“Kumusta na ang pakiramdam mo,Anak?” tanong ng Mommy ni Armina sa kanya
“I’m ok na Mom..”
“Buti na lang naagapan agad ng mga Doctor ang pagbleeding mo..at ok si baby..”
“I’m still worried Mom,paano na lang kung may nangyaring masama kay baby..I don’t know if I forgive myself,”
“Don’t blame yourself Anak,sa ngayon magpahinga ka muna..mamaya pwede na tayong makalabas..”
“Sige Mom,salamat.”
****
Papalabas na ng Hospital sina Armina,Kuya Stephan,asawa nito at ang Mommy niya nang masalubong nila ang isang Ginang na umiiyak.
“Daniel…Daniel..gumising ka!!!huwag mo kaming iiwan!!!!”
Nagulantang siya nang makita nga si Daniel na duguan.Wala na itong malay.Nanginginig siya sa nakita niya at napaiyak na rin.Pinakalma siya ng Mommy niya nang pinasok si Daniel sa Emergency Room.
“Daniel..” mahinang sambit ni Armina
Nanatiling gulo at hindi mapakali ang pamilya ni Daniel sa labas ng ER.Umiiyak na rin si Roberto De Dios.
“Tita?Tito?..” nanghihinang lumapit si Armina sa Parents ni Daniel
“Armina,Iha..” pagsusumamong sambit ng mommy ni Daniel
At niyakap siya ng Ginang
“Armina,pwede ba tayo mag-usap sandali?” sabi ng Dad ni Daniel
“Yes po Tito..” naluluhang sagot ni Armina
Nagtungo sila sa chapel na malapit sa Hospital.Nagdasal muna sila...