Tadhana


Hi sainyo share kolang muna story ko sa crush ko na kami na ngayon, nung 10 yrs. Old pa ako may crush na ako kadi sabi nila kung wala ka raw crush ehhh abnormal ka daw. Kaya nagkaroon na agad ako ng crush ang pangalan niya ay si gee. Ngayon sa facebook kolang siya nakilala kasi nung nag reunite yung mama ko at mama niya dahil ka batch-mate sila nung highschool ehh nakita ko yung pic niya sa account ng nanay nya at dahil sa maputi,matangos ang ilong,matangkad,at matalino pala siya sa klase
(dahil kada may awarding siya ipinost ng nanay niya). Ehh ako hindi naman gaano katalino. Kaya nagka crush ako sakanya dahil nakikita ko yung perfect place sa kanya. Hanggang sa inadd friend ko siya sa sarili niyang account. At malapit na magpasko nun isa sa hiling ko ang i confirm niya ako; at yun ay natupad na rin nag chat ako sa kanya ng “hi” pero seneen lang niya consider yun sa akin dahil hindi niya ako kilala ako lang ang may kilala sa kanya,ngayon nagbaksyon sila sa probinsya namin dahil sa ibang bansa sila naninirahan at dun sila tumuloy sa pinsan ko kasi may pinsan ako na kaibigan nila namasyal din sila dito di ko akalain na habang namamasyal sila ay makakabangga ko pala siya; nagsorry ako sakanya ngayon naka english pa siya. Ehh ngayon dahil naalala ko siya ang crush ko sa fb. Kaya nahiya ako naalala din niya na ako yung laging nagha hi sa kanya dahil namukhaan niya ako sa mga post ko kaya sabi niya ok...


lang daw at nag thakyou pa siya dahil lagi ko daw siyan pinapansin sa message. Hanggang yung pinsan kong lalaki na kasama niyang namasyal ay pinakilala ako sakanya.
Natuwa din naman siya. (At kung natuwa siya tuwang tuwa talaga ako.) Hanggang bumalik siya ng u.s.a at nagkita uli kami ng pinsan ko sabi niya na nung makita daw ako ni gee sa personal na love at 1st sight daw siya sa akin at nasabi daaw ni gee sa kanya na may gusto to sa akin. Dahil sa balitang yon umuwi ako ng masaya. At di nagtagal naging chat mate ko si gee (pero 15 ako nung una kaming magkita sa personal). Hanggang si gee na mismo ang nagtapat sa akin na na may gusto siya sa akin. Ipinaalam ko din kay gee na maging ako matagal na ding may gusto sa kanya. Sa ngayon malapit na akong mag college at 17 yrs. Old na din ako si Mama naman sa awa ng Diyos nakapag u.s na din at nakatagpo ng mamahalin doon na mabuting tao dahil sa may plano siya at yung asawa niya na kunin ako para dun na mag aral. Kaya ngayong naging kami na ni gee. Pinaalam ko sa kanya na malapit na akong makapuntang u.s nagbabakasakaling darating ang araw na magiging ok na ang lahat at magawa na naming sabihin sa aming mga magulang na mahal namin ang isat-isa dahil hindi namin yun nasabi sa kanila kasi baka magdag dagan ang mga iniisip nila.

– hanima.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ang ganda

Leave a Reply


top