THE STORY OF US CHAPTER 2


” Si Jax?” Tanong nya sa kaklase neto na si Olive. Kilala nya mga kaklase ni Jax at madami sya kaclose sa mga yun. Dati kasi sya sa Section 1. ngayong 4th year lang siya nalipat sa Section 2. Nalate kasi sya magpa enroll.
” Andun kay May.” sagot nito at tinuro pa kung asan si Jax.Napangisi sya. Kasama ni Jax si May. Ang babaeng nililigawan nito mula pa 2nd year sila. Maganda si May. Mestisa ang kutis, maganda ang light brown na mata dahil may lahing australian, matangos ang ilong, long wavy brown hair, matangkad at sexy ang katawan. Ewan ko ba. ang tagal na tagal na nanliligaw ng bestfriend ko sa kanya hindi pa din nya sinasagot. Nasa bestfriend ko na nga ang lahat ano pang hahanapin nya. Tsk. pag ibig nga naman. Support ko naman sila. Kasi bagay talaga silang dalawa. Parang sila na nga eh. Kulang na lang ng sagot ni May na “Oo”.
Nakita nyang nagtatawanan ang mga to kaya di na nya inistorbo si Jax sa panliligaw nito. Tinawag na lang nya ang isang kaklase nito na close friend din nya.
“Mira!” sigaw nya at kaway pa dito. Sinenyasan nya ito na lumabas.
“Tara silay tayo kay Louie!” yaya nya dito pagkalapit sa kanya. Napangiti ito ng malaki pagkabanggit nya sa crush nyang si Louie. Kasi makikita din nito ang crush naman nito na si Ian na kaibigan at kaklase ni Louie.
“Tara!Tara!” excited na hinihila sya nito.
“San punta nyo?” Napatigil sila sa paglalakad ng marinig ang tanong na yun. Pag lingon nya nakita nya si Jax nakalabas na din pala ito ng room nila.
” Oy Babs! Bat lumabas ka? Dun ka na kay May. Panu ka sasagutin nilalayasan mo?!” Sermon nya dito.
“Narinig kita tinawag mo si Mira. Bat ako di mo tinawag?” Psh. Seloso talaga tong bestfriend nya. Kala ng iba seryoso itong tao. Di nila alam na pabebe at childish ito pag sya o ibang ka close ang kaharap.
” Ano ka ba!Syempre ayaw kitang istorbohin sa panliligaw mo. Balik ka na dun Dali!” Tinutulak tulak pa nya ito para makapasok sa room.
” Per-” magrereklamo pa sana ito pero inunahan na nya.
“Sige na!Sisilay pa kami ni Mira sa Section 5! Bye!” tumalikod kagad sya at hinila si Mira at binilisan na nila maglakad para di na maka angal si Jax. Over protective kasi to sa kanya. Para nya tong kuya na mahigpit haha.
“Oh ano pinigilan ka na naman ni Jax?” Puna ni Mira.
” Hindi haha wala na sya nagawa tinulak ko pabalik sa room nyo hahaha” natatawa nyang sagot dito.
“Tsk. Kung di nya lang nililigawan si May. Iisipin ko talaga may gusto sayo si Jax at nagseselos kay Louie”. kinilabutan naman sya sa sinabi nito. Yak. hinding hindi papasok sa isip nya na magkakagusto sa kanya si Jax o sya ang magkakagusto dito. Para na silang magkapatid.
“Ano ka ba! Nakakadiri naman yang mga lumalabas sa bibig mo Mira! Imposible mangyari yan. Para na kaming magkapatid. Protective lang talaga si Jax. Kasi alam nyang playboy si Louie.” kontra nya dito.
“Hay naku! Bahala nga kayong mag bestfriend. Bat kasi di na lang kayo bagay naman kayo hahaha” asar nito sa kanya.
” Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!Wait!” napatigil sya nung mapansin na makakasalubong na nila ang grupo nila Louie.
” Oh mygad Mira!Sila Louie!” Mahinang bulong nya dito. Naramdaman na nya kagad ang bilis ng tibok ng puso nya kasi nasilayan na naman nya ito. Matagal na nyang crush ang lalaki. Elementary nya ito unang nakilala. Dancer ito, napanood nya isang beses sa dance contest na ginanap sa malapit sa kanila. Sobrang napahanga sya sa galing nito sumayaw at napaka gwapo pa nito at napaka puti. Naalala pa nya ung suot nitong damit na kulay red. lalo tumingkad...


