THE PLAYER’S BABY


___________
Prologue
Matyaga akong naghintay na matapos ang laro nila. Tulad ng dati sila na naman ang panalo. Di ko mapigilang mapangiti kahit na kabado ako sa muli naming paghaharap.
Nang humupa na ang tao sa daan nila patungo sa locker room nila ay saka ko na siya hinarap.
“Anthony.” tawag ko rito.
Bumaling naman siya sa akin at ngumiti.
“Hi! Magpapa-picture ka rin ba, miss?.” umiling naman ako bilang sagot.
“Ahh a-ano kase….pwede bang mag-usap tayo, ng tayong d-dalawa lang?.”
Kumunot ang noo nito bago lumingon sa mga teammates niyang busy sa pagliligpit ng gamit sa loob ng locker room nila.
“Do I know you miss?.” ang mata niya ay naningkit sa pagkilatis sa aking mukha.
“Maaring di mo ako makilala, but we shared a night together.”
“I’m sorry miss. But I really don’t remember you or maybe you’re just making stories.” medyo may irita na ang boses niya.
“P-pero. . . You got me pregnant.” mahihimatay na ata ako sa kaba ng sa wakas ay nasabi ko na sa kanya.
“Damn! I don’t even know you, how can I get you pregnant?!.” he hissed kaya...


naman naagaw na niya ang atensyon ng mga kapwa niya players sa kwarto.
“Maniwala ka sa akin…. Sayo ang pinagbubuntis ko.” di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
“Hindi akin yan! Ni hindi nga kita kilala!.” he shouted at me.
“Dude, you should deal this matter privately.” lumapit na ang isa niyang teammates sa kanya. Marahil naramdaman na nito ang tensyon sa paguusap namin.
“I don’t have something to deal with her. Sinungaling ang babaeng yan.” he’s really angry. Gustong gusto ko ng tumakbo paalis pero kailangan siya ng anak ko.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nagmamakaawa na maniwala siya sa akin pero matigas siya. Hanggang sa magtawag na siya ng security at hinila na ako palabas pero tinatawag ko pa rin siya kahit di niya ako magawang tapunan pa ng tingin.
Sa sobrang bugso ata ng emosyon ko ay naramdaman ko na lang ang labis na paghilab ng puson ko at ang pagdaloy ng malapot na dugo sa mga binti ko.
Sa nanglalabong paningin ay nasaksihan ko pa ang pagkakagulo ng tao sa paligid ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top