STOP BODY SHAMING!


STOP BODY SHAMING!”
“Akala ko ba pageant ‘to ng mga magaganda at mga sexy?e’ bat may letchunin na naka swim suit?”pagpaparinig ng Isa sa mga kandedata at renig ko ang mahihinang tawanan nila sa TABI KO.
“bat di nyo’ko sinabihang FATgeant pala ito? Isang balyena ang sumali sa isang pagandahan at pasexy-han ang labanan, “dinig ko ulit na sabi nila kaya tumayo ako at akmang lalabas na sa event hall.
“Fatima, saan ang punta mo?”tanong ng isang organizer sa’kin.
“Mag back out na lang po ako”yumuko ako at pinigilan ang pag tulo ng luha ko.
“Bakit?maganda ka sexy ka at mabuti ang kalooban”sabi nito.
“Kahit alin po d’yan sa sinabi n’yo wala ako”natawa na lang ako kasi alam kung nag bibiro lang s’ya.
“Alam mo Fatima lumaban ka, maganda ka sa loob at labas. Patunayan mo na karapat dapat ka sa pwestong ito, naalala mo yung kinwento mo sa audition?”napa isip ako bigla, inaalala ang sinabi ko sa audition.
“Opo”sagot ko.
“Ano nga ulit ‘yon?”
“Sumali ako kasi ito yung pangarap para sa’kin ni Mama, na kahit isang beses lang e’ sumali ako para sa ikasasaya n’ya”nabuhayan ako ng loob at napangiti.
“Ayan, ganyang Fatima ang nakilala namin simula palang, ano tara?”ini abot niya ang kamay niya at inilakad ako papuntang entablado.
Nadaanan ko ang mga magagandang dilag na pinag uusapan ako kanina, pero imbis na maasar ay itinaas ko ang ulo ko at saka sila dinaanan nang may saya at confident sa sarili.
“Ikaw na ang susunod Patty(Fatima)”ngumite ang organizer at inalalayan ako paakyat.
“Okay gagawin ko ‘to para sa ikasasaya ni Mama at para mag ka roon ako ng confident sa sarili kong katawan”bulong ko at umakyat na sa entablado.
“And now please welcome Fatima Grace Vergara”pag katawag na pag katawag ng host ay lumabas na ako.
Nag lakad ng may ngiti sa mukha at confident isang magandang rampa ang ibinigay ko nag palakpakan ang lahat, yung tipong gustong gusto nila ako.
” I Fatima Grace Vergara naniniwala sa kasabihang ‘ I may be fatty, but I don’t act trashy… Aanhin mo ang magandang pagmumukha at pangangatawan kung ugali mo’y daig pa ang basurahan’ “nag sigawan lalo ang tao dahil sa kasabihang iyon.
At marami ang nag sisigawan at nag cheer sa ‘kin sinabihan pa akong, ako ang paborito ng manonood sa buong bansa.
—————–
“And now please...


stand up number 10 Miss Fatima Grace Vergara ang kahulihulihang kasama sa top 3″napuno ng tuwa ang buong manonood ng masama ako sa top 3 na dito palang panalo na ako.
Maraming kandidata ang natuwa at marami ang hindi.
“Para sa huling porsyon ng patimpalak ang question and answer”parang nag mamadali ang host na ‘to natawa na lang ako.
——————
“Isang magandang sagot Miss Baguio”yumuko ang host at nag palakpakan ang tao.
Hindi namin naririnig ang mga sagot dahil may headphone kami na sobrang lakas na, kahit sino ay di mo maririnig.
“And last but not the list Miss Valenzuela Fatima Grace Vergara! “nag tayuan ang buong manonood at nag hiyawan sinisigaw ang pangalan ko.
“Same question for you Miss Valenzuela ‘Bakit ka sumali sa pageant na ito?”tanong ng host at ibinigay ang microphone sa’kin.
Huminga ako ng malalim at sinagot ang tanong.
“Simple lang po, dahil sa aking ina, siya ang nag sabi sa’kin na sumali ako sa patimpalak na ‘to, na buuin ko yung confidence ko, as you can see isa akong mataba at hindi kagandahang nilalang isang balyena at letchuning baboy sabi ng ilang kandidata”
“Hindi ako para sa patimpalak na ito pero sinubukan ko pa din, puro sexy at magaganda ang nandito at ako tanging ganda lang ng kalooban ang meron kahit ayokong sumali wala akong nagawa kundi ang gawin dahil iyon ang huling bilin ng aking ina bago siya pumanaw”yon lang ang nasabi ko at pasimpling pinunasan Ang nagbabadyang luha sa aking mata
Natahimik ang manonood at biglang nag hiyawan ang lahat, malayo man sa katotohanan ang sagot ko ay sinuportahan pa din nila ako.
“At yan ang nag panalo sa ‘kin mga apo”huli kong nasabi at ngumiti.
“Ang ganda naman po lola!”sigaw ni Ash.
“Kaya kayo apo wag kayong matatakot na sumubok ng bago, kahit hindi kayo fitted sa patimpalak ang mahalaga ay sinubukan niyo”ngumiti ako sakanila at tinignan ang mga tropeyong napanalunan ko ng sunod sunod.
Mapa international o local man. I did it to boost my confidence and for my mother’s last well not for those people who judge and tried to down others for them to feel high.
No more body shaming! Big or Small. Short or Tall. None of us are beautiful if we tear others down to build ourselves up
_______________________
✒ Written by: Kiara Morrison D’veil ( Kiara D’viel )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top