The Broken Wife Chapter 18


The Broken Wife
Chapter 18
Ryker
Katatapos lang ng aking meeting sa board at palabas na ako ng meeting room nang lumapit sa akin sina Jack at isang security guard. Lakad-takbo silang lumapit sa akin at naghihikaos pa si Jack dahil mukhang tumakbo siya ng sobrang layo.
“Geez, buti na lang tapos na ang meeting ninyo,” pagod na sabi ni Jack.
“O bakit? May humahabol nanaman bang babae sa iyo?” tanong ko.
“Your wife…had…an accident.” Napakunot ang aking noo at bigla akong kinabahan kaya tumakbo ako pababa sa hospital.
Habang tumatakbo kami ay kinakausap ko si Jack. “What do you mean my wife had an accident? Sigurado ka bang asawa ko ang tinutukoy mo?” kabang tanong ko.
“Oo. Sinugod siya ng isang security guard sa ER. It looks like nabangga siya ng kotse.”
Halos mabangga ko lahat ng makakasalubong ko dahil sa sobrang pag-aalala. Halo-halong imahinasyon na ang pumapasok ngayon sa utak ko. Hindi ko na rin maramdaman na tumatapak ang aking mga paa sa lupa. Agad akong pumunta sa emergency room kung saan daw sinugod si Serenity ayon sa kanila Jack. Agad na hinanap ng aking mga mata si Serenity at nakita ko siyang nakaupo sa isang bed at linalagyan ng benda ang kanyang kamay.
“Serenity!” sigaw ko at agad ko siyang linapitan. Napalingon siya sa akin at nakita ko na mukhang nabalian siya ng kamay.
“Ryker.”
“What the hell happened? May masakit ba sa iyo? Sino’ng bumangga sa iyo? Ayos ka lang ba?” sunud-sunod na tanong ko habang chine-check kung may sugat ba siya.
“Ayos lang ako Ryker. Hindi naman gano’n kalala iyong sugat ko e. Na-sprain lang iyong kamay ko nang tumama ito sa sahig pero wala na akong ibang sugat pa.” Nagpabuga ako ng hangin at agad na yinakap siya.
“Geez, don’t scare me like that. Akala ko pa naman kung napaano ka na.” Hinaplos ko ang mukha niya. “Bakit ka nabangga?”
Alanganin siyang sumagot pero hinintay ko siyang magsalita. “It’s Laila.” Agad na kumunot ang aking noo.
“What?”
“Nakita ko kasing lumabas ng gusali si Laila pagkatapos ay nagka-usap kami saglit at kinompronta ko siya na matagal nang tapos ang lahat sa inyo. Kaya lang ay mukhang nagalit siya at binalak niya akong sagasaan pero agad naman akong nakaiwas. Iyon nga lang masama yata ang pagkakabagsak ko,” paliwang niya at agad akong nakaramdam ng galit. “Ryker, who is Laila? Sino ba siya sa buhay mo? May kailangan ba akong malaman?
I want to strangle that woman. Napapikit ako ng mariin at agad na lumingon sa security guard na kasama ni Jack. Tinawag ko siya at agad siyang binigyan ng instruction na i-ban na pumunta rito ang babaeng iyon. I need to request a restraining order against that woman. Agad ko ring tinawagan ang aking sekretarya at sinabing magha-half day ako ngayon.
“T-Teka. Sigurado ka bang magha-half day ka ngayon?” tanong niya sa akin. “Wala ka bang gagawin sa trabaho mo? Paano kung hanapin ka nila?”
Umiling ako. “Your safety is my priority right now, my love. Let’s go home, okay?” Tumango naman siya kaya agad ko naman siyang nginitian.
Liningon ko si Jack at nagbilin na rin ako sa kanya na baka hindi ako papasok hanggang bukas. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Serenity sa hospital. Isinakay ko na siya sa aking sasakyan at ipapa-tow na lang namin ang kanyang sasakyan.
Habang nasa daan kami ay nagngingitngit ako sa galit sa ginawa ng babaeng iyon sa aking asawa. Napatingin ako kay Serenity at abala itong nakatingin sa labas ng bintana. Pagdating namin sa bahay ay naabutan ko sina Papa at Mama na abalang nakikipaglaro sa aming kambal.
“Papa!” sabay nilang sigaw pagkakita sa akin. Binuhat ko si Ryder at binigyan siya ng halik sa pisngi at gano’n din si Ryleigh.
“O anak, bakit napa-aga ka yata ng uwi ngayon?” tanong ng aking ama.
Narinig ko namang napasinghap si Mama nang makita na nakabenda na ang kamay ni Serenity. “Oh my! Serenity, what happened to your hand?” Napatingin sa akin ang aking ina na nag-aalala. “Ryker, ano’ng nangyari kay Serenity?”
Hindi ko agad sinagot ang aking ina at tinawag sina Linda at Maria na bantayan na muna ang kambal. Pinauwi ko na muna sila mama dahil gusto kong makausap ng masinsinan si Serenity. Gusto sanang pumalag ni Mama pero hinila na lang siya ni Papa papalayo.
“Papa? Is something wrong?” Napalingon ako kay Ryder na mukhang nakaramdam na may problema kami. “Why is Mama hurt?”
Napaluhod naman ako sa harapan ni Ryder at hinalikan siya sa kanyang noo. “There’s no problem son. We just need to talk and then after that I can play with you.”
Lumawak naman ang kanyang ngiti at bumalik sa kanyang kambal kasama sina Linda at Maria. Nang makaalis na sila ay hinila ko naman si Serenity papasok sa aming kwarto. Pagdating namin sa aming kwarto ay agad na umupo si Serenity sa ibabaw ng kama.
“Ryker, sasabihin mo na ba sa akin kung sino si Laila?” Huminga ako ng...


