The Broken Angel🌻
Fifteen:
Nakayakap siya sa akin habang nakahilig naman ako sa kanyang matigas na dib-dib.
“Kung sakaling magkaanak tayo ng lalaki gusto ko siyang pangalanganan ng Jechar Gabrielle.” Saad ko.
“What a pretty name. May I ask why?”
“Jechar ang pangalan ni Tito at ang Gabrielle naman ay angel na lalaki. Siya ang munting anghel natin.”
“Are you ready to marry me?” Aniya.
“Oo! Naisip ko bakit pa natin patatagalin kong pareho naman nating mahal ang isat-isa. Marami ka namang pera kaya kahit hindi na ako mag-aral ay ayos lang.” Biro ko sa kanya, magsalita pa sana ako ng hinalikan niya ako ng mapusok.
Kahit na ang totoo ay ayaw ko lang masayang ang bawat oras, nung oras na na-aksidente ako ay narealized ko na bawat isa sa atin ay pwedeng mawala, kaya dapat hindi bigyan ng puwang ang hiya aa puso, kung anong nararamdamam mo dapat sabihin mo.
Kailan ka pa aamin? Kapag wala na? Kapag hindi na pwede?
“Promises meant be broken but I still promised to you that you’re the only woman I will love from the rest of my life.” Aniya.
“I have to confessed something.” Saad ko.
“Kung tungkol ito sa kasal, inuulit ko makapaghin–” Hindi ko na siya tinapos dahil hinilikan ko siya, ngayon aaminin ko na ang lahat, aaminin ko ang nakaraan ko at ang nararamdamam ko sa kanya.
“Shhh..Love…Let me confess everything first.” Kahit maraming what if ay gagawin ko pa rin, kahit na natatakot ako na baka mababaw lang ang pagmamahal niya, kahit na maaring iiwan niya ako at ipagpalit sa Iba.
“Ako si Angela Castro anak ng isang bayaran na babae, inaabuso at sinasaktan sa murang edad. Ikinulong sa madilim na kwarto, ikinadena na parang aso. Humihinga nga ngunit wala namang buhay.” Tumulo ang aking luha at yumuko, hindi ko kayang tingnan ang kanyang mga mata.
“Araw-araw lagi akong humihingi ng tulong na sanay mayroon magliligtas sa akin, gabi-gabi akong umiiyak umaasa na makawala sa madilim na silda. Sa murang edad ko ay nakita ko ang ganda at kalupitan ng mundo.” Tumigil ako at huminga ng malalim.
“Akala ko noon ang mundo ay walang ibang alam kundi ang saktan ako ngunit naisip ko, maganda ang mundo, ginawa ito para sa ating mga tao, alam mo kung ano ang masama? Or should I say sino ang masama? Tayong mga tao.” Hinaplos niya ang aking buhok at pinatahan.
“Tama na…”
“Kaya ng nabigyan ako ng pagkakataon ay tumakas ako and I successfully escaped at dinala ako sa iyo. Ngayon, matatanggap mo ba ang babaeng tulad ko? Mamahalin mo pa rin ba ako? Hindi ako inosente tulad ng ibang babae diyan, ang kamay na ito..madumi na ito.” Ang sakit pala kapag inamin mo ang katotohanan at kung sakaling hindi niya ako matanggap at magbago ang isip niya wala akong magagawa kundi respetohin siya tulad ng pagrespeto niya sa akin.
“Is that all?” Kumunot ang noo ko ng hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ito sa labi niya at hinalikan.
“Tingin mo ganoon kababa ang pagmamahal ko sa iyo? Sa tingin mo maghihintay ako ng anim na taon para lang pakasalan ka? Sa tingin mo ng dahil lang sa inamin mo iiwan na kita?” Humikbi ako dahil sa subrang saya, hindi ko akalain na masakit pala ang subrang kasiyahan.
“Ang kamay na ito ay kahit...