The Choosen ONE Continuation of Chapter Syete Again


“Wahida,ano ba ang nangyare?tanong nito sa kapatid habang ang kanyang paningin ay nasa tatlo.
Tawa pa rin ng tawa ang mga ito.
“Kinuha po nila yong isang supot ng pansit na nakita ko lang sa basurahan”pagsusumbong nito.Naawa sya kapatid mula pa kahapon ng umaga ay di pa sila naka kaen.Alam nyang gutom na gutom na ito.
“Ibalik nyo ang kinuha nyo sa kanya!!!sigaw ni Reoh sa tatlo na ikinatigil ng mga ito sa pagtawa.
“Ito ba?sabay pa Kita sa supot ng isa,mukhang ito ang leader ng tatlo.”Sige ibabalik ko.”ani nito sabay punit ng supot at dinukot ang laman.At walang awang binato Ito sa mukha ni Reoh.
Nagtawanan ulit ang mga ito.
“Hayan isaksak mo sa Baga mo hahhahahaaha.”
Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang binatilyo sinugod nya ang nagbato sa kanya ng pansit.
Nagpalitan sila ng suntok,dahil mag isa lang sya at tatlo ang kalaban ay natalo pa rin sya.Pinagsusuntok,pinagsisipa at pinalo pa sya ng kahoy ng mga ito.


/> “Ano ha lalaban ka pa ha!??tanong ng isa at sinabayan pa sya ng isang tadyak.
“Tara na bro,baka mapatay mo pa yan.Magtatanda na rin siguro Yan.”awat ng isa ng makita si Reoh na hindi na gumagalaw.
Ngunit ayaw paawat ng isa.Lumuhod pa Ito sa harapan ni Reoh tsaka sya kwenilyuhan.
“Tandaan mo pangalan ko ha,Ako si Crew Lutheran.Ang uwak na dudurog sayo sa oras na kinalaban mo pa ako.”gigil nitong sabi sabay suntok sa mukha ni Reoh.
“Tara na”.hablot ng kasamahan nito kay Crew.
Naiwan na halos namimilipit sa sakit si Reoh.Kahit na bugbug sarado ay di maiwasan na maipinta sa mukha ang sobrang pagkagalit.
“Hinding hindi talaga kita makakalimutan Crew Lutheran.Babalikan kita.”sigaw ng isip nito.
At Mula sa pagkubli sa malaking backscolvert.Ay lumabas si Wahida.
Umiiyak na tinakbo ang kuyang nakahandusay sa unahan.
“Kuya Reoh”tawag nito sa kuya habang yakap yakap.
“Shhh,buhay pa ako matatag ata tong kuya mo”kahit namimilipit sa sakit ay nagawa pa rin nitong tumawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top