The broken door and my new life


The broken door and my new life
GENRE:SLICE OF LIFE, ROMANCE
“Jared, anak, ikaw na mag-locked ng pinto ha. Matutulog na’ko. ”
Narinig kong sabi ni Tita Madelaide. Napabuntong hininga ako. Naintindihan ko na ang kuwarto ko ang pinakamalapit sa main door ng bahay pero galing na siya sa sala mas malapit sa pinto ‘ako parin ang uutusan’?
Mga ilang minuto muna akong napatulala, sa may pintuan, kaharap ko ang dilim na imahe sa labas at kasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit. Naalala ko naman siya.
“Pa, hindi ka na talaga uuwi?” Pikit matang kumawala ang mga luha ko. Ayan na naman sila.
” Jared, may balak ka bang umalis?” padarag na usisa ni Tita. Mukhang nasa loob na siya ng kuwarto niya. Hindi ko siya hinarap, nanatili ako sa aking puwesto. ” Hatinggabi na po, Tita”, sagot ko.
” Sabagay, bilisan mo riyan at nang di tayo pasukan ng masamang loob”, tanging sabi niya. Pakiramdam ko may kung ano pa siyang ibang sinabi di ko lang narinig.
“Susunod na ‘tita’ “,saka pinunasan ang...


mga luha ko. Malamig. Ni-locked ko na ang pinto. Napatitig ako sa kamay kong nakahawak sa door knob, hindi ko ito binitawan at dahan dahang tumalikod. Sumandal sa pader at dumungaw sa may kisame.
Si Papa? Uuwi pa kaya siya. Sabi niya babalikan niya ako.
Gusto ko ng umalis sa bahay na’to. Alam ko kahit di man sabihin ni Tita Madelaide pero yun din ang gusto niyang mangyari. Iwan ba naman niyang bukas ang main door palagi at utusan pa ako na magsara kahit pwede namang siya nalang ang gumawa. Baka ay gusto niya lang ipamukha sa’kin na ayan, bukas lang lagi ang pinto para ako ay umalis. Ewan. Pagod na’ko.
” Jared, na-locked mo na ba ng maayos ang pinto. Balikan mo muna baka ay…
” Inayos ko na po, Tita. Huwag na po kayong mag-alala.” Putol ko sa sasabihin niya. Natahimik siya. Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko.
A/n. This story is more about family a, konti lang ang romance part. I hope you still like and read it po. Thank you!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top