THE GANGSTER REVENGE CHAPTER 4


JILLIANE POV
HALOS lumuwa ang mga mata ko sa bumungad sa’ken sa library niya. Limang lalaki na pulos naka-itim. At aaminin ko, lahat sila makalaglag-panty sa ka-gwapuhan. Mga nakasimangot nga lang-parang may galit sa mundo. Jusko! Library ba talaga ‘to o…impyerno?
“Jilliane Santos.” Sambit ng hambog na parang pinapakilala ako dun sa mga lalaking prenteng nakaupo sa malaking couch.
“Maganda pala Xking. Pwede bang sa’ken muna kahit isang gabi lang?”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung lalaking mukhang pinaka-badboy sa kanila na parang naka-eyeliner pa? May kalahi pala si Baekhyun ng EXO dito eh. Baka fan? Kung ‘di nyo natatanong, may pagka-KPOP fan din ako pero hindi naman super. Tama lang. ‘Yung mga pinsan ko kasi kulang nalang mahimatay kapag napapanood ang mga KPOP bias nila sa myx. TV lang ‘yun ha! Kaya ayun nahawa ako.
“F**k you, David.” Sabi ng hambog. Aba pinagtatanggol ako. Yeeeee. Kikiligin na ba ako?
“Miss, upo ka dito.” Nakangiting sabi nung isang lalaking mukhang mabait kasi nakangiti na. Sa kanilang anim kasama ang hambog, puro sila serious face. May dinaramdam kaya ang mga ‘to?
Kinabahan ako. Uupo ba ako d’on? Eh jusko, sa gitna nila ako pinapaupo. Kumusta naman ‘yun ? Ano ‘to? Talk show at ako ang guest? Ganern?
“A-Ah, sino ba kayo? KPOP group ba kayo?” tanong ko. Malay mo ‘di ba?
Bahagya akong napaurong nang lahat sila nag-poker face sa’ken. Bakeeeetttt?
“Tch.”
Hala! Galit ang hambog. Bigla nalang niya akong nilapitan saka tiningnan ng masama. “Do we looked like a KPOP group? What the f**k. Aren’t you afraid of us?”
Nakakatakot nga sila pero kasi…all black tapos may naka-eyeliner. Merong may kulay ang buhok. Mga mukhang may lahi. Masisisi niya ba ako kung isipin kong KPOP group sila? Psh. “S-sino ba kasi kayo?”
“XBANG.” Madiin na sagot nung isang masungit na lalaki.
“Kaanu-ano niyo ang BIGBANG? Waaaa crush ko dun si Top!” bigla akong natuwa at hindi ko napansin na ang lakas pala ng boses ko. Para tuloy akong timang na biglang natahimik at napatungo. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hiya.
“WHAT THE H**L.”
“SH*T.”
“THIS WOMAN IS GETTING INTO MY NERVES.”
Hala, hala. Galit sila? Ano ba kasing ginawa ko? Nagtatanong lang eh.
“I don’t know who’s that bigbang you’re talking about. We’re XBang-group of gangsters.”
Oh. Gangst-GANGSTER? “K-Kayo? Gangster?” nauutal na tanog ko. Seriously? Gangster talaga sila in real life? O artista lang ganon? Oh my God! This is not happening.
“Paulit-ulit? Tch. Dito ka miss. Upo ka, may pag-uusapan tayo.” Sabi nung isang lalaki pa.
Waaaa! Anong gagawin nila sa’ken? Gangster pala sila. At bakit may pag-uusapan? Hindi kaya yayain nila akong mag-join sa group nila? O kaya yayaing maging muse nila. Gano’n ba? Naku po. Think positive. Kaya, sumunod ako.
Lumapit ako sa kanila sa couch saka naupo sa gitna nila. Jusko. Kikiligin sana ako kasi napapalibutan ako ng mga gwapong nilalang na’to. Kaso, paano ako kikiligin ngayong alam kong gangster sila? Baka kaya patayin nila ako? O gawing sex slave? Wag naman sana, virgin pa ako!
Napalunok ako nang makaupo na ako. Lahat sila nakatutok ang tingin saken. Daig ko pa ang bibitayin nito. Yung hambog nakatayo lang dito sa malapit sa couch at matamang nakatingin sa’ken. Isa pa ‘to eh, ideal man na sana.
“Bago natin pag-usapan ang dapat nating pag-usapan. Let me introduce myself first. I’m Zaine.” Sabi nung lalaking mukhang Korean pero hindi. Ang gulo ‘no?
Ngumiti lang ako. Kilala na naman nila ako so hindi ko na kailangang magpakilala pa. All I can do now is to smile at them. Baka mamaya mag-ninja moves ang isa sa kanila at bigla nalang akong saksakin sa leeg. Huhu masakit ‘yun.
“I’m Seth!” sabi nung kanina pa nakangiti. So parang medyo makakagaanan ko ‘to ng loob. Hindi nakakatakot. Ngumiti din ako sa kanya.
