Nag umpisa ang love story namin since 2009. 16 years old lang ako noon at si aldrin naman ay 17years old noon. Araw iyon ng anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo na ginanap sa Roxas Boulevard π€ Habang kami ay nagpapahinga sa lilim ng isang puno doon sa kahabaan ng roxas boulevard ay may isang lalaki na bumaba sa bus napansin ko agad siya dahil ang gwapo nya napakakisig ng kanyang porma at maputi siya kaya agad ay nangningning ang aking mga mata hindi na nawala ang tingin ko sa kanya,at habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko alam kung paanong nangyari na tinawag ko sya ( oo tinawag ko sya pero di sa pangalan nya dahil di ko naman alam ang name nya basta ang nasabi ko lang sa kanya ay “Kuya Tara na” at ng marinig nya po iyon ay bigla syang tumingin sa akin at ngumiti lang pero di sya lumapit at dali dali ng naglakad papalayo. Pero laking gulat ko at ng mga kapatid ko nung bumalik sya at nagtanong sakin na “Te may number ka ba ? Omg nakakakilig sobra hindi ko alam ang mararamdaman ko non kinabahan ako na ewan. Pero iniwan nya ulit kami at umakyat na sya ng bus ng hindi pa nya nakukuha cp number ko bigla akong nalungkot nun dahil di na sya bumaba sa bus π’ tapos nagyaya na ako sa mga kapatid ko na umalis na kami dun sa lugar na yon kasi babalik na kami sa bus namin,ang bus namin ay malayo sa bus nila. Nung akmang papaalis na kami ay bigla na lang sya lumabas ulit sa bus nila at nagsalita na “ate wait lang wag muna kayo umalis kwentuhan muna tayo” pero that time di na sya nag iisa lang may kasama na sya na kaibigan nya. Nagkwentuhan kami, tanungan ng kung ano anong bagay napakarami namin pinagkwentuhan. Habang kami ay naglalakad at nagkukwentuhan para bang ang saya saya ng pakiramdam ko iba talaga ung kilig at saya ko ng mga oras na yon pakiramdam ko safe ako na kasama sya. Napakagentleman palangiti,ang ganda ng mata nya,maputi gwapo mabango ewan ko ba sa twing tinitignan nya ko para akong yelo na nalulusaw sa paglalakad namin ay biglang bumuhos ang malakas na ulan wala kaming masisilungan kundi sa bus nila na malapit lang sa amin kaya napilitan ako na sumama sa bus nila kaysa mabasa kami ng mga kapatid ko. Pag akyat namin sa bus nagulat ako dahil ang daming mata na nakatingin sa amin sobrang nahihiya ako nun kasi binibiro na sya ng mga kaibigan nya habang nakangiti samin at ang sabi na lang nila ” Drin ang lupit mo talaga nakahila kana naman ng mga babae ” pinaupo nya ako sa isang upuan doon katabi ko ang kapatid ko at siya naman ay tumapat sa upuan ko oo talagang sa tapat ko sya umupo at pg upo nya dun nakatitig lang sya sa akin sabay sabi na ” Ako nga pala si hayden kho katrina halili ikaw na pala ang matagal ko ng hinahanap ” at bigla nagtawanan ang mga kaibigan nya samin.
Hindi nawawala ang pagtitig nya sakin sobrang nakakakilig. Hapon na nun at kailangan na namin na maglakad papunta sa kinalalagyan ng bus namin hinatid nya ako hanggang sa makarating sa bus namin Nagkapalitan kami ng cp number gustong gusto ko sya yakapin ng oras na iyon habang nagpapaalam kami sa isat isa dahil mag aalisan na lahat ng mga bus inisip ko na di ko na sya makikita pa pero masaya naman ako na nakilala ko sya at nakita ko sya nung araw na yon. At eto na pag uwi ko sa bahay...