Hindi makapaniwala si Armina sa sinabi ng kanyang secretary,paano na lang ang iniingatan niyang Textile Company.
“..pero malinaw na ang usapan namin di ba?” patuloy ng dalaga
Hindi siya makapaniwala tila naguluhan dahil kalahati ng company ay nakasanla na at may possibility na malulugi kung di niya gawan ng paraan.
“Kahit ano pong pakiusap Miss Ar,hindi daw po sila tutuloy dahil may iba pong nag-offer sa kanila.” paliwanag ng kanyang secretary
Nanlambot siya sa narinig na balita,tila blangko ang isip na nakatingala sa kawalan.
“Miss Ar,pero may good news po..” sabi ni Mae,bumaling siya rito at tila nabuhayan ng loob
“May tumawag po na Bangko at willing sila na itubos ang kalahati ng Alcantara Textile Company.” patuloy na sabi ng secretary
Ibinigay ng Secretary ang Address ng Company at ng nasabing Bangko,tila may kaba siyang naramdaman pero kailangan niyang lakasan ang loob dahil nakasalalay dito ang kanilang company.
Kinabukasan...