THE REVENGEANCE Chapter 5


Tila lumilipad na naman ang isip ni Daniel nang makalabas ang dalaga,para bang dinala ng dalaga ang puso niya dahil kakaiba ang tinitibok ng puso niya ng mga sandaling nagtama ang paningin nila ng dalaga.
”Hindi..hindi ito maaari..anak siya ng kalaban at ang paghihigantihan ko..hindi ko siya pwedeng mahalin..” sabi niya sa sarili
“..pero walang alam si Armina Alcantara sa nakaraan..” dagdag niya masyado yatang naapektuhan ang puso’t isip niya ng dahil sa dalaga.
*****
“Hello?good evening,who’s this?” sabi ni Armina sa kabilang linya
“It’s me Daniel De Dios,good evening Armina..can we take dinner?or shall I say wala ka bang ginagawa ngayon?”
“Wala naman.” nakakahiya naman kung tanggihan niya ang pinag-uutangan niyang CEO
“So,can we go out?”
“Yeah,sure.”
“Can I know your Address?I’ll pick you up.”
Nagmamadaling magbihis si Armina dahil susunduin siya ni Daniel sa mansion nila.Napatitig si Armina sa salamin at...


pinagmasdan ang sarili.Sout niya ang black floral dress na nababagay naman sa slight niyang make-up.Hindi man dinner date ang pupuntahan nila,pero kailangan niyang maging comfortable sa paningin ng binata.
Maya-maya’y may kotseng pumarada sa labas at bumaba doon si Daniel.
“Hi,you look a goddess tonight..you’re beautiful..” sabi ng binata sa kanya na titig ng titig sa dalaga
”Bolero ka pala..” tanging sagot ng dalaga halatang namula ang pisngi nito
“Hindi ako nagbibiro,maganda ka naman talaga..”seryoso nitong sabi
“Ah,thanks..so,magtitigan na lang ba tayo?”
“Ok,let’s go.” pinagbuksan siya nito ng kotse at siya na rin ang nag ayos ng seatbelt
Tumuloy sila sa mamahaling restaurant,pumwesto sila sa itaas na bahagi ng restaurant sa private places.It is a romantic dinner,at hindi maiwasan ni Armina na maapreciate ang sweetness at gentleman ni Daniel.
Matapos nilang kumain,nagpalakad-lakad sila sa tabing dagat.Napakasariwa ng hangin at napakayapa ng gabing iyon






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top