The Bitches Chapter 2


” SAB”
pukaw sa kanya ng asawa kinabukasan ng mababaan siya nito nakahiga sa sofa.
Nag dilat siya ng mata saka niya lang napagtanto nakatulog pala siya sa sofa. Sa sama ng kanyang loob sa pakiusap ni Lewis sa kanya ka gabi ay hindi na niya nakuhang bumalik sa kuwarto nila mag asawa.
” Sorry na. Patawarin mo ako sa sinabi ko sayo ka gabi” sabi nito sa mahinang boses.
” Pwedi ba wag na natin yang pag-usapan. Ayaw kung masira ang umaga ko” inis siyang bumangon at tinungo ang banyo.
” Okay, simula ngayon hindi na natin pag-usapan ang bagay na yan” anito tumayo at nagpunta sa kusina. Kinuha nito ang tasa mula sa lagayan at nilagyan iyon ng kape.
Ramdam pa niya ang pagka inis sa asawa pero pinilit niyang kuntrolin ang sarili. Ayaw niyang simulan ang umaga niya ng sama ng loob.
Pinunasan niya ang kanyang mukha ng puting towalya saka lumabas ng banyo.
” Gusto mo mag shopping tayo? Wala akong gagawin ngayon araw” nakangiti nitong sabi ng lumapit siya sa kusina.
” Wag kana mag tampo e-shopping nalang kita para maka bawi ako sayo” inabutan siya ng tasa na may lamang kape.
Pinilit niyang ngumiti para lang maging normal ang araw nilang mag asawa.
” Wag muna ulitin yon ha?” naka simangot niyang sabi rito
Tumango- tango ito” oo hindi na. I’ll make it up to you today. Pagkatapos natin mag almusal pupunta tayo sa mall” naisipan nitong e-shopping siya pampalubag loob sa nagawang kasalanan nito ka gabi.
” SABRINA”
Natigil siya sa pag pili ng damit at nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Napangiti siya ng makita ang kilalang mukha
” Hi Julia!”
” Hey, nice to see you here. Wala ka talagang pagbabago” nakangiting sabi ni Julia ng malapitan siya nito.
” Department store is your favorite place talaga to buy for your daily outfit huh!” anitong ngumingiti
” Well, marami ako napipili naman dito na maganda” nakangiti niyang tugon.
Kinuha nito ang dalawang damit na hawak hawak niyang napili na niya kanina.
Nakita niyang binuklat nito ang sa may leegan at tinignan ang brand.
” Hmmm… Hindi ko maintindihan bakit ang cheap ng pinili mo gayong may pera naman itong asawa mo” anitong binalik sa kanya ang dalawang damit.
Matagal niya itong kapit bahay at naging magkaklase pa sila nito dati. Nasanay na siya sa tabas ng dila nito. Napaka taklesa nitong magsalita.
” Hindi naman ako tumitingin sa brand ang akin lang kapag bagay kinuha ko. May iba nga diyan, namimili ng mahal kahit hindi naman bagay.” pagdidiinan niya na sinundan pa niya ng ngiti.
” Sino yang kasama mo Julia?” sabad ni Lewis sa kanila.
” Oh, I almost forgot, Brandon my boyfriend” tugon nitong ikinalawit ang kanang kamay sa baywang ng nobyo.
” Hi” nakangit nitong bati sa kanya at nilahad ang kaliwang kamay para kamayan siya.
” Hello, kinagagalak kong makilala ka” malugod niyang tinanggap ang kamay nito.
Binalingan nito ang kanyang asawa.
” Pare” bati nito sa asawa niya
” Would you guys like a cup of coffee?” aya ni Brandon na ang mga mata nakatingin sa kanya.
” Sure” Agad na tugon ni Lewis rito.
Nagpunta siya ng counter para bayaran ang dalawang damit na napili niya kanina at sumunod sila sa dalawa papuntang coffee shop.
Sa isang kilalang coffee shop sila dinala ni Brandon.
” Ano ang gusto mong orderen?” tanong sa kanya ni Lewis ng maka upo siya.
“Mocha for me” nakangiti niyang tugon.
“Let me have it Lew, ako ang nag-aya sa inyo then let me pay for it ” ani Brandon bago pa maka alis si Lewis pa punta sa counter.
” Hati nalang siguro tayo pare nakakahiya naman” alanganin sabi ni Lewis
” Okay lang naman sa akin, ipaubaya muna lang tong” nakangiting sabi ni Brandon.
