The Broken Wife
Chapter 9
Nagising si Ryker dahil sa lakas ng tunog ng kanyang ringtone. Pagtingin niya sa kanyang orasan ay alas-unse pa lang ng gabi at iyon pa lang ang pagkakataon upang makapagpahinga siya pero nakita niyang tumatawag ang kanyang ina. Tinatamad siyang sinagot ito nang marinig ang masayang boses ng kanyang ina.
“Mom, I’m trying to get to sleep.” Reklamo niya sa kanyang ina.
“Sorry son. Excited lang ako kasi simula nang sabihin mo sa akin na ikakasal ka na ay agad kaming umuwi ng Papa mo. Nandito na kami ngayon sa airport at pasakay na kami ng sasakyan pauwi sa bahay.” Agad na napaupo si Ryker nang malaman na narito na sa Pinas ang kanyang mga magulang.
“What? Hindi niyo man lang sinabi sa akin para sana nasundo ko kayo.” Natawa naman ang kanyang ina.
“Its fine son. Alam ko namang masyado kang busy kaya hindi ka na namin inabala pa. By the way, bukas na bukas ipapakilala mo sa amin ang mapapangasawa mo. Gusto na siyang makilala ng iyong ama.” Agad namang napatango si Ryker sa sinabing iyon ng kanyang ina.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na ang ina niya dahil nakarating na sila sa bahay at kailangan na nilang magpahinga. Bumalik sa pagkakahiga si Ryker at pinilit na bumalik sa pagkakatulog. Unang beses niyang magpapakilala ng babae sa mga magulang niya kaya naman ganoon na lang ang galak nila nang malaman nilang ikakasal na ang kaisa-isang anak nilang lalaki. ‘Di bale bukas na bukas ay makikilala na nila ang babaeng pakakasalan ko.
Kinabukasan ay tulad ng dati ay pumasok sa trabaho si Ryker pero nag-file siya ng half-day dahil sa kanyang mga magulang.
“Oh, narinig ko na half day ka lang daw?” Napaangat ang kanyang tingin nang makita niya si Jack.
“My parents are here. Dumating sila kagabi kaya kailangan nila ng makakasama.” Napatango naman si Jack.
“Ganoon ba? Kung ganoon ay ikumusta mo na lang ako sa kanina tita at tito.” Tumango naman si Ryker at agad na lumabas na ng kanyang opisina.
Imi-meet ni Ryker ngayon ang kanyang mga magulang sa isang resto para kumain ng lunch. Pagdating niya sa resto ay agad niyang nakita ang kanyang ina na kinakawayan siya. Agad na lumapit siya sa mga ito at binigyan ng halik sa pisngi at yakap ang kanyang ina. Samantalang ngumiti lang ang kanyang ama.
“I miss you so much iho,” ani ng kanyang ina. “Oh, nasaan na iyong mapapangasawa mo? Gusto ko na siyang makilala.”
Hinanap ng kanyang ina ang mapapangasawa ni Ryker kaso hindi niya rin nasabi sa dalaga na ipapakilala niya ito sa kanila. Kaya hindi niya kasama ngayon ang dalaga.
“Mom, paano ko naman siya ipapakilala sa inyo gayong biglaan naman ang dating ninyo? Alanganing oras pa kayo tumawag kagabi kaya hindi ko na nasabihan si Serenity.” Lumaki ang mga mata ng kanyang ina dahil sa tuwa pagkarinig ng pangalang Serenity.
“Wow! Is that the name of my future wife’s son? It sounds beautiful.” Agree siya sa ina dahil pati rin siya noon nang makilala niya ang babae ay nagandahan din siya sa kanyang pangalan.
“Kailan niyo balak magpakasal?” tanong ng ama nito sabay uminom ng wine.
“Ahm, wala pa kaming exact date Dad.” Natahimik ang kanyang mga magulang. “But we are going to start planning it next week.”
Napangiti naman ang kanyang mga magulang at nagsimula silang kumain ng tahimik. Sinabi niya na lang sa mga ito na kung gusto nila ay pwede niyang ipakilala si Serenity sa kanila mamaya kaya agad namang umayon ang kanyang mga magulang.
“Siya nga pala kailan mo balak hawakan ang hospital anak? Hindi na ako bumabata at alam mo na balang araw ay ikaw na ang magma-manage nito.” Tipid na napangiti si Ryker sa sinabi ng kanyang ama.
“Papa, wala pa akong balak. Alam niyo naman na hindi ko hilig ang mag-business. Siguro kapag talagang uugod-ugod ka na saka lang kita papalitan.” Natawa naman ang kanyang ama sa sinabi niya.
“Walang problema pero isipin mo na magpapamilya ka na. Kung ikaw ang magma-manage ng hospital ay hawak mo na ang oras mo at kikita ka pa ng mas malaki.” Nanatili siyang tahimik dahil hindi ni minsan sumagi sa kanyang isip ang maghawak ng kahit na anong business.
Boring kasi ito para sa kanya dahil ayaw niyang umuupo lang ng magdamag sa likod ng isang mesa habang alam naman niyang pwede siyang makatulong sa ibang tao. Ayaw man niya itong gawin ay siya lang ang nag-iisang anak ng mga Faron kaya kailangan niya talagang hawakan ito sa hinaharap.
“Hindi naman kita pipilitin sa ayaw mo pero ang sa akin lang ay tumatanda na ako. Ayaw ko namang ipamigay na lang ito sa gobyerno o kung sa sinu-sino lang kaya sana magbago pa ang isip mo.” Tumango siya.
“Walang problema Dad. I will think about it.”
Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang mga magulang ay saktong alas-tres na ng hapon nang matapos na sila. May...