THE BOY THAT NOBODY WANTED


THE BOY THAT NOBODY WANTED
“Paano kapag isang araw ay bigla kang napamahal sa taong kinaiinisan mo at kinaayawan ng lahat, anong gagawin mo?”
“Pipigilan mo ba nararamdaman mo o ipagpapatuloy mo kahit na alam mong ayaw siya ng lahat?”
Nag-isip pa muna ‘yong kaibigan ko bago sagutin ang katanungan ko. “Dzuh, kung ako lang din naman ‘yan pipigilan at iiwasan ko na lang siya, kung inaayawan naman pala ng lahat?”
“Bakit mo nasabing aayawan mo? Alam mo ba ang rason kung bakit siya inaayawan ng lahat?” Pabalik na tanong ko.
Umiling ito. “Hindi, pero base kasi sa katanungan mo ay para bang may hindi magandang pag-uugali ‘yong lalaki.”
Natawa ako. “Alam mo ba? Noon ganiyan din ang sagot ko nang minsang may magtanong sa ‘kin niyan, kinaiinisan ko ang lalaki na ‘yon dahil sa pag-uugali na meron siya pero nung nakilala ko ‘yong tao na ‘yon, nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya.”
Kung ano kasi nakikita natin sa tao sa panlabas ay akala natin ganun na talaga siya.
“Teka, sino ba ‘yong tao na ‘yan?” Takang tanong niya sa ‘kin, ngumiti ako.
“Sino? The boy that nobody wanted.”
At biglang nag-flashback sa ‘kin ang pangyayari na ‘yon
-flashback-
“Uy, ‘Di ba nakwento ko na sa’yo si Fourth? ‘Yong cold na lalaki dun sa kabilang section?”
Wala akong ganang tumango. “Alam mo ba? Sabi nila, may pinahiya na naman ‘yong babae, ‘yong bagong transferee, ang balita ko gustong-gusto niya daw si Fourth. Tapos, may binigay ‘yong girl kay Fourth, eh alam mo naman ugali ng lalaki na ‘yon ayaw na ayaw na nilalapitan.”
Walang emosyon akong tumingin sa kanya. “Hindi naman siguro halatang mabilis kang nakasagap nang chismiss, hindi ka pa nasanay sa tao na ‘yun.”
Pagkatapos ay tumayo ako at binitbit ang mga gamit ko. Naiinis lang ako kapag naririnig ko ang pangalan ng tao na ‘yun.
Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla akong napadaan sa bakanteng room, napahinto ako ng may marinig akong kumakanta. Dahan-dahan akong pumasok.
Nakita ko dito si Fourth. Kumakanta pala siya? Akala ko puros pagsusungit lang ang alam niya. Ang sarap pakinggan ng mga boses niya.
Papaalis na sana ako ng bigla akong may naapakan, seryoso siyang napatingin sa ‘kin. Bakit ako kinakabahan?
Dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa ‘kin. “Anong ginagawa mo dito?”
“B-Bakit bawal bang pumunta dito? Sa’yo ba ang lugar na ito?” Nagtataray na tanong ko.
“Paano kung sabihin kong oo?” Tumingin ako sa paligid. Akala ko kung anong gagawin niya pero agad nitong nilapit ang tenga niya sa ‘kin.
“Kapag minsan pa kitang nakita dito sa tambayan ko ay alam mo na ang mangyayari.”
Pagkatapos ay umalis ito sa harapan ko, bago ito makalabas ay nakapag-salita pa ako.
“BAKIT ANONG GAGAWIN MO?” Sigaw na tanong ko.
Wala itong emosyon na tumingin sa ‘kin. “Bakit susuwayin mo ba ang banta ko?”
Lumapit ako dito upang sampalin siya pero nahawakan niya ang braso ko. Pagkatapos ay tinulak ako nito ng malakas dahilan para mapadaing ako. Magtatangka na sana itong umalis ng bigla akong magsalita ulit.
“Kaya ka inaayawan ng lahat e, dahil sa pag-uugali mo, kung hindi cold ang sungit mo. Hindi ko ba alam kung bakit ang mga babae ay napapaikot mo, nakakaawa naman sila dahil ‘yong taong gustong-gusto nila ay hindi man lang marunong makiramdam. Akala mo ba hindi ko alam? Na nakikipag-basag ulo ka sa labas ng campus? Kung ano kinaamo ng mukha mo, ganun naman kasama ang pag-uugali mo.” Walang buhay na wika ko.
Nakita kong napakuyom...


