€”πŸ€”πŸ€”πŸ€”πŸ€”πŸ€”πŸ€”btw next πŸ€—πŸ€—

  3. hay nako demon wag na asa aalis nayon πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

  4. wow ang galing mo demon ahh triplets anak niyo btw next chapter

Leave a Reply


top