SHE SAID ‘NO’ WHEN I ASKED HER TO MARRY ME


ONESHOTSTORY—MAIKLING KWENTO

SHE SAID ‘NO’ WHEN I ASKED HER TO MARRY ME
Author: yrstrly

AAAAH! Kinakabahan ako kingina
Halos hindi na mapakaling sabi ko sa sarili habang naglalakad-lakad palibot sa roof top.
Wala pa si Maze yung girlfriend ko.
Sabi ko kasi sa kan’ya may simpleng dinner date kami ngayong gabi dito sa taas. Isang oras na ang nakakalipas pero wala pa din s’ya.
Balak ko pa man din na yayain na s’yang magpakasal
“Babe?”
“Asan ka na?”
“On the way ka na ba?”
“Okay lang kung maghintay ako ng ilang oras dito, basta dumating ka lang”
“Mahal na mahal kita Maze. Ingat lagi, I love you!”
‘Yan ‘yung mga sent messages ko sa kan’ya pero ke’t isa sa mga ‘yun ay hindi n’ya nabasa.
“Sir, magsasara na po kami. Kailangan n’yo na pong umalis, pasensya po ” sabi ng isang security guard sa’kin.
“Isang oras na lang manong. Isang oras na lang talaga, baka natraffic lang yung kasama ko e'” pagmamakaawa ko.
Nagaalinlangan pa s’ya nung una na bigyan ako ng kahit isa pang oras pero sa huli pinayagan din nya ako.
“Salamat.”
Umalis na si Manong pagtapos nu’n. Kinuha kong muli yung phone ko tas tinext si Maze.
“Maze? Baby…please sagutin mo naman mga text messages ko”
“Hindi mo din sinasagot yung mga tawag ko? Bakit?”
“May problema ka ba jan? Anong nangyare?”
“Isang oras na lang babe, papaalisin na ako dito”
“Maghihintay ako Maze, alam kong hindi mo sinisira pangako mo. Alam kong dadating ka”
“I love you baby…please, pumunta ka..”
Halos nagmamakaawang sabi ko sa mga text messages ko sa kan’ya.
Nagintay pa ako ng ilang minuto pero walang Maze na dumating.
Hanggang sa naisipan ko na lang na tumayo at simulang kalimutan ang hinanda kong proposal sa kan’ya.
“L-lucas..”
Agad akong napaharap sa likod ko nung marinig ko ang boses na iyon.
Dali-dali ko s’yang nilapitan at sinalubong ng isang mahigpit na yakap “Oh shet! Baby..”
“Akala ko hindi mo na ako sisiputin..Thanks God, you’re here!” masayang sabi ko pa.
“You waited for almost 5 hours…Hindi ka ba napagod kakahintay sa’kin?” S’ya ang kumalas mula sa yakap ko at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
“No. Hindi ako mapapagod na maghintay sa’yo. I love you Maze, sobra pa sa buhay ko..”
“L-lucas..”
Hindi ko na s’ya pinatapos sa pagsasalita at agad nang lumuhod at hinawakan ang kamay n’ya.
Pansin ko ang gulat sa kan’yang mukha. Nanginginig na tinakpan n’ya ang kan’yang bibig at hinayaan ang mga luha nyang pumatak.. “L-lucas..” usal nya muli sa pangalan ko
“Maze, ayoko nang magsayang ng ket isang segundo” sadyang putol ko sa...


sinasabi at inilabas ang maliit na kahon sa bulsa ko.
“Maze, papakasalan mo ba ako?”
Dumaan ang ilang sandali at wala akong ibang naririnig kundi ang mumunting iyak ni Maze.
Hinawakan n’ya ang kamay ko at ginaya akong tumayo
“B-baby…P-papakasalan mo ba ako?” Halos nagkautal-utal na sabi ko ulit sa kan’ya.
Imbis na sagutin ang tanong ko, niyakap n’ya ako. Hindi pa din sya maawat sa pag iyak. Hindi ko alam kung naiiyak ba sya dahil sa tuwa o dahil..
“L-lucas…I-I’m sorry…”
Parang tumigil ang lahat nung marinig ko ang sagot n’ya.
“B-baby…”
“L-lucas..Makinig ka sa’kin..” Kumalas s’ya at hinawakan ang pisnge ko.
Sa mga oras na iyon, hinayaan ko ang sakit ang sunod na yumakap sakin.
“I-I love you baby… M-mahal na mahal din k-kita…..” Maze.
Hindi ko s’ya sinagot pero patuloy pa din ako sa pagiyak.
“..P-pero hindi na kasi pwede L-lucas…I’m sorry..”
“B-bakit hindi?”
“Dahil—” naputol ang pagsasalita n’ya nung biglang tumunog ang celphon ko. Hindi ko sana iyon sasagutin pero tumango sya.
“T-tita?” Sagot ko sa tawag. Sa mommy ni Maze.
“L-lucas…s-si Maze..’y-yung anak ko…” Iyak ni tita sa kabilang linya dahilan para gulat akong mapatingin sa babaeng mahal ko.
“..w-wala na s-s’ya…”
Nabitawan ko ang selpong hawak ko at napatingin sa babaeng nasa harapan ko na ngayon ay patuloy sa pag-iyak..
Parang tumigil ang sandali ng buhay ko. Sinubukan kong lumapit sa kan’ya pero wala akong lakas. Puta ang saket
“Y-yung taxing si-sinakyan ko…yung l-lalaki” hirap na ani ni Maze nang hindi tumitingin sa’kin. “G-ginahasa n’ya ako, l-lumaban ako L-lucas p-pero..” hindi nya tinapos ang sasabihin dahil niyakap ko na sya ng mahigpit.
“B-b-baby..”
Sakit, lungkot, galit ang nararamdam ng puso ko. Pota!
“P-patawad…ginawa ko ang lahat para lumaban pero hindi na kinaya ng katawan ko L-lucas…Dinala ako sa ospital pero huli na ang lahat..”
Gusto kong sumigaw at manubat sa taas pero pinili kong manatiling nakayakap sa babaeng mahal ko at umiyak. “M-maze, No. You’re not Dead. You’re here with me baby… P-papakasalan pa kita..P-please, sabihin mong p-prank lang ‘toh…I’m begging you”
“S-sana nga prank lang ‘toh, pero hindi. Nandito ako para tuparin yung isang pangako ko..” tiningnan nya ako sa mata ng may ngiti..
“pumunta ako baby, pumunta ako para sa’yo..”
Pangpapatungkol nya sa pangakong pupunta sya dito ngayong gabi, para sa dinner date namin.
“Kaya wag ka nang maghintay sa’kin ,hah. ‘Wag mo na akong hintayin magmula ngayon”
Maze..
“M-mahal na mahal kita Lucas….” Sa huling pagkakataon dinampian nya ang labi ko.
“P-paalam..”
“M-maze…” sinubukan ko pa syang yakaping muli pero huli na ang lahat.
“MAZE!”
Wala na s’ya.
Work of fiction
Words by: selene oxford—
Oneshotstory—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top