The Battered Wife CHAPTER 6


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ZENY – POV )
Habang kumakain ako ay narinig kong sumigaw si Dominick kaya naman pinuntahan ko agad siya.Akala ko ay kung ano ang nangyari sa kanya pero nadatnan ko siyang umiiyak sa kanyang kwarto habang hawak ang isang singsing at sulat.
” Love , anong problema ? ”
” Pwede ba Zeny wag mo muna akong kausapin ! ”
Sigaw nito sa akin pagkatapos ay mabilis siyang umalis dala ang susi ng kanyang kotse.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinigawan ako ni Dominick.Hindi ko alam kung bakit tila ba galit ito sa akin.Wala naman akong ibang ginawa bukod sa pinakisuyuan ko siyang puntahan si Ate.
Baka naman nag-away sila.
Kaya minabuti kong pumunta sa kwarto ni Ate , pero wala akong nakita na kahit anong gamit niya.Umalis siya.Pinaubaya na niya si Dominick sa akin sa mismong araw ng bagong taon.Kung ganon, iyon ang dahilan ng pag-iyak ng lalaking mahal ko.Bumalik ako sa kwarto ni Dominick.Malamang kay Ate galing ang singsing at sulat.Binasa ko rin ito.
Sky ,
Alam mo noong makilala kita alam ko na sa sarili ko na ikaw ang lalaking pakakasalan ko.Sobrang saya ko ng mangyari ang lahat ng pangarap ko.Naging Mrs.Villafuente ako.Akala ko kapag kasal na tayo mababago ang tingin mo sa akin pero hindi.Mas lalo mo atang minahal si Zeny.
Mabigat man sa kalooban ko ang iwanan ka , wala naman akong magagawa dahil ito ang gusto mo.Pangako,ibabalik ko ang dati mong buhay kung saan wala na ang Elise na kilala mo.Ingatan mo ang kapatid ko ha.Ako na ang bahalang magsabi sa ating pamilya tungkol sa paghihiwalay natin.Wag mong pababayaan ang sarili mo.
Isang hiling nalang sana ang gusto ko …
Sana dumating yung panahon na mapatawad mo ako dahil pilit kitang ikinukulong sa piling ko.
Elise.
Hanggang sa huli ay ako pa rin ang inisip ni Ate.Palagi siyang nagpapaubaya sa akin simula pa noong pagkabata namin.
” Salamat...


Ate Elise , dahil ibinigay mo na sa akin ang matagal ko ng hinihiling.Magiging akin na rin si Dominick.At ako na ang tatawagin nilang Mrs.Villafuente.”
( SKY – POV )
Hindi ko alam kung saan hahanapin si Elise.Kung saan saan na ako nagpunta.Wala akong pakialam kung bagong taon ngayon , ang mahalaga sa akin ay makita ko siya.Tunay nga ang kasabihan na kapag wala sa tabi mo , hahanap-hanapin mo.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako dapat nagkakaganito.Si Zeny ang mahal ko hindi si Elise.Pero bakit nasasaktan ako ng sobra ng malaman kong pinakawalan na niya ako.Mali itong ginagawa ko ngayon.Si Elise na ang may kagustuhang hiwalayan ako , bakit ko pa siya hahanapin.
Kaya ang ginawa ko nalang ay nagpasya akong itigil ang paghahanap kay Elise.
Babalik ako kung saan ang tamang mundo ko , sa piling ni Zeny.
( ZENY – POV )
” Love , mabuti at bumalik kana , halos dalawang oras akong naghintay sa’yo.Saan ka ba galing ? ”
” Sinigurado ko lang na wala na si Elise sa buhay nating dalawa.”
” Akala ko kase hinahanap mo siya.”
” Zeny , oo kanina hinanap ko si Elise.Pero naisip ko na siya ang may gusto nang umalis kaya bakit ko pa siya hahanapin.Mas maayos na ito na ngayong bagong taon tayo ay magsisimula na ng panibaging yugto ng buhay natin.”
” Salamat Love kase ako yung pinili mo kahit si Ate yung palagi mong kasama … ”
Kahit kelan Ate Elise , talunan ka sa buhay at puso ni Dominick.Kung sa buhay nina Mama at Papa , ikaw ang palaging panalo , ikaw ang mahal nila pwes ngayon pagbabayaran mo ang atensyon na inagaw mo mula sa ating magulang.
Sa halip na isipin pa ni Dominick ang mga nangyayari ngayon , sisikapin ko sa abot ng makakaya ko na tuluyan ng burahin sa isipan ng lalaking ito ang babaeng nagngangalang Elise.
To Be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top