The Battered Wife CHAPTER 35


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
Natataranta ako habang kumukuha ng mga gamit para sa hospital.
Manganganak na kase si Elise.
” Sky … wag kang mahihimatay mamaya ha ”
” Pangako Elise pagkatapos mong manganak , gising ako.”
Ang apat na anak namin ay naiwan sa bahay kasama ng mga yaya nila.
Si Franco naman ay naka-abang na sa hospital.
Agad kong inalalayan si Elise habang pasakay na siya sa kotse.
Bago ako tuluyang mag-maneho sumigaw si Damian.
” Papa , umuwi kayo ng ligtas ni mama ha tsaka yung dalawa naming kapatid.”
” Oo Anak , walang mangyayaring masama sa amin.”
Yayakap pa sana ako kay Damian ng narinig kong sumigaw si Elise.
” Sky , bilisan mo na lalabas na ang mga bata.”
Mabilis akong kumilos dahil ayokong makitang nahihirapan ang asawa ko.
Kaso sa ginawa kong mabilis na pagmamaneho ay hindi ko nakontrol ng tama ang manibelang hawak ko.
Takot ang bumalot sa buong pagkatao ko.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Elise nung makita kong umiiyak na siya.
” Sky , anong nangyayari ? Paano mga baby natin ? ”
” Elise , wag kang mag-alala magiging ligtas tayo.”
Pero kabaliktaran ang nangyari.
Habang umiimik kase ako ay nakatingin ako kay Elise dahilan upang hindi ko makita ang kasalubong naming sasakyan.
Malakas ang pagkakasalpok namin.
Ito nalang ang mga salitang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
” Mahal na mahal kita Sky …. ”
( ELISE – POV )
Pinilit kong huwag mawalan ng malay .
Mabilis na rumisponde ang mga taong nakapaligid sa amin.
Ayokong bitawan ang kamay ni Sky pero noong isasakay na ako sa ambulansiya ay napilitan akong bitawan siya.
Puro dugo ang damit ng asawa ko.
Kahit ako ay kulay pula narin ang aking damit.
Nakarating agad kami sa hospital.
Nakita kong umiiyak si Franco na sumalubong sa akin.
Kahit na bawal ay pilit siyang sumama sa loob ng emergency room.
Magkasabay kaming ginagamot ni Sky.
Pinipilit kong manganak kaso parang hindi ko...


kaya.
Hanggang sa narinig ko ang sinabi ng doctor.
” Kailangan nating pumili kong sino ang ililigtas , ang nanay o ang kambal.”
Lalong umiyak si Franco sa kanyang narinig.
” Doc , parang awa nyo na gawin nyo ang lahat para maligtas silang lahat.Wag yung pipili tayo kung sino ang bubuhayin.”
Ayoko mang iwan ang pamilya ko pero nagdesisyon agad ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Franco at nagsalita.
” Ang mga bata ang piliin natin.Handa akong magsakripisyo ng aking buhay para sa mga anak ko.Wag mo silang pababayaan.Si Sky wag mo siyang iiwanan.”
” Elise wag kang magsalita ng ganyan gagawa tayo ng paraan para walang buhay ang mawala.”
” Sundin mo ako.Ayokong mawala ang dalawang buhay na nasa katawan ko.Ang mga anak ko ang mas importante.Pakisabi kay Sky mahal na mahal ko siya.Ikaw na ang magpangalan sa kambal naming anak.Alagaan mo ang sarili mo ha.”
Walang nagawa si Franco sa mga sinabi ko.
Pilit kong inabot ang kamay ng aking asawa.
Bago ako tuluyang mawala sa mundong ito.
” Mahal na mahal kita Sky.”
( FRANCO – POV )
Lumabas agad ako sa emergency room pagkatapos akong kausapin ni Elise.
Hindi ko kase kaya na makita ang mga mangyayari sa loob.
Nilang minuto lang ang lumipas narinig ko na ang mga umiiyak na sanggol.
Masaya ako kase kahit na naaksidente sila ay nabuhay ang mga bata.
Pero sobra akong nalungkot dahil may buhay na nagwakas.
Si Elise.
🌻
Hindi na ako nag-isip pa ng ibang pangalan sa kambal.
Babae at lalaki nga pala ang ipinanganak ni Elise.
Sina Arabella at Skylar.
🌻
Si Sky naman ligtas na ang buhay pero wala pa ring malay.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nagising na siya.
Alam kong hahanapin niya si Elise.
Pero paano ko sasabihin na patay na ito ?
” Elise , kung nasaan ka man sana gabayan mo ako sa pag-aalaga at pagbabantay sa pamilya mo.Ang daya mo iniwan mo agad kami.”
( END OF STORY )
( ABANGAN ANG BOOK 2 NG ISTORYANG ITO )






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top