The Battered Wife CHAPTER 28


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( FRANCO – POV )
Hingal na hingal ako dahil kanina pa ako tumatakbo palayo kay Bella.
Sa nadaanan kase niya ay may nakita siyang kahoy na ipanghahampas sa akin.
Nakarating na kami dito sa labas ng bahay niya , wala na ako ibang paraan na magagawa para takasan si Bella kundi ang umakyat sa puno.
Kahit hindi ako yung tipo ng lalaki na magaling umakyat ng puno , nagawa ko pa rin dahil sa takot na nararamdaman ko.
Habang nakatingin ako sa ibaba ay natatawa naman ako sa mukha ni Bella.
” Hoy Franco , bumaba ka dito gugulpihin talaga kita .. alam mo plaa kung nasaan si Sky pero hindi mo sinasabi.”
” Bella , sorry na nga.Inutusan kase ako ng magaling mong fiance kaya napilitan akong gawin yun.”
” Eh kung pakiusapan ka din ni Sky na tumalon sa building gagawin mo ? ”
” Syempre hindi.”
” Eh bakit mo sinunod yung sinabi ni Sky sayo ? Nagmukha pa akong tanga kakaiyak dahil natatakot ako na baka iniwan na naman niya ako.”
” Sabi kase bibigyan ako ng kotse kaya pumayag ako”
” Mayaman ka naman Franco makakabili ka ng kotse kahit ilan pa ang gusto mo at alam kong may pera ka sa oras na maospital ka ngayon kaya bumaba ka dyan.”
” Ayoko ka ”
” Bahala ka kahit abutin tayo ng ilang araw dito ”
Nakita ko nalang na naupo si Bella sa ibaba ng puno.
Delikado kase ako sa kanya may dala siyang kahoy.
Mabuti nalang at nasa bulsa pa ng aking pantalon ang mahiwagang cellphone kung saan makakatawag ako ng tulong.
Si Dominick , kailangan na niyang bumalik dito.
” Kamusta kana Franco ? ”
” Tulungan mo naman ako dito ikaw kase may kasalanan kung bakit galit sa akin ngayon si Bella.”
” Bakit anong ginawa niya ? ”
Natatawang tanong sa akin ni Dominick.
” Nandito ako sa itaas ng puno samantalang nasa ibaba naman ng puno si Bella , hinihintay niya akong bumaba.”
” Anong ginagawa mo dyan ? ”
” Di ba nga narinig ni Bella na nag-uusap tayo kanina , kaya ayun hinabol niya ako , binato niya ako kanina ng tsinelas tapos habang tumatakbo ako palayo sa kanya may nakita siyang kahoy , eh wala na akong choice umakyat nalang ako dito sa puno.”


/> ” Sorry Franco , antayin mo ako … babalik na ako ”
” Pakibilisan kase hindi ako maalam bumaba ”
Nagdasal nalang ako na sana makarating na agad ang tulong na inaasahan ko.
Gusto ko lang naman makatulong sa kanilang dalawa pero heto ako ngayon , nasa itaas ng puno.
( SKY – POV )
Pagkatapos ng usap namin ni Franco ay mabilis kong inayos ang lahat ng gamit ko.
Kailangan ko na ngang bumalik sa tabi ni Elise.
Alam ko naman na nainisi lang yun kaya na nagawa na manghabol pero napatigil ako saglit , naisip ko kase na siguradong pagdating ko hahampasin din ako.
Pero bahala na nga …
🌻
Hindi naman nagtagal ay nakarating na agad ako sa bahay ni Elise.
Nasa may Gate palang ako ay nakita ko na si Franco na todo kapit pa sa sanga ng puno.
Natawa tuloy ako , mukha siyang unggoy .
Dumiretso agad ako sa likod ng bahay.
Narinig ko naman agad ang boses ni Elise.
” Siguro kaya ayaw mong bumaba dito kase takot ka at di ka maalam bumaba hahaha ”
Di na ako nakatiis pa , umimik na agad ako.
” Elise , mukha siyang unggoy diba ? ”
Napatingin siya sa akin agad at tumakbo.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
” Bumalik ka , akala ko umalis ka na naman ”
” I Love You Elise , pasensya na marami lang ako ginagawa.”
” Mamaya tayo mag-uusap , sa ngayon Sky tulungan mo muna siya bumaba sa puno.”
” Hoy Dominick , pakibilisan ang daming langgam dito.”
Sumisigaw na si Franco pero bago ko siya tulungan ay hinalikan ko muna si Elise.
” Hoy Dominick , mamaya na yan.”
Ilang minuto lang , matagumpay na nakababa sa puno si Franco.
Lumapit agad siya kay Bella at yumakap.
” Sorry na Bella , pangako sa susunod hindi ko na susundin si Dominick.”
Agad ko naman silang pinaghiwalay.
” Franco , wag mo naman yakapin ang fiance ko.”
” Sky , ok lang yun … ikaw naman Franco hindi naman talaga ako galit , nainis lang ako pero pinaglalaruan lang talaga kita kanina pa.Wala kase ako ibang magawa sa kwarto kaya naisip kong makipaghabulan sayo ”
” Grabe naman yung laro na gusto mo ”
At natawa ako lalo sa naging itsura ni Franco.
Puro kagat ng langgam at lamok.
( TO BE CONTINUED … )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top