The Battered Wife CHAPTER 7


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa kong pakawalan si Sky pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisyo na ginawa ko para sa kanya.Iniisip ko tuloy kung nakakain na ba siya o ayos lang ba ang pakiramdam niya.Maraming tanong ang patuloy na nabubuo sa aking isipan ngunit ang lahat ng iyon ay hindi man lang mabibigyan ng kasagutan.
Isang taon na kase ang nakalipas mula nung iwan ko silang lahat sa Pilipinas.Simula noong personal kong kinausap ang abogado at pamilya namin ni Sky ay umiwas na ako sa kanilang lahat.Ang mga social media accounts at contact numbers ko ay binura ko.
Kasalukuyan akong isang personal secretary dito sa Australia.Marahil nagtataka kayo bakit nasa ganong posisyon ako.Hindi ko kase kinuha ang mga pera at ari-arian na mula sa pamilya ko.Gusto ko kase matutong magtrabho ng maayos para umunlad ang buhay ko.Maayos ang trato nila sa akin dito.Kahit kelan ay hindi nila ako itinuring na iba sa kanila.Yung iba kase nakakaranas ng masasakit na salita dahil isang kang pilipino.
” Elise , ang lalim na naman ng iniisip mo diyan.Ang mga kasama mo sa trabaho ay kumakain na samantalang ikaw ay hindi pa.”
Napatingin ako sa isang makisig na lalaking kumakausap sa akin ngayon.
Si Franco.
Ang boss ko dito sa Australia.
Hindi siya Pilipino pero natuto siyang magsalita ng tagalog dahil na rin sa mga empleyado niya.Simula noong naging close kami dito sa kompanya ay wag ko na raw siyang tawaging boss.
” Sorry...


Franco , ”
” Elise , kung iniisip mo ang nakaraan mong buhay , kalimutan mo na yan.Iba kana.Hindi na ikaw yung babaeng kaya nilang talunin basta.Alam kong maikli ang isang taong pag-iwas sa kanilang lahat pero alam kong kaya mo silang labanan.Teka nga , gutom na ako mamaya na tayo mag-drama.Tara na , libre na kita alam kong iyon ang gusto mo.”
Hindi rin maiwasan ng mga katrabaho ko dito na tuksuhin kaming dalawa ni Franco.Simula daw kase ng makilala ako ng boss namin ay naging maaliwalas na ito.Palaging nakangiti na hindi naman daw normal na ginagawa sa kanila noon.Sabi nga nila sa akin , parang may gusto daw si Franco sa akin.
” Yan ang gusto ko sa’yo Franco … tara na ”
” Teka Elise , tama ba yung narinig ko , gusto mo ako ?
” Ewan ko sayo , tara na di ba sabi mo gutom kana .. ”
( FRANCO – POV )
Tama naman yung pagkakarinig ko sa sinabi niya.
” Yan ang gusto ko sa’yo Franco ”
Mga katagang paulit ulit kong naririnig sa isipan ko.
Matagal ko nang kilala si Elise at matagal ko na siyang gusto,hindi niya iyon alam.
Alam kong si Dominick Villafuente ang asawa niya at ang kapatid niya ang sumira sa buhay nilang mag-asawa.
Kaya ngayon na may pag-asa akong makuha ang kanyang atensyon ay hindi ko na ito sasayangin pa.
” Pangako Elise,hindi kita sasaktan.Mamahalin kita ng lubos.Ibibigay ko ang pagmamahal na matagal mo ng hinahanap.”
To be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top