The Book Full Of Love Chapter1


(Fantasy! Romance!)
LOLI POINT OF VIEW
Bigla ako nagising at nakita ang isang lalake at babae na nag yayakapan habang ang isa namang babae ay nakaupo sa sahig na umiiyak tila inis na inis itong tumingin sa dalawang nagyayakap. Patingin ako sa paligid ngunit garden ito! Wait? Nasaan ako?
“Hoi! Susi! Kailangan munang mag linis ng gamit ni sir!” Sigaw ng ginang at hinila siya papasok ng mansyon. Susi? Ako? Wait anong nangyayare? Nasaan ako? Wala ako’ng na alala!
“Teka lang, Hindi ako si Susi! Ang pangalan ko ay Loli. Teka saan ba ako?” Tanong nya sa ginang. Tiningnan ko ang sarili ngunit naka maid ang suot ko! Ano? Bakit? Naging laos na writer na ba ako? Bakit kumuha ako ng trabaho?
“Nagpapatawa ka’ba, Susi?” Tanong ng ginang. Sa tingin ba nito nag bibiro ako? Nasaan ba ako! Baka prank lang ng kapatid ko! Teka! Na sa library ako habang nag babasa ng The Book Full Of Love! At pagising ko nandito na ako sa isang mansyon na hindi ko pa nakita!
“Yaya lele, may pag uusapan lang kami ni Susi!” Isang malamig na boses ng lalake na bago palang ito’ng dating. Tiningnan nya ang mukha nito ng napaka gwapo! Nakakita siguro ako ng anghel sa araw na ito!
“Opo sir Kyle” magalang na sabi ni lele. Umalis na ito. Tinignan naman ako nito ng seryoso.
“Susi turuan mo ako mag bake ng cake!” Sabi nito. Ano? Mag bake ng Cake? Haha! Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakagawa ng cake! O nag bake manlang!
“Hindi ko alam paano gumawa”
“Hindi? Kahapon lang di’ba,? Nag bake ka ng chocolate with strawberry cake! Hindi mo ba na alala?” Tanong nito. Nag bake siya kahapon ng cake? Totoo ba ito? May memory loss na’ba, ako? Anong kalokohan ito!
“Teka! Paano ako napadpad dito?” Tanong niya. Napakunot noo ito sakaniya! Kailangan nya malaman dahil nakakapag hinala kasi! Kahapon natulog lang ako sa library at pagising ko nandito na ako sa mansyon na ito? Ano to! May kapangyarihan ba siya’ng mag teleport?
“May nangyare ba’ng masama sayo? Hindi mo na alala? Si tita Lele mo ang nag papasok sayo dito. Sabi niya kailangan mo ng pera upang ma operahan ang ina mo!”paliwanag nito. Agad ako kinabahan, Anong nangyare sakin? Bakit ganito
Bakit ayaw ng katawan ko na lumakad palayo? Anong nangyayare sakin?
°°°
Napamulat ako ng mata nandito ako sa kwarto nakahiga. Kunot noo naman siya kanina kanina lang ay nag uusap pa sila ni Kyle! bakit nandito ako sa kwarto? Nag teleport ba ako?
Napatingin ako sa pinto bumukas ito. Nakita ko si Kyle na hinatak ang babae, Mukhang inosente ang babae. Aalis sana ako nguni’t hindi ako makagalaw! Bakit?
“Sinabihan na kita diba! Lumayo ka sakaniya!” Sigaw ni kyle sa babae. Napatayo ang babae at tinignan si Kyle na umiiyak. Ano ito? Drama sa tv? Hays! Anong klaseng eksena ang nakikita nya?
“Kyle! Wala kang karapatan na saktan ako o ang kapatid mong si Yulo! Dahil sa una palang ginamit mo lang ako!” Sigaw ng babae. Hinawakan naman ni kyle ang kamay ng babae. Wow! Nakikita kona ito sa teleserye ah! Napakabadoy naman ng linya!
“Taira! Hindi kita ginamit, inexplained ko na sayo pero hindi ka na niniwala. Hindi kita ginamit sa una palang!” Paos na sigaw ni Kyle. Nag simula narin tumulo ang luha nito. Si Taira naman ay pilit tinatatag ang sarili.
