THE BRIDGE


Genre: Random
Author: Binibining Makata
~•~•~•~•~•~
Nakaupo ako ngayon habang nagbabasa sa Wattpad at nakikinig ng music sa loob ng classroom namin. Maya-maya pa ay may kumalabit sa akin, I know it’s Aesha na katabi ko lang, hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko.
“Oyy Nana..” Tawag nya sa akin habang kinakalabit ako. “HOY LUNA!!” Sigaw nya sa tenga ko.
Inalis ko ang earphone ko at naiinis na nilingon sya. “P*ta naman Aesha, nakikita mo namang nagbabasa ako diba!? At isa pa uk*nam pwede bang tigilan mo ang kakatawag sakin ng Nana ang sagwang pakinggan..” Paninermon ko sa kanya
Ngiting- aso lang ang isinagot nya sa sinabi ko bago sya ngumuso at may itinuro gamit ito. Naiinis kong tiningnan ang itinuturo nya. Tumambad sa akin ang isang matangkad, maputi, may katamtamang laki ng katawan, gwapong lalaki...


na may salamin at nakatayo ulit sa harapan ko.
“IKAW!? Anong kailangan mo!?” Naiirita kong tanong dito. Sh*t naudlot kasi yong pagbabasa ko, uminit tuloy ulo ko.
Inayos nya ang suot nyang salamin at walang emosyon akong tiningnan.
“I just wanna ask you sana about sa Rules and Regulations of this School since they said that you are the Class President, but nevermind..” Sabi nya bago tumalikod. “By the way, iwasan mo ang pagbabasa ng Wattpad story. First of all, hindi naman totoo ang mga nandyan and wasting of time lang yan..” Saad nya na di na nag aksaya ng oras para lingunin ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Pu—” di ko na naituloy ang pagmura ko sa kanya ng biglang pumasok ang professor namin.
“May araw ka ring lalaki ka..” Pabulong kong sabi .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top