STEAL YOU Episode2


(Buod)
Ito ang pagkikita ni lica at martin sa hinding inaasahang pangyayare sakanilang dalawa. Ang mga puso nila ay parang isang langgam na nakawala sa hawla.
– na natiling tahamik si Lica dahil nakita nya ang isang lalake na minahal nya ng tudo at buong pait na sinaktan siya at ngayon nag pakita ito sakaniya! Gusto nya ito sampalin pa ulit-ulit hanggang malaman nito ang nararamdaman nya nang iniwan sya nito.
“Love maayos kalang ba?” Pukaw sakaniya ni eugene, nakita siguro siya nito na malalim na iniisip ang pagkain nya naman ay hindi pa nya kinakain nawalan siguro sya ng ganang kumain sa nakikita nya.
“Siguro pagod ang fiance mo anak. Mag pahinga ka muna Lica” pag-alala na tugon ng ina ni eugene, Tumayo nalamang sya at isa’t isang yumuko.
“Magpapahinga lang muna ako!” Pagod nyang salita sa mga relatives ng nobyo nya. Pa simpleng tumingin sya kay martin ngunit tahamik lang ito na umiinom ng wine.
“Ihahatid nakita sa kwarto mo.” Sabi ni eugene, agad tumayo si eugene at inalalayan sya nito hanggang makapasok sila sa kwarto. Napasalampak sya ng pag-upo sa kama.
“Love kanina pa kita nakikitang wala sa sarili may gumugulo ba sa isip mo?” Tanong ni eugene. Napatingin sya kay eugene nakikita nya sa mga mata nito ang pag alala kaya naman napangiti sya sa nakikita nya kay eugene dahil sa pagiging businessman nito ay may oras pa ito sakaniya kaya thankful sya na nandito ang taong nag hahalaga sakaniya.
“wala naman” sabi nya. Napalinga linga nalang si eugene sakanya. Lumapit ito sakaniya at hinalikan ang kaniyang noo.
“Salamat naman akala ko may sakit ka.” Yinakap pa sya ng mahigpit ni eugene”Aalis muna ako pupuntahan ko muna sina martin baka nag inuman na sila, pwede ka maglibang sa bahay kong gusto mo!” Sabi pa nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sakaniya. Tinitingnan nya ito palabas ng kwarto. hanggang ngayon ma alaga parin sakaniya ai eugene kaya ito na talaga ang taong nakaalan sakaniya.
pagkatapos nya maligo sa banyo ay agad syang pumunta sa balcony kong saan makikita ang Garden, Ibinuka nya ang kaniyang mga kamay habang sumisinghap ng halimuyak ng hangin.
Napapiktad sya ng may yumakap sakaniya si eugene kaya naman nakangiti nya...


naman ito tinignan ngunit may kasama ito isang lalake si martin kaya naman ay napasinghap sya kumalas na din si eugene sakaniya sa totoo ay hindi nya talaga nya kayang tignan si martin kapag nakikita nya kasi ito ay lumulukso ang puso nya sa hindi alam na dahilan.
“Love siya si martin my cousin,” nakangiti na sabi ni eugene. Napapikit sya ng mariing ngunit hindi nya pinapahalata sa dalawa. Napabuntong hininga nya inabot ang kamay kahit labag sa isip nya kabaliktaran naman ng puso nyang taksil!
“Eugene ihahanda muna natin ang iinomin!” Tawag ng isang lalake kaibigan rin ni eugene.
“Oo na Rafael.” Sabi ni eugene tumakbo pa ito papalapit sa kaibigan, silang dalawa nalang ang nandidito. Agad syang umiwas ng tingin sa lalake na kaharap nya ngayon at tinuonan ng pansin ang garden sa ibaba, Nagulat pa sya na nasa gilid na ito.
“ahem..” Panimula nito “lica kamusta kana?” Malamyos na tanong ni martin. Agad nya itong tinignan, tumingin din ito sa ibaba ng garden kaya left side lang ng mukha nito ang nakikita nya.
“M-maayos naman. I-ikaw.?” kinakabahan nyang tanong din dito.
“Maayos naman, May isang anak at nasa apat na taong gulang na..” sabi nito. Gulat nya itong tinignan. Kong may anak na ito so may asawa na ito?. Dapat masaya siya eh!.
“Anak?. So kasal na kayo ni reign?” curiosidad na tanong niya. ngunit tumawa lang ito sa sinasabi nya. Nahiya tuloy siya samga tinatanong nya.
“Nope pero may Anak kami.” Sabi nito. Isang pait na ngiti nya lamang itong tinugunan.
Tumingin ito sa palapulsohan nya agad nya naman tinago ang kamay sa likod.
“Suot mo parin ang necklace na ibinigay ko,”natatawang salita nito. Napasinghap nya tiningnan ang necklace. Unang bigay ni martin sakaniya noong panahon na sila pa.
“Ah ang ganda kasi. Kong gusto mo isusuli ko nalang-” sabi nya akma sana nya itong tatanggalin ng hinawakan nito ang kamay nya. Bigla naman siya napatitig sa mga mata nito hindi nya mawari bakit sa isip nya na malungkot ito pero ang pinapakita nito sakaniya ay masaya.
“Lica!!” Tawag ni eugene sakaniya. Agad itong napabitaw si martin sakanya. Lumapit sya kay eugene at ngumiti na parang wala lang ang nangyare doon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top