“Ace.” Matipid na sabi nung mukhang koreano talaga na medyo blond ang buhok. Kaya napagkakamalan ko silang KPOP group eh. Nginitian ko din siya.
“Shawn.” Nakangising pakilala nung parang naka-eyeliner.
Ngumiti ako saka naglakas-loob na magtanong. “Fan ka ni Baekhyun?”
Sumama ang tingin niya. “What the f**k?”
“He-he. Hindi mo kilala pala. Sorry..” sabi ko na naka-peace sign. Kasi ‘tong bunganga ko ‘di ko mapigilan eh.
“I’m Kieffer.” Sabi panung isa na blonde din ang buhok. Mga foreigner ba sila or may mga lahi?
“Nice to meet you all.” Nakangiting sagot ko kahit rinig narinig ko ‘yung pagdugundung sa dibdib ko. Syempre kinakabahan pa rin ako.
“Now.”
Naku po. Ayan na! Ano ba kasing ipapagawa o iuutos nila sa’ken? O ano kaya ‘yung pag-uusapan? Pero bago kop ala isipin ‘yun, may nakalimutan ako. “A-Ano..”
“WHAT?”
Nag-pokerface ako sa hambog. Ang luma-lumanay ng salita ko tapos naninigaw. Napaka-highblood eh. “Hindi ko pa alam ang poangalan mo, gwapong hambog.” Sabi ko saka nag-pout.
“Gwapong hambog? What the f**k! Wahaha!” sabi nung Shawn.
“Hanep sa nickname ah! Wahaha.” Sabi naman nung seth.
Eh bakit ba? Anong itatawag ko? Dahan-dahan akong tumingin sa hambog at tama! Ang sama ng tingin niya sa’ken. May lazer beam!
“Stop calling me hambog. I have my name, Tch. XKing.”
“Eks-king?” tanong ko na binibigkas ng maayos ang name niya. Pangalan ba talaga’yun? Ang weird.
“XKING.” Madiin na sabi niya.
“Ah, eks-king.”
“Capital letter ‘X’ miss then the word ‘king’.” Paliwanag nung Seth.
Tumango-tango ako. “Anong kinalaman mo sa mga commercial ng sabong panlaba? Yung kalaban lagi? Yung..brand X?”
“Pffftttt. Wahahahahaha!” makatawa naman’tong Kieffer na’to.
“Ang benta! P*ta!” sabi naman nung Seth.
Nagtatanong ng maayos eh.
“Do you want to die?” galit na tanong ni Xking. Waaaaa! Ang sama ng tingin niya lalao. Parang kakainin na akong buhay.
Naakamot ako a ulo ko. “Nagtatanong lan-”
“Your non-sense questions? F**k. Just shut up. Baka...


makalimutan kong babae ka.” Nagbabantang sabi niya. Napalunok ako. This time, tatahimik na talaga ako. Super serious na ng mukha niya eh at halatang nagpipigil nalang siya at gusto na akong suntukin.
“Tatahimik na po.” Bahagya akong tumungo. Kasi kasalanan ng bibig kong madaldal.
“Hindi mo sinabing ang funny pala niya XKing. Pwede ‘tong ipasok sa laffline. Wahahaha!” narinig kong sabi ni Seth. Hampasin ko kaya ‘to sa ulo? Pero ‘wag na, baka barilin ako bigla.
“Shut up, Ocampo. I-discuss niyo na sa kanya ang trabaho niya.”
Napatunghay ako at namilog ang mata ko. Trabaho talaga. Ano kaya. Waaa! Nakaka-excite talaga at nakaka-kaba.
“Miss Jillian, total nangailangan ka ng tulong kay XKing at pinaunlakan ka naman niya, ngayon na ang time na gumawa ka ng trabaho na at least ay mapantayan mo ang ginawa niyang pagpapatira sa’yo dito sa mansion niya.” Paliwanang ni Zaine.
Bigla akong may naramdaman sa bandang tiyan ko.
“At yun ay-”
“Waittt!”
“F**k. What is it this time?” sigaw ni XKing.
Paano ko ba sasabihin ‘to? Kasi kapag hindi ko ‘to inunanbaka ma-abutan pa ako dito. Anim na gwapo pa naman ang kasama ko dito. Nakakahiya ‘pag nagkataon.
“WHAT?”
“A-Ano, XKing..ah, pwedeng mag-banyo muna?” tanong ko. Eh kasi naman..
“And why?”
“Syempre gagamit!”
“That can wait.” Sabi niya saka tumingin kay Zaine. “Continue.”
Aba’t! Hambog talaga ‘to. Tumayo ako at matamang tumingin kay XKing. “Mas mahalaga ang pagpunta ko sa banyo!” sigaw ko.
Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng nasa tabi ko na si Seth.
“Mas importante ang sasa-”
“Natatae na nga ako eh!” sigaw ko. Inis na inis na ako. ALlabas na eh!
“Pffft. Wahahahahahahaha!”
