Sold To My Heartless Husband KABANATA 1-3


TAHIMIK na pasilyo ang sumalubong kay Nessy ng makalabas ng kwarto pinagkulungan sa kaniya kanina ni Zher. Pakiramdam niya naubos lahat ng tubig sa kaniyang katawan dahil sa pag-iyak kanina at kakasigaw.
Nanghihina ang kaniyang katawan ngunit kaya pa naman niyang maglakad hanggang sa living room.
Iyon kasi ang iniwan na sulat ni Zher sa kaniya na nakasuksuk sa closet ng kwarto.
Napakalaki ng bahay na ito kaya sobrang haba ng pasilyo patungo sa living room.
“Nagugutom na ako. Wala bang pagkain dito?” naisatinig niya sa kaniyang sarili ng tunog ang kaniyang tiyan.
Naalala niyang hindi nga pala siya nag-agahan at nanghalian dahil sobrang haba ng biyahe at umasa sila na makakakain siya dito sa mansyon na ‘to.
Pero kabaliktaran ang nangyari sa kaniya.
“Here!” napalingon si Nessy sa tumawag ng pangalan niya at nakita si Zher sa pinto ng isang kwarto.
Lumapit siya rito. Pinagbuksan siya ni Zher ng pinto at nakangiting giniya siya papasok paharap sa isang may katandaang lalaki na nakaupo sa swivel chair.
“Siya ba si Nessy Ahj?” litanya ng may katandaang lalaki.
“Yes, judge. Siya nga ito.” hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkawala ng ngiti ni Zher ng ituon ng judge ang tingin sa kaniya.
“Kay kandang dilag. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” puri nito na nagawa niyang nginitian.
“S-salamat po.”
Tumikhim si Zher bago nagsalita. “Shall we start. Alam mo kasi, judge, may gagawin pa kami ng magiging asawa ko. Hindi ba, wife?” maganda ang pagkakangiti nito na kahit sino ay hindi iisiping may sa demonyo ang ugali nito.
Mukha itong maamong tupa habang kaharap ang judge.
➖‘Mapagpanggap!’➖
“Masyado ka namang nagmamadali, Mr. Luster. Gusto mo na agad ang honeymoon?” naatatawang wika ng judge na sinabayan lang ng tawa ni Zher.
“Alam mo naman na, judge. Syempre hindi maiiwasan iyon.”
“Kung sabagay.”
Nagsimulang magsalita ang judge at magtanong na tanging pangtango at oo lang ang naging sagot ni Nessy.
Lahat ng mga sinasabi nito ay tungkol sa kasal at kahit gusto man niyang tumanggi ay hindi na niya ginawa pa.
Natatakot siya sa maaring mangyari sa kaniya kapag tumanggi siyang pakasalan ang lalaki at isa pa wala siyang karapatang tumanggi dahil ibenenta siya at bayad...


na siya ng lalaking nasa tabi niya.
“Lastly, just signed these papers, Miss Nessy.” inilahad ng judge ang papeles na ibinagsak sa kaniya ni Zher.
Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang pumirma.
Nagpaalam na kaagad ang judge na umalis pagkatapos na nagawa pang ihatid ni Zher sa labas ng pinto ng kabahayan.
Sumunod din naman siya ngunit nanatili s iyang nakatayo may kalayuan kay Zher.
Bumalik si Zher at saktong nagtama ang tingin nila.
Madilim na ulit ang awra nito ngunit nakataas na ang gilid ng labi. Lumapit ang binata sa kaniya na mabilis niyang ikinaatras ngunit inisang hakbang ni Zher ang pagitan nila at marahas siyang hinila palapit.
“A-anong g-gagawin mo?” ramdam niya ang panginginig sa boses niya.
Umarko ulit ang labi ni Zher ng marinig ang tinuran niya. “Ano bang ginagawa ng mga bagong kasal?”
Nanlaki ng husto ang kaniyang mga mata at nagpumilit na umalis sa pagkakahawak nito ngunit masyado itong malakas para sa kaniya.
“Huwag! Maawa ka! Bitawan mo ‘ko! Huwag mong gawin ‘to! Maawa ka sa’kin!” nagpumiglas siya ng marahas siyang paghahalikan sa labi ni Zher.
“Bitawan mo sabi ako, Zher!” napasigaw na siya sa sobrang sakit ng ginagawa nitong paghalik.
“You, b*llsh*t!” malakas na sampal ang ibinigay ni Zher sa kaniya.
Bumagsak siya sa sahig na ikinagulat niya. Masakit ang pagkakabagsak niya at pakiramdam niya namanhid ang kaniyang pisngi na sinampal nito.
“I told you to use ‘po’ and ‘opo’ while talking to me!” sigaw ni Zher. Pinantay nito ang mukha nila at marahas na hinawakan ang bagang niya. “Don’t you ever call me ‘Zher’ hindi tayo magkaano-ano or maybe yes were wed pero sa papel lang iyon. Kaya huwag mo na akong tatawagin sa pangalan ko or else hindi lang sampal ang makukuha mo.” pabalya nitong binitawan ang bagang niya bago tumayo at inayos ang sarili nito.
Namalisbis ang mga luha niya ng mga oras na iyon.
“Magluto ka kung gutom ka na. Maaga kang gumising bukas dahil ipaghahanda mo ang pagkain at damit ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
“O-oo.” napipilitang tigon niya.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib ng mawala ito sa paningin niya. Napahagulgul nalang siya ng iyak habang nakayakap sa sariling mga binti.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top