The Choosen ONE Chapter Kinse


Wow anong meron?What’s happening?Parang kagabe lang papatay sa sobrang galit.Ngayon naman ang mga ngiti ay kapantay na ng langit.
“A-ano k-kasi……M-may kailangan ka?tanging namutawi sa bibig ng dalaga,kinakabahan pa rin sya dahil sa inakto nito kagabe.
Umiiling iling lamang ang binata habang nakatitig sa dalaga.
Tsaka inangat ang isang kamay papunta sa mukha ng dalaga.
“Don’t move”.wika nito tsaka may kung anong tinanggal sa gilid ng mga mata ni Nadeline
“Tanda tanda mo na minumuta ka pa”di naiwasang mamula ang mukha ng dalaga sa tinuran ng binata.
Eh di wow sya na ang perfect.Sya na yong hindi minumuta pag natutulog.
“Gusto ko sanang kumain…….”pinutol nito ang sasabihin tsaka tiningnan si Nadeline ng kakaibang look.
Nagsilakihan ang mga mata ng dalaga ng magets nya ang tinutukoy ng binata.
“Nang agahan kasama ka”.dugtong nito sa sinabi kanina.
“Hihintayin kita sa baba”walang emosyong sabi nito tsaka tumalikod pero bigla ding humarap at biglang...


hinalikan si Nadeline sa lips.Smack lang naman tsaka tuluyan ng umalis na parang walang nangyare.
Ilang beses pang nagpangungurap ngurap ang mga mata ni Nadeline pero kalaunay pumasok ulit sa loob ng kwarto habang may pumipinta na ngiti sa mga labi nito.
Mabilis Lang syang nag ayos ng sarili at bumaba na rin.Sa unang pagkakataon makakasabay nya sa agahan ang binata.
“Sit”utos nito sa dalagang kakarating lamang.Uupo na sana sya ng biglang nagsalita ito.
“Not there…. here”sabay turo sa kandungan nito.
“Huh??kunot noong tanong ng dalaga.Pero ng di umimik ang binata ay wala syang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki.
Dahan dahan pa ang dalaga sa pag upo baka may matamaan na Hindi dapat matamaan.
“Tsk” rinig nyang sambit ng binata at mabilis syang hinigit nito napasubsub pa tuloy sya sa dibdib nito.
Buti na lang wala ang mga katulong Kong hindi nakakahiya talaga ang posisyon nila ngayong dalawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top