The Battered Wife CHAPTER 34


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
5 Years Later ……
Habang gumagawa ako ng aking trabaho ay narinig kong sumigaw na naman si Elise.
” Ssskkkyy ”
” Bakit ? ”
” Ano yung sinasabi sa akin ng panganay nating si Damian na hindi ka daw pumunta sa school nya ? ”
” Nahihiya na kase ako sa mga magulang doon Elise.Hindi ko naman kase makontrol ang ugali ng anak natin.”
” Ano na naman ba ang ginawa niya ? ”
” Sinuntok yung katabi niya sa upuan.Tapos tinusok ng lapis yung isang batang babae doon.”
Totoo lahat ng sinabi ko sa aking asawa .Sa eskwelahan kase ay kilala ang anak ko dahil sa talino nito.Hindi nga lang umiimik.Ayaw niyang may ibang bata na lumalapit sa kanya bukod sa mga kapatid pa niya.Mas gusto pa nitong sa bahay nalang mag-aral.Kung minsan nga pinapanuod niya ang ginagawa ko para sa trabaho.Kaso si Damian , kapag nagalit , wagas.Kung makapagsalita din ay aakalain mong matanda din ang kausap mo.Tuwid na din siyang magsalita kahit na sobrang bata pa niya.
Magsasalita pa sana si Elise ng pumasok sa aming kwarto ni Damian.
” Papa , sabi nung teacher ko ilipat mo na daw ako sa ibang school.”
” Anak naman , oo nga at matalino ka pero bawasan mo naman sana yung pagiging magagalitin mo.Ilang eskwelahan na ang pinuntahan namin ni mama mo.”
Pagtingin ko naman kay Elise ay namumula na naman ito sa galit.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
” Elise , bawal sayo ang magalit lalo na at buntis ka.Baka mapaano ang baby natin.”
” Pagsabihan mo yang anak mo ha.Lalabas muna ako at pupuntahan ko yung tatlo pa nating anak at narinig kong nag-aaway na naman sila.”
Tama kayo ng nabasa.
Buntis na naman si Elise.
Pero sa Pagkakataong ito ay kambal nalang ang anak namin.
Pina-ultrasound na agad namin kase baka matulad yung dati na nahimatay pa ako.
Kabuwanan na pati niya.
” Papa , pede na ba akong ikasal ? ”
Natigil ako sa pag-iisip ng narinig ko ang tanong sa akin ni Damian.
” At bakit mo naman tinanong yan eh ang bata mo pa.”
” Kase papa may crush ako dun aa isa kong classmate kaso gusto nya pala si Caspian.”
Ang liit pa ng anak ko...


pero may lovelife na.
Magkaribal pa nga ang magkapatid.
” Paano mo naman nasabing gusto nung little girl ang kapatid mo ? ”
” Sa tuwing nakikita kase niya si Caspian namumula siya pero kapag ako nagagalit siya.Tsaka papa ngayon lang naman ako nagkaroon ng crush kaya ayokong naaagawan ako.Pangako ko Papa sa akin ikakasal yung crush ko hindi kay Caspian.”
Namangha ako sa mga sinabi ng aking anak.
Pagkatapos niyang magsalita ay tumakbo na agad ito palabas ng kwarto.
Parang naiisip ko na ang future ng dalawa kong anak.
May hindi magandang mangyayari sa kanila.
( ELISE – POV )
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga ginagawa ng mga anak namin.
Kung hindi nag-aaway sa laruan , pagkain naman ang pinagtatalunan.
Ang hirap pala kapag marami agad na anak kaso nadagdagan ulit ng kambal ikaw ba naman yung hindi tigilan ng asawa mo.
Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at naglilinis sa kusina.
Napaglaruan kase ng mga bata yng harina.
Mabuti nalang at ang nag-iisa kong anak na babae ay nagkukusa namna na tulungan ako sa gawaing bahay.
Si Caspian naman palaging naghahamon ng away.
Si Julian naman ay parating may hawak na notebook at nagsosolve ng math problems kahit na ang bata pa.
At ang panganay namin na si Damian , sobrang talino kaso tahimik pero kapag nagalit ay parang ako.
” Mommy , kelan mo po ako tuturuan magbake ? ”
Malambing na tanong sa akin ni Vivian habang nagwawalis.
” Hindi ko pa alam anak.Busy pa kase si Mommy lalo na at malapit na akong manganak.”
Mahilig akong magluto at yun ang namana sa akin ni Vivian.
Panay ugali lang ang namana sa akin ng apat kong anak kase ang mukha nila katulad na katulad ng kay Sky.
Bigla akong tinawag ulit ni Vivian.
” Mommy , wala na naman suot na tshirt si Daddy ”
Napatingin naman agad ako sa aking asawa.
Agad itong ngumisi sa akin.
Ang gwapo talaga ang asawa ko.
” Mommy bakit po natulo ang laway mo ? Ganon ba kagwapo si Daddy palagay ko naman hindi po.”
” Elise , nahahalata ka tuloy ng bata.Sobra ka paring inlove sa akin ano ? Gusto mo kiss ? ”
Ilang segundo lang ang lumipas at may lumipad na walis sa mukha ni Sky.
TO BE CONTINUED …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top