” Naku, Lew hayaan muna si Brandon madami naman yang...


pera” sabad ni Julia
Nagkibit balikat na lamang siya sa sinabi ni Julia.
” Alam mo bang isa siyang vice president ng Dela Fuente Incorporated” pag mamayabang pa nito.
” Wow! You catch a big fish” bulalas ni Lewis
Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sinabi ng kanyang asawa kay Julia.
Natigil sila ng makita si Brandon papalapit sa kanilang kina-uupuan.
” Matagal na kayo?” tanong ni Lewis kay Brandon ng maka upo na ito
” About a month ago” anito tumingin sa kanya.
Nakaramdam na siya ng pagka asiwa sa mga titig ni Brandon sa kanya.
” Alam mo bang binilhan niya ako ng mamahaling celphone” untag ni Julia inilabas ang celphone mula sa bag nito.
” Yan ang latest ngayon diba?” tanong niya kay Julia.
” Yes, napaka ganlante talaga nitong boyfriend ko”hinilig nito ang ulo sa balikat ni Brandon.
” So, guys do you have children?”
Muntikan niyang maibuga ang kape sa tanong ni Brandon.
Tinignan niya si Lewis, napatingin din ito sa kanya.
” Oo nga, diba matagal na kayo?” sabad ni Julia
” Or, ayaw mo palang mag buntis Sab dahil ayaw mo masira ang figure ng katawan mo?” pagpapatuloy nito
Nakita niya ang paglagkit ng titig sa kanya ni Brandon
Ginalaw niya ang kanyang dalawang balikat “Hindi palang siguro panahon” tanging tugon niya at humigop ng kape. Na aasiwa siya sa kanilang paksa dahil ito ang dahilan kung bakit nag away sila ng kanyang asawa ka gabi.
” how long have you been together?” curious na tanong ni Brandon
” Five years” ani Lewis
” Ang tagal niyo na pala ha, hindi pa kayo na bibiyaan” ani Brandon na pa sempling tumingin sa kanya.
Hinaplos niya ang paa ni lewis, ” Alis na tayo?” aya niya sa asawa gusto na niyang maka-alis sa harap ng dalawa. Ayaw niya ang paksa nila.
Agad tumayo si Lewis at nagpaaalam sa dalawa.
” Paano mauna na kami?” nakangiti niyang sabi sa dalawa.
” Salamat uli sa kape Brandon” ani Lewis saka tumalikod na sila.
” Sab?”
Tawag ni Julia bago pa sila nakalayo.
Tumigil siya sa paglakad at pilit ngumiting humarap rito ” Yes?”
” Pwedi ba kami pumunta sa inyo?”
“Sure” nakangiti niyang tugon pagka sabi niyon ay lumabas na sila ng coffee shop.
Lewis POV
Naglalakad sila ni Sab papunta sa parking area ng mall.
Bakit kaya panay tingin si Brandon kay Sabrina, akala niya hindi ko iyon napapansin. Ako ang kumakausap sa kanya pero kay Sab siya nakatingin. Hindi ko lang alam kung napansin ba iyon ni Sab basta ako napansin ko iyon.
” Napansin mo si Brandon panay ang tingin sa’yo?’ hindi niya mapigil na itanong rito ng makasakay sila ng kotse.
” Hindi ko napansin” tugon nito
” Kasi nakita ko siyang nakatingin sayo habang magkausap kami”
” baka wala lang yon sa kanya”tugon ni Sab
” Swerte ni Julia ha, naka bingwit siya kay Brandon na mayaman” aniya habang nagmamaneho ng kotse pauwi sa kanila
” Naku wala naman ang swerte sa katayuan ng ng buhay ang swerte ay nasa taong mabait. Aanhin naman ang mayaman na boyfriend or ang asawa kung hindi naman kayo mag kakasundo” tugon nito sa kanya.
Sinulyapan niya si Sab saka muli binaling ang paningin sa daan.
” Sa bagay. Kung mabait si Brandon ay swerting swerte na si Julia” aniya
Nakita ng sulok ng mata niyang nakatingin sa kanya si Sab
” Na insecure ka ba sa yaman niya?” walang pakandungan nitong tanong sa kanya.
Napalingon siya sa tanong ng kanyang asawa.
” Hindi ah! nasa tabi lang kita ayos na ako” nakangiti niyang tugon rito na ang mga mata nasa daan.
” Good! Dahil wala ka naman dapat ika insecure” seriouso saad ni Sab sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top