The Dark Side of Love


Sa Piling Mo
CHAPTER 1

Ako si Angel, isa akong Nurse sa ngayon nagtatrabaho ako bilang isang barista sa isang coffee shop na nasa loob mismo ng isang ospital.

Wala akong mahanap na trabaho agad bilang isang Nurse, di ko alam madami namang hiring di lang siguro ako swerte. 

Kailangan ko rin ng madaliang trabaho kaya pinasok ko na ang pagiging Barista. Walang masama sa trabaho ko ngayon syempre nagtapos din naman ako sa TESDA.

“Naligaw ka ata ng department?”

 Yan ang laging tanong sa akin ng kahit sino pag nalaman nila na isa akong Nurse.

 At tanging ngiti lamang ang sagot ko.

Minsan di mo na kailangan mag explain pa.

Mababait ang  mga katrabahoko para kaming isang pamilya.

Si Mam Blessy ang Manager namin ay para na rin naming ina, tagos puso pag nag payo at mangaral.

Ang tunay na may ari ng Coffee Shop ay di ko pa nakikilala mula ng mag simula ako dito.

“Mam Blessy,kailan kaya tayo dadalawin ng may-ari ng coffee shop?” yan ang tanong ko ng madalas sa aming manager.

“Hindi ko rin alam Angel, napakabusy siguro ni Carlo.” maikling sagot ni Mam Blessy.

Si Doctor Carlo Angeles ang may ari ng coffee shop na pinapasukan ko.

Pamangkin sya ni Mam Blessy.

At anak ng may ari ng ospital.

“Naku Angel ang hilig nung batang yun sa kape. Kaya kahit Dr. na sya ay binuo pa rin nya ang coffee shop na ito.”

“Speaking of the devil andito na pala ang paborito kong pamangkin.”

Saad ni Mam Blessy.

Ito ang unang pagkakataon kong nakita si Doc Carlo, bata pa pala sya at bukod sa makisig ay napaka gwapo pa.

“Carlo, napadalaw ka sa wakas iho.” Bati ni Mam Blessy.

“Namiss ko lang ang coffee tita.” Sagot naman ni Doc Carlo.

“May bago na tayong staff tita?” pahabol na tanong ni Doc Carlo sabay ngiti sa akin.

“Ay sya nga pala iho, ito si Angel bago natin barista, isa syang nurse din.” pakilala ni Mam Blessy

“Naligaw ka ata ng department, Angel?” “Bat di...


ka nag apply ng nurse?” Bati ni Doc Carlo sa akin.

Ayun na naman ang walang katapusang tanong na bakit ako naligaw ng department.

“Kelangan ko lang po ng trabaho agad Doc, kaya pati pag barista inaplyan ko.” sagot ko naman.

“Wag ka mag alala pag nag hiring ospital sabihan kita agad ng di ka na maligaw dito sa coffee shop.” alok at pangako naman ni Doc.

“Salamat doc.” nakangiti kong tugon.

Napakabait ni Doc Carlo, ramdam ko ang aruga nya sa mga staffs nya dahil halos lahat excited sya makausap.

Isa isa nyang binati at biniro ang mga staff ng coffee shop na napakasaya namang syang hinahagkan.

Napansin kong madalas hawak hawak at ninamasahe ni Doc ang ulo nya. 

“Ang pangit naman ng manerism ni Doc.” wika ko sa isip ko.

“Masakit ba ulo mo?, stress sa trabaho?”  tanong ni Mam Blessy

“Oh ito favorite coffee mo.” sabay abot ng kapeng pinagawa nila sa akin.

“Salamat tita,” Sabay higop sa mainit na kape.

“Kuha mo timpla ko Angel ahh” ang wika sa akin ni Doc.

“Anu ba yan hot coffee lang masaya ka na” wika ko naman sa sarili ko 

“Madalas nga po masakit ulo ko, Tita pero okay lang ako” Sagot ni Doc Carlo sa tanong kanina ni Mam Blessy.

“Pacheck up ka kaya.” suhesyon ni Mam Blessy

“Tita, ano ka ba? doctor ako, ako na bahala kaya to,” natatawang sagot ni Doc.

“Ay oo nga pala. ako lang di doctor sa familia” natatawang wika ni Mam Blessy

“Si Mommy mo kamusta?” tanung ni Mam Blessy.

“Okay naman ta, ayun busy din dami pasyente ngayon.” sagot ni Doc Carlo.

Napansin ko simula nung una pa lang laging hawak hawak ni Doc Carlo ang kanyang ulo at minamasahe masahe nya ito ngunit ngayon  kita sa mga mata nya ang sakit.

“Sigurado ka bang okay ka lang Iho?” tanong ni Mam Blessy.

“Ayus lng po ako Tita, sige una na po ako” Sagot at paalam ni Doc Carlo na mukhang iniiwasan ang mga bagay na iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top