“Tangna, men! Pagamitin mo muna ng banyo ‘yan!”
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kase sila eh! Aisssshhhh! Nakakahiya.
“Go!”
That’s my signal so mabilis kong tinungo ang pinto at lumabas dun. Paglabas na paglabas ko ay nakahinga ako ng maluwag. Para akong tinorture sa loob. Shemay. MAkapag-banyo nga muna!
__________^__________
XKING POV
F**k. Paglabas na paglabas ni Jillian ay nagtawanan ang mga ka-gang ko. She’s really unbelievable. Sinabi niya talaga ‘yun sa harap namin? D*mn that woman. She’s crazy and weird.
“Sh*t! That girl is amazing! Wahahaha!” tawang-tawang sabi ni Seth.
“She looked weird, XKing. Sigurado ka bang ibibigay natin sa kanya ang trabaho?” tanong ni Ace.
Why not? I can use her. Gagamitin namin siya as sales talk-hindi tulad sa normal na bentahan sa mall o sa kahit ano pa dahil dito sa underground world, merong tinatawag na black market-Illegal weapons na ginagamit ng mga gangsters.
Si Shawn ang namamahala ng mga illegal weapons na binebenta namin-minsan nakikipag-swap kami, minsan, binebenta talaga. Hindi lang mga gangsters ang bumibili sa’men kundi pati mga taong nasa pulitika, mga pulis, sundalo o kahit sino pa-even the normal peoples specially the rich ones.
Dahil wala akong maisip na pwedeng gawin sa babaeng maingay na ‘yun, at least sa black market, makatulong siya.
By her charms, isama na ang pagiging madaldal niya, nababagay siya roon. She will help Shawn na makuha ang loob ng mga matataas ang bigating mga taong suki ng black market.
Hindi lang naman kami ang nagbebenta ng mga illegal weapons-marami lalo na sa underground world kaya nasa sa’men nalang kung paano namin mahihikayat ang isang customer na sa amin kumuha. Isa lang ang sikreto namin kaya marami kaming customer.
We protect the identity of the buyer means they can buy without revealing theirselves. The most important is the payment, the money. That’s all. Maraming mga taong gustong bumili ng mga illegal weapons pero karamihan sa kanila ay nag-iingat kaya ‘yun ang naisip kong gawin.
May taong nag-sesend sa underground world ng list ng mga bigating taong nangangailangan ng mga illegal weapon kaya ang mangyayari, kanya-kanyang panunuyo na ang gagawin ng mga nasa black market. Tulad namin.
“Xking, hindi ba mapanganib kung babae ang hahayaan nating mag-benta roon?” tanong ni Zaine.
“Makakasama niya naman ako, Zaine. So there’s nothing to worry. Sa black market, hangga’t kasama niya ako, walang mangyayaring masama sa kanya. Pero kung sa kwarto niya ako makakasama, aba, may mangyayari!”
“Libog mo, David!”
“F**k it, Shawn.”
Tch. Mga ka-gang ko, parang hindi mabubuhay ng walang kinakama eh.
Naiintindihan ko ang tanong ni Zaine. Yeah, she’s a girl pero kasama naman niya si Shawn. Para lang siyang magiging secretary niya. I admit, mapanganib din ang black market, minsan kasi may mga customers na nanlalamang. Kapag nakipag-meet ka na para ibigay ang order nilang illegal weapon, kapalit ang bayad, minsan, nangta-traydor sila. They can kill us, yes. Kaya kailangan ng dobleng pag-iingat. Shawn is expert on that. Yun ang mga taong gahaman and that’s the reality.
“Wahahaha! Over protective, XKing? Oh man, hindi ko naman aagawin ang sa’yo.”sabi ni Shawn.
Binato ko siya ng nahawakan kong vase.
“F**k you!”
“Awww! Ang sapatos ko, p*ta!” sigaw ni Ace.
Tangna kasi eh. Nabasag sa paanan nila ang vase na may lamang lupa yata at bulaklak.
“Wahahahaha!” tawang tawa ang gagong Shawn. Maubusan ka ng hiningnang gago ka.
“Dapat sa mukha tinamaan si Shawn ng vase total mukha naman siyang bulaklak. Wahahaha!” pang-aasar ni Seth.
“Kung pulbusin kaya kita, Ocampo?”
“Kung ikulong kaya kita sa dragon ball egg?”
“Tangna mo, gago! Tigilan mo ang pagiging anime addict mo. Tch!”
We are gangsters. Yes, sadyang weird personalities lang ang meron kami sa likod ng maaangas naming dating. Maangas man kami pero may sinabi kami. Hindi kami tulad ng ibang lalaki na kung makapag-angas akala mo, may ibubuga. At isa pa, hindi kami ang taong puro salita lang. Puro kami sa gawa. That’s the f**king fact about Xbang. Now you know. But still, you don’t have the rights to judge us. Because you still don’t know our story.
[END OF CHAPTER 4]✔






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top