The Battered Wife Prologue


Author : Krista1307
Genre : Random
:
” Wala ka talagang kwenta ! Maglinis ng bahay at magluto ng pagkain na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos ! Talagang inuubos mo ang pasensya ko ! ”
Araw-araw , ganyan ang tagpo sa aming bahay.Palagi siyang galit sa akin.Pero hindi ko siya magawang iwana dahil mahal ko siya.Pinangako ko sa harapan ng pamilya namin at sa panginoon na hindi ko siya bibitawan.Kahit anong pagsubok ang dumating sa aming buhay ay hindi ko pa rin siya iiwanang mag-isa.Pero hanggang saan aabot ang aking pagmamahal kung mayroon ng madadamay sa ginagawa niyang pananakit sa akin.
Napatigil ako sa aking pag-iisip ng may biglang sumampal sa akin.
” Nakuha mo pa talagang tumunganga dyan. Wala ka talagang silbi ! Tandaan mo , ako ang nagpapakain sa iyo at bahay ko ang tinitirahan mo ngayon kaya sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo ang lahat ng iuutos ko. Wala akong pakialam kung nasasaktan ka na sa mga ginagawa ko dahil asawa ng naman kita sa papel !! ”
Siya ang aking asawa na si Dominick Skylar Villafuente.Isang tanyag na CEO ng sariling kompanya.Mayaman , gwapo at matalino.Lahat ay nasa kanya na.Kaya naman maraming babae ang gustong maging asawa siya.
Ang sabi ng marami para sa akin , Swerte daw ako kase naging asawa ko si Sky.Pero hindi nila alam ang totoo.Sa harapan ng marami maayos ang pakikutungo niya sa akin ngunit kapag kaming dalawa na lamang ang magkasama ay nag-iiba na ang ugali nito.
Ngunit paano kung dumating na ang panahon na kailangan ko na siyang bitawan ? Makakaya ko bang pakawalan ang lalaking pinakamamahal ko at hayaan siyang maging malaya ?
Ako si Arabella Elise Vergara at ito ang aking kwento bilang isang ” The Battered Wife ”
Chapter 1
Lahat tayo ay pangarap na magkaroon ng isang masayang kasal na kung saan kasama mo yung taong pinakamamahal mo.Tulad ngayon , sobra ang kaba na aking nararamdaman kase ikakasal na ako kay Sky.Simula pagkabata namin ay magkasama na kami...


kaya naman hindi ko maiiwasan ang magkagusto sa kanya.Pero alam ko naman na kaya lang niya ako pakakasalan ay para sa kompanya ng pamilya namin at ang pinaka-masakit pa ay hindi ako yung babaeng mahal nya.
” Sisiguraduhin kong magsisisi ka sa buhay na pinili mo ”
Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Sky noong malapit na kami sa altar.Kami lang kase ng pamilya ko at kanyang magulang may gusto sa kasal na ito.
“You may now kiss the bride ”
Hindi ko namalayan na halos tapos na ang kasal namin ni Sky sa lalim ng mga iniisip ko.Buong akala ko ay hahalikan nya ako pero hindi , yumakap lang siya.
Ngayong araw na ito ay hindi ko pa nakikitang ngumiti si Sky.Kahit noong nasa reception na kami ay sa tuwing magtatama ang tingin namin sa isa’t-isa ay para bang ipinaparamdam niya sa akin na ayaw niya ang mga nangayayari.Kaya ngayon , narito kami sa kotse nya pauwi sa sarili naming bahay ay puro takot ang aking nararamdaman sa halip na kasiyahan.
” Tingnan mo ang ginawa mo sa buhay ko Elise , lalo mong sinira.Wala ka na nagawang tama sa buhay ko.Hindi ko tuloy mapakakasalan sa tamang panahon ang taong mahal ko , tutal ginusto mo ito , sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya sa piling ko.Pagbabayaran mo ang lahat ng ito ! ”
Mahabang litanya sa akin ni Sky.Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil sobrang sakit na ng mga salitang binitawan niya.
Pagkarating namin dito sa bahay ay agad na pumasok si Sky sa kanyang kwarto.Padabog na isinara ang kanyang pinto.Umiyak nalang ako.Natatakot kase akong magsalita ng kung anong laban sa kanya hindi dahil sa duwag ako , mahal ko kase siya.Lumapit nalang ako sa pinto ng kanyang kwarto at pabulong na sinabing :
” Sky , lahat gagawin ko para mahalin mo ako.Kahit na anong masasakit na salita ang sabihin mo hindi kita bibitawan.Mahal na mahal kita ”
Alam kong hindi niya maririnig ang mga sinabi ko.
Ipaglalaban kita Sky kahit na anong mangyari.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top