“Kahit na! Nag sinungaling ka parin sakin! Akala mo ba mabilis lang mawala ang sugat sa puso ko! Ibinigay ko sayo lahat lahat! At ito lang igaganti mo sakin? Kyle! Mas mabuti pa si Yulo sayo!” Sigaw ni Taira. Hindi naman napigilan ni Kyle ang sarili kaya na itulak nito si Taira at natumba ito sa sahig. Hindi ko na kaya ang nakikita ko! Bakit hindi ako makagalaw!. Tiningnan ko ulit sila Kyle at Taira ngunit umalis napala si Kyle at si Taira nalang ang na iwan. Nakagalaw naman siya. Hays! Ano yun? Stress? Inuorong ako sa pagtulog?
Pumunta siya sa gawi ni taira at umupo upang makita niya ang mukha nito na umiiyak at sobrang nasaktan sa ginawa ni Kyle. Ang lalake na yun! Paano masaktan ang kawawang babaeng ito! Ibinigay niya ang panyo kinuha naman nito. B-bakit naging concern ako sa babaeng ito? At bakit may dala akong panyo?
“Thankyou, Sino ka?” Tanong nito. Aalis sana siya ngunit ito nanaman hindi siya nakakagalaw.
“Ako si Susi taga ayos ng mga kwarto!” Sabi ko. Nagulat ako sa sinabi ko. Wow! Bakit hindi ko kontrolado ang katawan ko! Hindi naman ako na tao na may pakialam sa iba?
“Hmm.. ikaw pala si susi. Ako si Charlyn” sabi nito. Inilahad nito ang kamay hindi ko sana tatanggapin pero ang katawan ko gustong gusto. Nag beso kami at pinatayo ko na siya. Nakangiti nalang ako sakanya.
°°°
Minulat ko ang mata ko. Wait! Nasaan nanaman ako? Bakit na sa hallway ako? Tumingin ako sa paligid may dala akong basahan! Wow! Nag lilinis ako ngayon? Nandoon pa nga ako sa room ni kyle pinapatahan si Charlyn! Bakit? Nag teleport nanaman ba ako? Mabilis akong nag lakad at pumunta sa kitchen umupo...


ako sa sofa. Iniisip ang nangyayare!
“Bakit nag teteleport ako? Bakit ganito?” Tanong ko sa sarili! Iniisip ko ang nangyayare! Una nasa garden ako pangalawa nag teleport ako sa kwarto ni Kyle at pangatlo sa hallway! Hindi kaya may kapangyarihan ako?
“Susi!!”
Hindi ito pwede! Paano sa ibang lugar nanaman ako mag teleport? Hindi ko alam ang gagawin ko!
“Susi!!”
Napatingin ako sa painting, napaka pamilyar ng mga gamit at sala! Bakit kaya? Ganito ba talaga ako? O isa lang panaginip na naging writer ako at naging sikat? Paano ako naging ganito?
“Susii!!!” Galit na boses ang narinig ko. Hindi ko kilala ang lalake na ito ah! Sino ba ito! Mukhang lasing yata’
“Loli nga po!” Inis na wika ko .
“Wag mo ng ako’ng pasilopohin! Ipag timpla mo ako ng kape!” Inis na sabi nito. Sino ba ang mayabang na lalakeng ito? Iniisip ko naman kong sino ito! Hindi ko talaga kilala ang lalake na ito! Pinagtimpla ko naman ang kape at ibinigay dito. Sinipsip muna nito ngunit nag iba ang mukha na ito.
“Hindi mo alam paano mag timpla ng kape!” Sigaw nito at hinagis ang baso’ sa sahig kaya naging basag basag ito! Napabuntong hininga naman ako at pumunta uli sa kusina at nag timpla nanaman ng kape!
Ilang oras ay may tumabi sakaniya si Charlyn!
“Ako na mag timpla! Baka kasi pagalitan kananaman ni Yulo” sabi nito. Ah Yulo pala ang pangalan ng atipatiko na iyon! Pipigilan ko sana siya kaso hindi nanaman rumerespond ang katawan ko!
“Charlyn!” Sigaw ni yulo. Hinawakan nito ang braso ni Charlyn. Winaksi naman ni Charlyn ang kamay ni Yulo. Her we go again! Dahil hindi ako makagalaw makikita ko nanaman ang eksena nila! Nakakatawa!
