THE MULTI BILLIONAIRE’S WIFE
By: Akaino Schreiben
YERI’S POV:
“Saan ka na naman pupunta? Sa kabet mo?” Matapang na tanong ko sa asawa ko na pormang-porma.
Amoy ko pa ang pabango nito na hindi na ginagamit magmula ng kami ay nagpakasal na.
“Can you please shut up? Saka pwede ba tumigil ka na, wala akong kabet at kahit kailanman ay hindi ako mangangabet. Baka ikaw r’yan.” Pagbabalik naman niya sa akin na ikinatawa ko nang sarkastiko.
“So, ganon? Babaliktarin mo ako? Akala mo ba wala akong alam sa relasyon ninyo ng bff ko? Akala mo ba wala akong napapansin sa inyo? Ginawa ko naman ang lahat ah! Bakit ba ganiyan ka?! ” Malakas na sigaw ko rito habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.
Nasasaktan ako sa ipinapakita niya. Nanakit ang aking dibdib kapag nakikita silang magkasama ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa mga oras na ‘yun.
Gusto ko silang saktan tapos sampalin ang babae sa harapan ng asawa ko. Pero wala akong lakas, hindi ko magawa.
Baka makaeskandalo lamang ako sa kanilang dalawa at maski sa lahat ng tao na nakakakita sa lambingan nila.
“Dahil ikaw ang unang nagloko! Pinaniwala mo sa akin na ako lang! Ako lang ang...