ito ng kamao. Pero halata sa mukha niya ang pagkagulat-nakita ko ding may bahagi sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko.
“Alam mo din ba ang rason kung bakit ginagawa ko ang bagay na ‘yon? Dahil tinitignan ko kung may tao bang mag-sta-stay sa ‘kin sa ganung pag-uugali. Kung may tao bang willing na, samahan o mahalin ako kahit ipakita ko ugali na ‘yon sa kanila, pero ang nangyayari iniiwasan at kinakatakotan nila ako. Wala ni kahit isang tao nakakapag-sabi sa ‘kin niyan, kundi ikaw lang. Nakakatawa kasi kung ano ‘yong nakikita nila sa’yo akala nila ganun kana talaga. Akala nila masama ka na, akala nila wala ka ng nararamdaman.” Nagulat ako ng may pumatak na mga luha sa mata niya.
“Minsan ko lang ipakita na mahina ako at sa’yo pa mismo. Minsan ko lang ipakita na umiiyak ako at sa’yo ‘yon mismo. Alam mo din ba ang rason? Kung bakit ayaw ko magpalapit ng babae sa ‘kin at pinapalayo ko sila dahil ang puso ko ay nakalaan lang sa isang babae ng hindi niya alam at ikaw ‘yon.
Nagulat ako dahil sa pinagtapat niya. “Naalala mo? Nung araw na, muntik ng may nanakit sa’yong mga kalalakihan sa daan? Nung araw na ‘yon nakabantay ako sa pag-uwi mo at ‘yong sinasabi mo na nakikipag-basag ulo ako? ‘Yon ‘yong araw na iginanti kita sa mga taong muntik ng manakit sa’yo.” ‘Di ko namalayan na umiiyak na din pala ako.
Edi mali pala kaming lahat ng pagka-kilala sa kanya.
“Magulo ang buhay ko, sobrang gulo. Minsan umiiyak ako ng palihim kahit lalaki ako, lalo na kapag wala ako malapitan pero ang nakakapag-pagaan ng loob ko kapag nababantayan kita ng palihim.”
“S-Sorry, akala ko kasi. . .”
“Akala mo kasi? Masama ako, masungit, cold? Puwes gusto kong bagohin ang pananaw mo sa ‘kin simula ngayong araw kung anong pagka-kakilala mo sa ‘kin ‘yon naman ang kabaliktaran ng totoong ako.”
-end of flashback-
“At dun nag-umpisa kung bakit minahal ko ang isang tao na kinaayawan ng lahat.”
“Edi ibig sabihin si Kuya Fourth, masungit sa mga babae noon?” Natatawa akong tumango.
“Oh, bunso. Bakit ko narinig pangalan ko?” Bungad na tanong ni Fourth, sa kinakapatid niya.
“Kwenento kasi ni Ate Daisy kung paano ka niya nakilala, kung bakit ka niya minahal.”
Ngumiti si Fourth sa ‘kin at inakbayan ako kaya ngumiti ako dito pabalik.
“Upo ka diyan, kukuhanan kita ng litrato.” Utos ko sa kaniya. Pumayag naman siya at umupo.
Ngumiti ako, pagkatapos ay inumpisahan ko na siyang kuhanan ng litrato habang nakasuot ng facemask.
Pagkatapos napasabi ako sa isip ko habang tinititigan ang taong ito na. “Sana hindi dumating ‘yong araw na mawala na lang bigla ‘yong nararamdaman ko para sa taong ito ng hindi ko namamalayan at sana hindi dumating sa punto na tuloyan ko ng hindi makikita o mababasa ang mga mensahe niya sa tuwing namimiss ko siya. How I wish na sana siya na lang ‘yong taong nakalaan para sa akin. Pero kahit anong mangyari, mananatili pa din ako sa nararamdaman ko at ‘yon ay ang gustohin ang tao na ito kahit na dumating sa punto na hindi talaga kami para sa isa’t-isa.”

Minsan kailangan muna nating kilalanin ang isang tao bago natin isipin na ganun talaga sila. Dahil minsan may mga tao na akala natin masama pero kapag nakilala mo na talaga, mapapabawi ka na lang sa sinabi mo nung umpisa patungkol sa kanila.

Written by: Skylar Prosé
Photo credits to Pinterest.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top