(BLUE SKY THE SERIES BxB)
Author: MakatangMalaya14
Prologue:
“Bugaboo ang cute mo talaga hehe.” Wika ni Jack habang ginugulo ang buhok ng kanyang kasintahan na nakahiga sa hita niya.
“Hm,Jack talaga,sa mata mo lang naman ako cute eh.” Saad naman ni Albie habang umaayos na ng upo.
Nagtawanan naman ang dalawa,tulad ng dati nandito sila sa rooftop,nagpapa-hangin, nagpapalipas ng oras. Dito lang kasi nila napapakita ang pag-ibig bila sa isa’t-isa.
Biglang nabalot ng tahimik na hangin ang kapaligirian nilang dalawa.
“Ahm Jack?” Pagbasag ni Albie sa katahimikan.
Agad naman siyang liningon ni Jack. “Ano yon bugaboo?” Nagkatinginan na silang dalawa.
“Hindi naman sa nagmamadali ako,pero magtatatlong buwan na ring tayo Jack,k-kailan mo ba sasabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa’tin?” Seryosong tanong ni Albie.
“Albie? I’-im sorry ah? H-hindi pa kasi ako handa sa mga pwede nilang sabihin eh,lalo na ng barkada.” Pagpapaliwanag ni Jack habang hinahawakan ang kanang kamay ni Albie.
“Pero Jack,sa tingin ko,suportado naman tayo ng barkada eh,shini-ship pa nga nila tayo. Hindi ko t-tuloy maiwasang...