THE DOCTOR’S OBSESSION.
K a b a n a t a 3
Alisha’s PoV.
Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa panaginip ko.
‘Panaginip lang pala ‘yun! Akala ko totoong nandito ang doctor na ‘yun.’
Napa ihip nalang ako at napatampal sa pisnge.
“Bakit ko naman s’ya napanaginipan?”
Agad nalang ako bumaba sa kama at agad na pumanhik sa banyo. Nag hilamos lang ako at niligpit muna ang pinag higaan ko.
Nang matapos na ako sa pag ligpit ay agad na akong lumabas sa kwarto ko. Napatingin pa ako sa kaharap kong pinto. Napa iling nalang ako, kung ano-ano ang nasa isip ko.
Naglakad ako papunta sa kusina. Pag kapasok ko palang sa kusina ay agad napakunot ang noo ko ng mahagip ng mga mata ko ang lamesa na may nakahain na.
kunot noo akong naglakad do’n at may nakita pa akong sticky note sa gilid ng lamesa.
‘Eat your lunch, wife.’
“Nanaginip na naman ba ako?” Baka kasi panaginip na naman ‘to. Natulog lang ako saglit may asawa na agad ako.
Hindi ko nalang pinansin ang naka sulat sa sticky note. Agad nalang ako umupo at nag simula ng kumain.
Napa pikit pa ako dahil ang sarap ng carbonara. Sino kaya nag luto at nag hain ng mga pagkaing ito? Siguro ‘yung matandang babae.
Halos maubos ko na ang mga pagkain na nakahain, sobrang sarap kasi ng luto. Napadighay pa ako.
“excuse me.” Parang tangang sabi ko kahit wala naman akong kasama.
Agad na akong tumayo at agad na niligpit ang mga pinag kainan ko at inilagay sa sink at hinugasan.
Nang matapos na ako ay mabilis kong sinalansan ang mga plato, kutsara at iba pa.
Naka ngiti akong pumanhik sa kwarto ko. Pagkabukas at pag pasok ko ay nagtaka naman ako dahil may mga paper bags na nakalagay sa ibabaw ng kama ko.
Sino naman ang naglagay nito? Bigla tuloy ako kinalibutan. Alam ko kasing ako lang ang tao nandito at wala akong kapit bahay at sa tansya ko malayo na ito sa syudad. Napapaligiran din ng mga puno ang bahay na ‘to kaya sino naman ang nag lagay ng paper bag dito ng hindi ko narinig ang pag bukas ng pinto?
Napatampal nalang ako sa noo dahil may pinto din kasi ang kusina, kaya siguro hindi ko narinig.
Lumapit ako do’n at agad na tinignan ang laman.
Mas lalo tuloy ako nag taka dahil puro mga damit ito at iba pa.
Agad ko nalang kinuha ang isang set ng pantulog. Plane lang ito and gold color.
Mabilis akong pumanhik sa banyopara gawin ang night routine ko.
Ilang minuto lang ako sa banyo at napag pasyahan kong lumabas. Sa may tapat lang naman ako ng bahay, bukas na siguro ako mag lilibot dahil gabi na at baka kung ano pa ang mangyari sa’kin.
Mabilis lang ako naka punta sa labas, wala akng sapin sa paa. Hindi naman marumi ang labas no’ng nakita ko kaganina.
Agad akong napayakap sa sarili dahil sobrang lamig ng hangin! Napa pikit muna ako bago napa tingala sa kalangitan.
Napa ngiti naman ako dahil sobrang daming mga bituwin ang nagkalat sa kalangitan at bilog na bilog ang buwan.
May nakita naman akong upuan na gawa sa kahoy na malapit lang sa kinatatayuan ko. Agad akong umupo do’n at tahimik na pinag mamasdan ang kalangitan.
“Ito ba ‘yung pakiramdam na maging malaya?” Naka ngiting tanong ko sa ‘king sarili.
Naaalala ko naman kung papaano ko ipaglaban ang kagustuhan ko at ‘yon ay maging malaya.
F l a s h b a c k
“mom, dad! Please kahit ngayon lang pagbigyan n’yo ang kagustuhan ko.” Halos lumuhod ako sa harapan nila. Ang mga kuya ko naman ay walang ginawa kundi tignan lang ako.
Walang emosyon akong hinarap ni dad.
“Hindi mo kailangan ang maging malaya alisha! Hindi pa ba sapat ang ganitong buhay ha?!”
“bakit ba hirap na hirap kayo ibigay ang gusto ko, mom, dad nasasakal na ako!” nagulat nalang ako ng dunapo ang palad ni mom sa pisnge ko.
“Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan, alisha!”
Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
Nakita naman n’ya ang naging reaction ko kaya dahan-dahan s’yang lumapit sa’kin na ikina atras ko.
“I-Im so—” hindi ko na pinatapos ang sasabihin n’ya ng mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay do’n na ako tukuyan napa hagulgol.
***
Ilang araw akong hindi lumabas sa kwarto ko, at ilang araw akong hindi tumigil sa kakaiyak.
Nakatulala akong nakatingin sa kisame ng bigla nalang ako nakarimig ng katok sa pinto.
“Anak.” Boses ni mom.
Dahan-dahan akong tumayo.
“Alam kong galit ka sa’min pero sana maintindihan mo kami.”
Laging ‘yan ang lagi nilang sinasabi, iniintindi ko naman sila. Simula bata hanggang paglaki ko hindi ko narasan ang mag aral sa labas, home schooling lang at minsan lang ako nakakalabas kapag tuwing nandito ang pinsan ko halos bilang lang sa daliri ko ang makalabas.
Oo alam kong nag...