The Revengeance Chapter 1


“Iho,masyado mo nang isinusubsob ang sarili sa negosyo,wala ka na yatang oras para sa Pag-ibig..” sabi ni Roberto De Dios sa kanyang anak na si Daniel.
Sa edad niyang 25,ay nagsimula siyang pag-aralan at namahala sa mga negosyong iniwan ng kanyang Lolo,kasama niya sa pamamahala ang mga magulang niya pero habang maaga ay sa kanya na ipinagkatiwala ang kompanya dahil nag-iisa lang siyang anak at apo.
“Hindi naman Papa,wala pa talagang tamang babae na naligaw dito sa puso ko..” turo ng binata sa dibdib at sabay na ngumiti sa ama.
May mga naging girlfriend siya dati pero hindi umabot ng isang buwan,ewan parang ang malas niya pagdating sa Pag-ibig..
“Anak,28 kana panahon na siguro para bigyan mo rin ng oras ang sarili mo para magkapamilya..” sabi ng kanyang Papa na parang itinulak na siya nitong manghablot ng babaeng mapapangasawa.
“Papa naman..”,tanging sagot lang niya na parang bata...


na umaayaw.
“Hindi naman sa minamadali ka namin Iho,malapit na kaming tatanda..” ,singit ni Mrs.Dina De Dios
Tumango-tango lang si Daniel sa mga parents niya,gustuhin man niyang mag-asawa ni wala nga siyang nobya sa ngayon,wala pa rin siyang napiling babae na nagpapatibok sa puso niya.Hindi niya muna pressure-in ang sarili niya sa mga bagay na iyon,darating naman iyon kung gugustuhin talaga..
****
Si Armina Alcantara ay kilalang mabait na anak at isa ring businesswoman na nagmamay-ari ng Alcantara Textile Company.Dating bankrupt ang company nila dahil sa pakikipagsabwatan sa mga tauhan nila noon sa kalaban nila sa negosyo noong ang kanyang Ama pa ang namahala at nung buhay pa ito.Nawalan ng preno ang sinakyang kotse ng kanyang Ama,kaya naaksidente ito at cause ng maagang pagkamatay nito.Si Armina ay matalinong babae kaya gumawa siya ng paraan para muling makabangon dahil ito ang promise niya sa matagal nang yumaong ama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top