THE BILLIONAIRE’S EX GIRLFRIEND


THE BILLIONAIRE’S EX GIRLFRIEND πŸ–€
Novel By: Binibining Senyorita
–Prologue–
“Love, ano toh?bakit mo iiwan sa’kin si Clowy?”.gulat na tanong ng lalaki ng biglang ibigay sakanya ang baby ng kanyang girlfriend.
“Gray, I’m sorry pero kailangan ko siya Iwan sayo”.naiiyak na sambit ng girlfriend.
Napam*ra sa isip ang lalaki.
“B*llsh*t, naririnig mo na ang sinasabi mo Gemini?!. Anak natin toh, tapos iiwan mo sa’kin!”.galit na bulyaw ng lalaki.
“S-sorry G-gray, pero Ikaw na ang bahala kay Clowy. Di pa ako handa na maging ina. Alam mo naman na mahirap lang kami at- – -“.hindi na naituloy ng babae ang sasabihin ng sumingit na ang lalaki.
“Tapos iiwan mo sa’kin?!. Paano na yung pangarap natin?. Anong klase kang Ina na nakakaya mong iwan ang anak mo!?”.garagal na boses ng lalaki. Habang ang baby ay hawak niya sa kanyang mga bisig at patuloy sa iyak.
“Mayaman ka naman Gray- -…”.
“Dahil ba hindi ka tanggap ng pamilya ko?ha Gemini?”.galit nitong wika.
Napaiyak ang babae at napaluhod dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman. Di niya gusto Iwan ang bata sa ama but wala siyang choice.
Patuloy nalang siya sa pag-iyak. At ng mahimasmasan ay tumayo siya at hinarap ang lalaki na hawak parin ang baby nila.
“Hindi naman sa ganun na hindi ako tanggap ng pamilya mo, Gray. Dahil may iba na rin akong GUSTO”.diniinan niya pa sa huli.
Bigla naman nanghina ang lalaki sa sinabi ng kasintahang babae. Parang nadurog ang puso niya sa sinabi nito.
“Kailan p-pa?”.
“Matagal na, Gray”.madiing sambit ng babae.
“H-hindi yan t-too t-tama?”.naiiyak na tanong ng lalaki.
“Nagmahalan tayo Gemini, kaya nga nakabuo tayo ng bata at ito si Clowy kaya pano mo nasasabi na may mahal kanang iba?”.dagdag ng lalaki.
Pinunasan ng babae ang mga luha na sunod sunod na kumakawala sa kanyang mata.
“Sabihin nating pinerahan lang kita”.pikit matang sambit ng babae.
Natigilan ang lalaki sa nalaman mula sa kanyang girlfriend.
“Hindi. Hindi yan totoo, Gemini. Hindi yan totoo”.at tuluyan nang napaiyak ang lalaki at napahagulgol.
“Pinili kita Gemini kaysa sa pamilya ko. Lahat ng ari-arian na sana ipapamana sa’kin ni lolo ay ginive up ko dahil pinili kita, pinili ko ang pagmamahalan natin. Tapos ito lang ang isusukli mo sa’kin at iiwan mo kami ng anak mo. For p*ste sak*!”.galit na bulyaw ng lalaki.
Biglang napaiyak ang bata dahil sa bulyaw ng ama. Napahagulgol rin ang babae.
“Lumayas ka na, Gemini. Iwan mo na kami ng anak mo. At wag ka nang babalik at magpapakita pa. Simula sa gabing ito pinuputol...


ko na ang pagiging Ina mo sa anak ko. KAYA LUMAYAS KANA DAHIL WALA KA NANG BABALIKAN!”.galit na bulyaw ng lalaki.
Wala nang nagawa ang babae kundi ang tumalikod at nagsimula nang lumakad papalayo sa kanyang mag-aama.
Saksi ang ulan ang malakas na hangin ang paghihinagpis ng babae at ang galit ng lalaki.
Bago pa siya lumiko ang babae sa isang kanto muli niyang sinulyapan ang kanyang mag-ama.
Nagtama ang mga mata nila. Lungkot at galit ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Habang ang bata ay patuloy na umiiyak na karga nito. Napaiyak siya. Kahit malakas ang ulan ay kita niya kung paano tumalikod ang kanyang mag-ama at pumasok sa maliit na bahay.
Tumalikod siya.
“I’m so sorry Gray and baby Clowy. Kailangan ito gawin ni mama para sa kapakanan mo”.huling sambit niya at saka na siya lumiko sa kanto.
Lumapit siya sa isang van na kung saan ito nakaparking. Bumukas ang bintana ng drivers seat.
“Ginawa mo ba ang inuutos ko?”.tanong ng isang hindi kilalang lalaki.
Pinunasan muna ng babae ang kanyang luha bago matiim tingnan ang lalaki.
“Oo. Kaya wag nyo nang tangkain patay*n ang pamilya ko dahil nakipagbreak na ako sakanya at ibinigay ko na ang anak ko”.bigla naman tuloy siya naiyak habang sinasabi ang mga katagang iyun.
“Good. At wag na wag ka nag bumalik sa mag-ama mo dahil hindi kayo bagay. Isa kang hamp*s lupa na hindi nararapat sa kanya. Ito na ang huli nyo sanang pagkikita”.kasabay nun ang pagsarado ng bintana ng sasakyan at kaagad ito binuksan ang makina at pinaharurot.
Naiwan siyang tulala habang nagsisink sa kanyang isip ang mga katagang binitawan ng isang estranghero na nag-utos sakanya na Iwan ang kanyang mag-ama dahil kundi buhay ng pamilya niya pati narin ang anak niya ang magiging kapalit.
Napatingala siya sa kalangitan na hanggang ngayon ang tuloy tuloy ang pagbuhos ng ulan tulad ng kanyang mga luha.
“Patawarin nyo ako kung wala man lang ako nagawa sa mag-ama ko. Lord, kayo na ho ang bahala sa mag-aama ko. At sana ay mapatawad niya ako”.panalangin niya sa kataasan.
At saka siya napaluhod at dun humagulgol.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Note: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan,tauhan, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda.
This is my first story kaya sana po wag po magbash;-)
Expect the typos errors dahil hindi po ito edited.
Slow update rin po ako dahil mejo busy po ako at tsaka hindi pa po ito complete but I want to share this^_^
Plagiarism is a crime!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top