malalim at tumabi sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at napatingin sa mga nagtatanong niyang mga mata. “Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo ang tungkol sa kanya dahil ayokong mapahamak ka. Ito ang isang parte ng buhay ko noon na ayaw kong sabihin kahit kanino pero sa tingin ko ay talagang hindi maiiwasan ito. Sa totoo lang ay wala akong balak na sabihin sa iyo ito at balak ko itong itago hanggat kaya ko.”
“Ryker, kaya ko rin naman sigurong tanggapin ito. You’ve accepted my past, so I think it’s unfair if I will not do the same. Noong nakilala mo naman ako ay may mga nakaraan din naman ako na gusto kong itago sa iyo dahil ayokong pandirian mo ako. Pero kailangan ko itong sabihin sa iyo dahil asawa kita at saka gumaan ang aking pakiramdam noong sinabi ko ito sa iyo.” She gave me a warm smile.
Hinalikan ko ang kanyang kamay at akmang sasabihin ko na sana ang lahat sa kanya nang makarinig kami ng sigaw sa labas galing kay Linda. Halos sabay kaming lumabas ni Serenity at tumakbo kami palabas sa hardin nang makita namin si Ryleigh na nakabulagta sa hardin at nahihirapang huminga. Si Ryder naman ay umiiyak at yakap siya ni Linda.
“Ma’am! Sir!” nagpa-panic na sigaw ni Maria. “Naglalaro lang naman ho siya pagkatapos bigla na lang siyang natumba.”
“Serenity, my love, ready the car now!” sigaw ko at agad na binigyan ng CPR si Ryleigh na nahihirapang huminga.
“P-P-Papa…” bulong niya at agad ko siyang binuhat nang tinawag na ako ni Serenity. Agad ko siyang pinadiretso sa hospital at binigyan ng CPR ang aking anak.
Pagdating sa emergency room ay pinahanda ko lahat ng aking kailangan para lunasan ang aking anak. Ako na mismo ang nagcheck-up sa aking anak. Sana lang ay mali ang aking hinala pero isa akong doktor at hindi ako pwedeng magkamali sa mga sintomas na nakikita ko sa aking anak.
“Give her oxygen!” sigaw ko sa isang nurse habang naghuhugas ng aking kamay at naglalagay ng mask. Hindi ko alam kung nasaan na si Serenity dahil naiwan na siya kanina sa sasakyan pagdating namin sa hospital.
Ilang minuto rin siguro ang lumipas nang maging maayos na ang lagay ng aking anak. Pinalipat ko na siya sa isang private room at inalis ang aking coat nang makita ko si Serenity na nag-aalalang palakad-lakad at mukhang kanina pa umiiyak. Linapitan ko siya at tinawag ang kanyang pangalan.
“R-Ryker, kumusta ang anak natin? How is she?”
“She’s already fine, but…” Napalunok ako at hinila ko siyang umupo para hindi siya mabigla sa aking sasabihin. “We are still taking some tests pero base sa mga sintomas ni Ryleigh mahinang magbomba ang puso niya ng dugo. It seems like Ryleigh has congestive heart disease.”
Umiyak si Serenity at agad ko siyang yinakap at inalo. Napailing ako at pinipigilan ko rin ang maluha dahil anak ko ang may sakit sa puso. Humagulgol si Serenity dahil bata pa lamang si Ryleigh ay may sakit na siya sa puso. She’s still a baby, but she’s suffering already. How I wish I could take the pain, but I can’t.
Nang hapon na iyon ay nanatili muna ako sa hospital upang bantayan ang aming anak. Pinauwi ko na muna si Serenity para kumuha ng mga damit at para tignan niya si Ryder dahil mukhang na-trauma ang bata. Kalalabas lang ng mga tests at tama nga ang hinala ko. Ryleigh has a heart disease. Napahilot ako sa aking sintido at pinipigilan ko ang maiyak.
“Hey bro,” napaangat ang aking tingin nang makita ko si Jack. “I heard what happened. How’s your daughter?”
“Not good. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng ganitong sakit si Ryleigh samantalang wala namang may sakit sa aming pamilya at gano’n din kay Serenity. Noong pinagbubuntis siya ni Serenity ay wala naman kaming nakita na may sakit pala sa puso ang aking anak.” Naglabas ako ng hangin at napailing. “Tsk! I’m a heart doctor, but I didn’t know that she’s sick.”
“Hey, wala kang kasalanan. Hindi ka naman Diyos para malaman mo palagi ang sakit ng isang tao. Mabuti nga at naitakbo ninyo siya agad sa hospital.” Tumango ako at napatitig sa aking anak.
Napalingon kaming dalawa ni Jack sa pinto nang ilinuwa nun si Serenity at si Ryder na may dalang mga bag.
“I have to go. May paaanakin pa ako ngayon,” paalam ni Jack at saka tinanguhan si Serenity bago lumabas ng kwarto.
Agad namang lumapit si Ryder sa akin at nagpakalong sabay pinagmasdan ang kanyang kapatid na nakahiga sa kama. Napatingin siya sa akin at nakita kong hinawakan nito ang kamay ni Ryleigh sabay napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya. Nang gabi na iyon ay binantayan namin si Ryleigh hanggang sa pwede na siya ulit ilabas. Sana naman ay huwag nang lumala pa ang sakit niya.
– Salamat sa support niyo sa last chapter. Ang daming naiinis kay Laila. 😂 –






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top