The Choosen ONE 💞


💞 Continuation of Chapter Bente Dos Again 💞
Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya sa binata.
Sinusuntok suntok nya ito.
At wala atang balak na umalis mula sa pagkakadagan sa kanya.
Biglang hinawakan ni Thriod ang mga kamay nya at pinunta sa uluhan nya ang mga ito.Pagkuway sinelyuhan ng isang kamay ng binata para di nya maigalaw.
Masuyo sya nitong tinitigan sa mga mata.
“From now on, girl friend na Kita”
Seryusong sambit nito sa kanya.
What girlfriend?
Agad agad???
Hindi ba sya nagbibiro?
“A-anong pinagsasabi mo dyan?
Utal nyang tanong sa binata.
“Hindi ka naman siguro bingi no?
“P-pero ang bilis naman ata……..”
Di nya naituloy ang sasabihin dahil biglang tumawa si Thriod.Naibaba nya tuloy ang paningin nya dahil sa hiya.
Pinag loloko lang sya ng binata.
“Sorry hindi ko kasi alam if paano manligaw”
Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ng dalaga.
“Basta simula ngayon ikaw na ang girlfriend ko.At Wala ng pero pero or kahit anong pagrereklamo.Naintindihan mo ba???
Napatango na lamang si...


Nadeline.
Ano pa nga ba magagawa nya eh.
Huling huli na sya nito.
“Welcome to my world Love”
Bulong nito tska muli na naman syang hinalikan nito.
This time may karapatan na ito sa kanya.
At wala na syang karapatan pang tumanggi sa mga gusto nito.
Dahil kahit pati sya ay nahuhulog na rin.
Sana nga lang itong pinapakitang love ni Thriod ay hindi peke.
Hindi lamang dala ng tawag ng laman o kalandian lamang.
Kundi totoong pag ibig.
Dahil mahirap mafall sa isang tao na sa huli pala di ka rin lang sasaluhin.
Kinabukasan kahit na may kaba sa dibdib ay bumaba si Nadeline.
Alam nyang sa mga oras na ito ay sya ang main topic sa usapan.
Baliw Kasi ang lalaking iyon eh.
Walang privacy.
Napakashowy.
“Maam Nadeline magandang umaga ho!!!!masiglang bati ni Hilda.
Yawa si Hilda pa talaga ang unang sumalubong sa kanya.
“Magandang umaga din”pilit na pinormal ang boses.
Pero di nakakaligtas ang mga ngiting sumisilay sa mga labi Ng katulong.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top