THE GIRL WHO DIED BECAUSE OF MODULE


“Huwag ka ng mag-module, balita ko nakakamatay ‘yan?” pagbibiro ng pinsan ko at bahagya pang tumawa matapos pumasok sa aking kwarto.
Napahinto ako sa pagsusulat, “Huwag kang maniwala sa chismis.” malamig na tugon ko ng magtama ang aming paningin.
“Ayaw mo talagang maniwala?” umupo ito sa tabi ko, “Tama na ‘yan, masyado ka ng matalino.” Dagdag pa nito habang sinisilip ang equation na sinasagutan ko.
Bumuntong hininga ako bago bitawan ang aking ballpen. Nang lingonin siya ay nakita ko itong abala na sa paggamit ng phone.
“I know the whole story.”
Kaagad itong napahinto sa kaniyang ginagawa, ibinaba nito ang hawak niya at takang tumingin sa akin. Hindi na ako nag-abalang sagutin ang tanong niya na kung bakit at paano ko nalaman, sapagkat alam nitong hindi naman ako mahilig sa mga chismis.
“‘Yang hawak mo,” turo ko sa phone niya kaya’t napalingon rin siya roon, “Isa ‘yan sa dahilan kung bakit siya nagpakamatay.” pagpapatuloy ko sa malumanay na tono.
“Weh ito? sino naman ang magpapakamatay ng dahil sa cell phone,” natatawang tanong nito, “T-Teka nagpakamatay siya?”
Tumango ako, “She’s a working student,” panimula ko dahilan upang mapaayos ito ng pagkakaupo, “Sinusuportahan niya lang ang sarili niya dahil hindi sapat ang kinikita ng kaniyang ama. Mag-aaral siya sa umaga, papasok sa trabaho tuwing tanghali at uuwi sa hapon pero madalas ginagabi na.”
Huminto ako sandali at napabuntong hininga, “Hindi niya sinabi sa ina niya ang tungkol dito dahil hindi naman ito papayag sa kaniyang gusto, kaya’t inakala ng ina niya na naglalakwatsa lamang ang kaniyang anak sa tuwing umaalis ito upang magtrabaho.” muli akong tumigil sa pagsasalita at may isinulat sa papel.
“V?” kunot noong tanong ng pinsan ko.
“The first letter of her name.” simpleng sagot ko na ikinatango lamang nito, “Araw-araw na nakakatanggap ng masasakit na salita si V sa kaniyang ina. But she just smile as her reply, hindi siya sumasagot kahit nasasaktan na siya. Natiis niya ‘yon sa loob ng limang buwan na halos palayasin na siya ng sarili niyang ina.”
“What the? Kung ako siya mapapamura na talaga ako.” halata ang inis sa tono ng aking pinsan.
Sinulat ko ang kasunod na letra V sa papel, “Pero sa kabila ng lahat ng masasakit na salita na kaniyang narinig nagsikap pa rin si, Vi. Nakabili siya ng sarili niyang cell phone, pang-online class at pangsearch ng important details online. Her mom assumed that it was from her boyfriend, although nahihirapan na rin si Vi she choose to remain silent.”
“Dapat kasi sinabi niya na.”
“May pinagiipunan siya, Gail.” sagot ko matapos maisulat sa...


papel ang ikatlong letra ng pangalan ng babae sa kwento.
“Vie? name niya na ba ‘yan?”
Hindi na ako sumagot at sa halip ay itinuloy na ang kwento, “Dudang-duda na ang ina niya at punong-puno na rin ito sa nakikitang ugali ng kaniyang anak. Tuwing hapon na lamang ang libreng oras ni Vie kaya’t sinusulit niya na lamang ito sa pac-cellphone, ‘yun na rin lang kasi ang nagsisilbing pahinga niya. Her mom confronted her, at dahil sa pagod si Vie hindi niya na napigilang sumumbat sa sermon ng kaniyang ina.”
“Alam mo kung saan mas nasaktan si Vie?”
Umiling ang pinsan ko, “Hindi.”
“No’ng makita niyang durugin ng ina niya sa kaniyang harapan ang pinaghirapan niyang cell phone. Nando’n pa naman lahat ng mahahalagang files na gagamitin niya sa project niya.”
Napaawang ang labi ng aking pinsan ng dahil sa kaniyang natuklasan.
I wrote the last letter of her name, “Vien.”
“Vien? ‘yan ang pangalan niya?”
I nodded, “Nadepress si Vien ng dahil sa nangyari. Matapos ng lahat ng sinakripisyo niyang oras at pawis mauuwi lang pala sa wala ang lahat. And worse, sinabihan pa siyang malandi ng sarili niyang ina.” napatungo ako ng maramdaman na may pumatak na luha mula sa aking mata, “While she was in the midst of depression. Aksidente niyang nakita ang lason na nahulog mula sa ibabaw ng cabinet.”
“Bakit ka umiiyak?”
Umiling lang ako bago ipagpatuloy ang kwento, “She poisoned herself. Natagpuan na lang siyang walang buhay habang nakahiga sa sahig ng kaniyang kwarto. She left a letter; tungkol sa kaniyang ina, huwag na huwag niyong sisisihin si mama dahil wala siyang kasalanan mga salitang nagpaluha sa kaniyang ina. The first sentence down until the end, puro sorry. Malapit na siyang grumaduate pero mas pinili niyang gawin ang bagay na ‘yon.”
“That day may dumating na package sa bahay nila. Nakapangalan sa ina ni Vien, naglalaman ‘yon ng susi at isang card na may nakasulat na happy birthday mama. ‘Yon ‘yung pinag-iipunan ni Vien para sa mga magulang niya, isang bagong bahay.”
Nang muling magtama ang paningin namin ng pinsan ko ay halatang hindi ito makapaniwala, “Vien? ‘yung famous streamer na kadou ni Mathew?”
Tumango lang ako bilang tugon.
“Pero bakit ka umiiyak?” takang tanong nito.
Pinunasan ko ang aking mga luha, “Because, Vien is my best friend. Module isn’t the reason why my best friend died, depression root her to suicide.”
_______
This is base on a true story, I just put in some fictional features so that the story would prosper.
β€” Written by: Keso Kreas






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top