The Broken Wife
Chapter 6
Hapon na nang magising si Serenity. Late na siyang nakatulog kagabi dahil sa kwentuhan nilang dalawa ni Ryker. Mukhang okay namang kausap ang binata. Siguro ay natural lang talaga itong bolero at palabiro pero naisip niya na kailangan niya pa ring panatilihin ang kanyang distansiya sa kanya. Mahirap na kasi ang masaktan ulit.
Tumayo siya mula sa kanyang kama at nag-inat inat saka humikab. Tinignan niya ang kanyang cellphone pero wala namang tumawag o nag-text dito. Natutuwa siya na may trabaho na siya pero naisip niya kung tama lang ba ang kanyang desisyon na tanggapin ang alok ni Ryker? Ipinagsawalang bahala niya ito dahil kailangan niya na talaga ng trabaho ngayon. Baka mamaya ay paalisin pa siya rito sa apartment oras na hindi makapagbayad ng renta.
Dumiretso siya sa kanyang banyo at naghilamos at nagmumog. Pagkatapos ay dumiretso na siya ng kusina upang magluto dahil nagugutom na siya. Hinuhugasan niya iyong gagamitin niyang palayok nang may mag-doorbell sa kanyang pinto. Agad naman niyang sinilip ito sa peephole at nagtaka kung sino ang nandito ng gano’n kaaga. Wala siyang nakita kaya naisip niya ay baka may nagbibiro lang sa kanya. Akmang babalik na siya sa kusina nang may mag-doorbell ulit. Sa pagkakataong ito ay binuksan niya ang pinto at hindi man lang tinignan sa peephole kung sino ito. Napasinghap si Serenity nang makita sa pintuan ang lalaking kanyang iniiwasan.
“Aaron,” nanginginig na sambit niya sa kanyang pangalan. “A-Ano’ng ginagawa mo rito? Paano mo ako nahanap?”
Hindi alam ni Serenity kung paanong nahanap siya ni Aaron gayong pilit na niyang iniiwasan ang binata. Kita ang lungkot at pagod sa mukha ni Aaron na parang ilang araw na itong walang tulog.
“Serenity,” sambit niya sa pangalan ng dalaga na may namamaos na boses. “Please naman kausapin mo ako.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Aaron. Ano pa ba ang hindi mo naiintindihan doon sa sinabi ko na ayaw ko nang magkabalikan pa tayo?” Rinig ang takot at inis sa boses ni Serenity dahil sa lalaking nasa harapan niya ngayon.
Nakita niyang biglang tumalim ang tingin ni Aaron sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka kung ano ang gawin nito sa kanya. Kaya naman sinubukan niyang paalisin ang lalaki sa malumanay na paraan kasabay nito ang dahan-dahang pagsara ng pinto.
“Aaron, p-pwede naman tayong mag-usap sa susunod. Mag-set na lang tayo ng oras at lugar.” Pangungumbinsi niya sa binata para lang umalis na ito.
Nakita niyang mas lalong gumatla ang kunot sa noo ni Aaron dahilan para mas lalo siyang kabahan.
“Hindi!” sigaw nito na ikinagulat ni Serenity. “Palagi ka na lang iwas sa akin simula nang makita mo ako. Hindi na ako papayag na mawawala ka pa!”
Sa takot ay agad na isinara ni Serenity ang kanyang pinto pero mabilis si Aaron at agad niyang naiharang ang kanyang paa at kamay dito. Pilit na itinutulak ni Serenity ang pinto pero mas malakas sa kanya si Aaron dahilan para tuluyang itulak ni Aaron ang pinto at nakapasok ito. Agad namang napaupo si Serenity sa sahig at natabig niya bigla ang maliit na kabinet na gumawa ng ingay.
“Aaron, p-pakiusap umalis ka na!” sigaw niya sa binata.
Parang wala na sa tamang hwisyo si Aaron dahil kitang-kita niya ang nanlilisik na mga mata nito.
“Akin ka Serenity! Babalik ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!” Agad siyang sinunggaban ni Aaron at hinawakan sa magkabilang kamay at pilit hinahalikan.
Iniiwas ni Serenity ang kanyang mukha habang nagpupumiglas sa hawak ni Aaron.
“Tulong! Tulong!” sigaw niya at agad na tinakpan ni Aaron ang kanyang bibig.
Sa kapitbahay naman niyang si Ryker ay tahimik na natutulog ang binata nang makarinig siya ng kalabog sa kabilang kwarto. Medyo inaantok pa siyang gumising dahil late na siyang natulog kagabi.
Habang nagmumumog siya ay parang may mga naririnig siyang komosyon sa kabila pero mahina lamang ito. Kaya naman tumahimik siya at pinakinggan ng mabuti kung may ingay ba siyang naririnig sa kabila. Maya-maya ay parang may sumisigaw ng tulong sa kwarto ni Serenity.
Napalunok siya na maaaring may sunog na sa kabilang kwarto kaya naman mabilis ang kanyang mga galaw na lumabas ng kanyang apartment at agad na pumunta sa kabila. Kinatok niya ang pinto nito at pinihit ang busol ng pinto nang makitang bukas naman ito. Agad niyang tinulak ang pinto at laking gulat na lang niya nang makita na may nakakubabaw na lalaki kay Serenity.
“Tulong!” muling sigaw ni Serenity.
Halos magngitngit sa galit si Ryker sa nakita kaya dali-dali niyang hinila ang lalaking gustong gahasain ang dalaga. Mas matangkad ng kunti sa kanya ang lalaki pero nagawa niyang ibalibag ito palayo kay Serenity. Tinulungan niyang makatayo ang dalaga nang naramdaman niya na may sumipa sa kanyang tagiliran dahilan para matumba siya.
“Sino kang hayop ka?” galit na sigaw ni Aaron kay Ryker.
“I should be asking you the same thing!” Pilit na tumatayo ito pero masakit ang pagkakasipa ng lalaki sa kanya.
“Ito ba! Ito ba ang pinalit mo sa akin?! Ha Serenity?!” Akmang lalapit sana ang lalaki kay Serenity ay muling tumayo si Ryker at binigyan ng sipa ang lalaki sa tyan.
Sa galit ay mabilis niyang binigyan ng ilang suntok ang lalaki sa tyan at mukha hanggang sa mawalan...