The Posion of Love PART 2


“Dont mind me ok lang ako” ani nito at pinunasan ang dugo na nasa gilid ng panga nya.
“Johanna halika na” ani ko at hinatak si Hanna natigil kami sa pag lalakad ng mag salita ang lalaking tinawag ni Hanna ng Darrel.
“Hindi ka man lang ba mag thank you?” Tanong nito kaya maldita ko syang tiningnan.
“At bakit naman ako mag thank you sayo? Hindi naman kita inutosan na iligtas kami diba kaya no need” maldita kong sabi rito. At dumiretso sa pag lalakad habang hatak si Hanna.
“Girl hindi mo ba kilala ang lalaking yon?” Tanong ni Hanna sakin pag dating namin sa hallway kaya kunot noo ko syang tiningnan.
“Bakit ko naman yon kikilalanin…staka stranger lang sya sa buhay ko no…at isa pa hindi sya ang pinunta ko rito sa school kundi ang mag aral ano kaba Hanna” ani ko rito at nag patuloy sa pag lalakad.
“Girl sya ang campus king rito at sikat sya rito isa pa kinatatakutan rin sya rito…at kapag nalaman ito ng campus queen baka gantihan ka non…” Medyo alalang sabi...


nya sakin.
“At bakit naman nya ko gagantihan? Bakit? Ako ba ang sumontok don sa kumag nayon? Hindi naman ah? At isa pa wala akong paki kong campus king sya” maldita ko paring sabi. Kaya napailing nalang sakin si Hanna dahil sa mga naisip ko.
“Basta kong anong mangyari sayo nandito lang ako ah” ani nito kaya ngumiti ako sa kanya.
“Yan ganyan nga bagay sayo ang naka ngiti…ang pangit mo kasi kong naka simangot ka” biro nito kaya galit ko syang tiningnan.
“Di joke lang ito naman di mabiro…syempre ang ganda mo kaya” biro na naman nito. Kaya inis akong nag lakad. Natigil lang ako sa pag lalakad ng may tumawag ng pangalan ko sa likoran kaya humarap ako rito. At sila Zeya lang naman.
“Oh ok kalang ba wala bang masakit sayo?” Alalanh tanong ni Eunice sakin at inikot ikotan ako.
“Syempre ok lang ako…teka pano nyo nalaman?” Tanong ko rito.
“Ayy alam mo naman itong si Zeya ang bilis makakuha ng balita kaya alam namin” —Zach
“Oii kuya hindi ah” depensa sa sarili ni Zeya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top