“Bakit hindi mona ako pinapansin!” Inis na sabi ni Yulo. Ouch! Sakit naman yun hindi ka pinapansin!
“Ito na po ang kape niyo sir, Yulo!” Magalang na wika ni Charlyn at ibinigay nito ang kape mainit pa ito! Kinuha naman ni yulo ang kape at inis na tinapon malapit sakin? Wait! Wala akong pakialam sa away niyo bakit ako ang natapunan ng kape! Sa paa kopa! Ouch ang init! Bakit kasi hindi ako makagalaw!
“Hindi ko kailangan ng kape! Ikaw ang kailangan ko!” Sabi ni Yulo. Hinila naman nito si Charlyn palabas! Yep nakagalaw na ako ngunit hindi kopa kontrolado ang kilos ko! Hinawakan ko ang kamay ni charlyn kaya napahinto ang dalawa.
“Bakit ganiyan ka kay Charlyn huh!” Sigaw ko. Sorry! Diko sinadiya na mangialam! Ewan ko ba bakit ganito ako ngayon!
“Wag kang mangialam! Yaya kalang dito!” Sigaw ni Yulo at itinulak ako kaya napadapa ako sa sahig tinapunan lang ako ng tingin ni yulo at kinuha si Charlyn. Teka! Bakit parang na iiyak ako? Loli wag kang iiyak! Anong klaseng buhay ito! BAKIT HINDI KO KONTROLADO ANG KATAWAN KO!!
KYLE POINT OF VIEW
Pag kababa ko sa hagdan nakita ko si Susi na tinulak ni Yulo. Tinapunan lang ni yulo si Susi saka ito umalis tangay si Charlyn. Na inis naman ako sa paghawak ng kamay nito kay Charlyn! Napatingin uli ako sa gawi ni Susi na umiiyak tsk! Yan kasi na ngingialam!
“Hoy pwede ba tumayo ka na diyan!” Inis nyang wika. Tumayo naman ito parang wala lang ito ang nagyare at chill lang kumuha ng tubig sa ref. At tumigil sa pag iyak.
“Nakakainis! Bakit nagyayare to sakin!”inis na bulong nito. Napakunot noo siya na lumingon dito. Natatanong ba talaga ito? Parang hindi naman yata’
“Kyle! I mean sir Kyle! Bakit ba naging ganito ako! Diba sikat ako na writer?” Tanong nito. Nag papatawa ba ito? Anong writer na sinasabi nito? May sayad na yata’
“Ewan ko sayo Susi! Akala ko ba mahiyain ka bakit naging hyper ka?” Tanong ko. Umupo ako sa sofa. Nakalipas na araw naging hyper ito at marunong na makipag usap! Ng pumasok kasi ito sa bahay nila ay wala itong imik! At palaging palpak sa trabaho.
“Di mo naman sinasagot ang tanong ko! Sige na! May kailangan pa akong gagawin!” Sabi nito. tiningnan si Susi na paakyat pataas na wala sa sarili may malalim yata’ng iniisip! Ngayon niya lang nakitang ganoon si susi!
LOLI POINT Of VIEW
Pagod ko hiniga ang katawan ko sa kwarto. Pinikit ko ang mata ko. Ngunit may pumasok sa isipan ko na may mangyayareng masama kay Kyle dahil pintukan ito ng baril! Agad ako napamulat at patakbo papunta sa kusina totoo ng na nandito pa ito. Bago pa uminom ito ng kape ay hinarang ko ang katawan. Naramdaman ko ang hapdi sa tagiliran ko unti-unti ako nawalan ng malay.
KYLE POINT OF VIEW
“Susi!” Sigaw ko. Tinignan ko naman ang bintana namay lalake na nag tago sa bintana at tumakbo na ito ngunit hindi niya iyon inona. Binuhat niya si Susi!. Iniligtas siya ng babae na ito?
Bakit kaya naisipan nito na iligtas siya? Bakit nalaman din nito na may babaril sakaniya?
“Susi! Kakayanin mo yan!” Sabi ko at isinakay sa kotse. Kailangan niya madala agad ito sa hospital marami nading dugo ang tagiliran nito. At namumutla narin ito.
.
A/A : Mamayang gabi muna ako mag Up 🙂 enjoy reading..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top