ang kaputian nito. At simula ng araw na yun naging favorite na nya ang kulay red hahaha.
Napadaan ang mga ito sa harap nila nagtatawanan. Sila naman ni Mira ay pasimple lang na sumusulyap sa mga ito.
“Shete ang gwapo lalo na pag tumatawa” parang hibang na bulong nya kay Mira. Si Mira naman ay kilig na kilig naman na nakatitig lang sa crush nitong si Ian na kausap si Louie.
Pinicturan nya ito ng palihim.Actually ang dami na nyang pic nito. Ultimate crush nya talaga ang lalaki. Lahat ng sinasalihan nito na contest ay pinupuntahan nya talaga para mapanood ito. Masaya na sya sa ganoon na pasulyap sulyap lang sa lalaki. Alam naman nyang di sya mapapansin nito. Alam nya sa sarili nyang di sya kagandahan kumpara sa mga naging gf nitong mala model sa ganda. Ano lang ba sya? Hindi naman sya sobrang pangit. Average lang ang muka nya.Singkit na mata, maliit na ilong, mejo makapal na pouty lips, heart shape face, natural brown hair na hanggang bewang na nya ang haba kaya lagi nya tinatali. Di sya ganoong katangkaran at mejo maputi ang kutis nya. Sabi ng mga kaibigan nya ay maganda sya. Pero kung ikukumpara sa mga naging gf ni Louie walang wala sya sa mga iyon. Kaya makukuntento na lang sya sa patingin tingin dito sa malayo.
“Hala Lyna! Malapit na matapos ang breaktime. Tara na balik na tayo.” aya sa kanya ni Mira.
“Tara na!Kompleto naman na araw ko nakita ko na si Louie!”masayang sagot nya dito.
Naglakad na sila pabalik sa mga classroom nila.Naabutan nila si Jax na nag aabang sa pinto ng clasroom nila. Mas mauuna kasi ang room ng sec 1 kasunod ang sec 2.
“Hi Babs! anong gawa mo jan?” Masayang bati nya dito.
“Nakakaen ka ba?” bigla syang nakaramdam ng gutom pagkatanong nito. Napahawak sya sa tyan nya at napatingin si Jax dun. Napasimangot ito at masungit na tumitig sa kanya. Naku po mapapagalitan na naman sya ni Itay.
“Tsk. Inuna pa kasi ang crush” masungit na sabi nito at pinitik pa noo nya.
“Ehhh sorry na Babs. Ang bilis kasi ng oras. Saka i need inspiration kaya kelangan ko masilayan si Louie!” pagdadahilan nya dito.
“Pasaway!Sabi kong wag kang mag skip ng pagkaen diba. Napaka pasaway mo talagang bata ka. Oh!” sabay abot nito ng isang supot.Inabot nya yun at sinilip. Nagningning ang mata nya ng makita ang laman nito.
“Wow burger! Thank you Babs! Love mo talaga ko!” Masayang pasasalamat nya dito. Normal na sa kanila magsabihan ng I love you.
“Oo na. Oo na. Pasalamat ka at inaalala kita. Naisip ko ng makakalimutan mo na naman kumaen kaya binilhan na kita kanina.” paliwanag nito.
“Ako Jax wala?” nagulat sya ng magsalita si Mira. Nakalimutan nyang kasama nga pala nya to haha. Kasalanan ng burger.
“Syempre wala. Dun ka magpabili kay Tony.” napasimangot si Mira. Inaasar na naman kasi ito ni Jax sa classmate nilang may gusto kay Mira.
“Tse! Jan na nga kayong dalawa!”nakasimangot na martsa paalis ni Mira. Natawa sya ayaw kasi nito na inaasar kay Tony.
” Babs wala inumin? Hehe.” tanong nya dito. Wala kasi syang baon na inumin. tinatamad syang pumunta pa ng canteen para bumili.
“Saglit.” sagot nito at pumunta sa upuan nya at may kinuha sa bag. Pagbalik may dala na itong tumbler na may lamang tubig at inabot sa kanya.
“Pano ka? Wala ka ng inumin?”
” Ok lang ako. Sige na kainin mo na yan. Doon ka na sa classroom nyo.” sagot nito
” Ok po! Thank you Babs!” Kumaway pa sya at lumakad na papunta sa room nila. Lumingon pa sya at nagtaka bat nakatayo pa din si Jax at tulala at nakangiti. Di na lang nya pinansin at inisip na na naiisip na naman nito si May.Basta sya masaya at kakain ng Burger hahaha.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top