The Story Of Us **Part4**


***Chapter Four(Having You Near Me)..

Eksaktong pa namang uwian ng biglang bumuhos ang ulan.Pag ganun pahirapan na namang sumakay sa mga tricycles dahil konti nalang ang mga bumabyahe dun tsaka malamang nag uunahan na naman ang mga estudyante sa pagsakay.

Nagdesisyon akong lumabas ng campus sa kabila ng malakas na ulan at isinangga ko sa ulo ko yung bag ko..okay lang mabasa yun sabado naman bukas lalabhan ko nalang.

Nagtungo ako sa isang canteen na nuoy nakasara na makikisilong lang muna ako wala naman ibang tao dun tsaka dun talaga ako pupunta dahil duon lang walang studyanteng nakikikisilong..ayos!solo flight ko..
Nauna ng umuwe sina Jecca at Iya dahil may motto sila sa buhay na!”Di bale ng ma late sa klase wag lang sa pag’uwe..”,,bukod kasi sa may sundo na sila ay hinahanol nila ang oras ng paborito nilang Meteor Garden..kaylangang mapanood nila yun para maganda ang mood nila kinabukasan,at malamang magco’contest na naman sila sa pagkukwento ng napanood nila sa akin..hmp!mga spoiler..kaya hindi ako nanonood eh dahil sa mga kwento nila..na kulang nalang pati patalastas ay ia’action pa..

Nakakita ako ng isang kulay blue na scooter at nilapitan ko iyon.Wow hanep sobrang maalaga naman ng may ari nun at talagang sumilong
pa gayung ang ibang sasakyan sa labas ay basang basa na..pero ano bang pakialam ko?
Tumingin ako sa paligid,wala manlang akong maupuan.Naisip kong umupo muna sa makintab na scooter wala naman may ari nun tsaka siguradong bago pa dumating ang may ari nun ay nakapara na ako ng tricy..at iingatan ko naman to ako pa..maingat sa lahat ng
bagay.

Pinagpag ko muna ang upuan at tsaka ako umupo duon.Tumingin ako sa labas at tsaka lumabi,siguradong puro tulo na naman sa kwarto ko dahil luma na ang mga yero duon,
dahil di naman kami mayaman at mas iniisip ni mama at papa ang pag aaral namin ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang sira sira naming bahay..okay lang daw yun basta mag aral daw kami ng mabuti..may business naman kami,nagtitinda ng street foods sina mama at papa sa plaza at tinutulungan namin sila ng kapatid kong si Bryan sa paghahanda ng tinda bago pumasok.Sa plaza sila nakapwesto dahil marami ang tao duon isa pa ay nalalapit na ang pyesta at may mga rides duon at talaga nga namang dinudumog ng tao ang plaza.Pero kapag ganitong maulan ay siguradong konti lang na naman ang mabebentahan nila.

Ay kainis..ilang minuto na akong nakaupo at wala pa akong nakikitang tricy.Ang ilang estudyante sa kabila ay nag aalisan na nainip na yata sa paghihintay at sinugod na ang malakas na ulan.Gagawin ko narin sana yun kaso naiisip kong may dala akong pocketbook at baka mabasa yun No way!

And speaking of pocketbook..habang nakaupo ako ay naglabas ako ng isa para magbasa hindi ko na tuloy namalayan na dumidilim na pala at tatlong tricy na ang napalagpas ko..

“,Shit ..!”,

Mula sa pagbabasa ay natigil ang mga mata ko ng may marinig akong pagmumura.Ah,may kasama na ako sa wakas na naghihintay..

Ibinaba ko ang hawak na nakatutuok sa aking mukha upang makita kong sino ito.

Ah..isang matangkad na lalaki na nagpapagpag ng basang buhok at nakatayo malapit sa akin..teka parang pamilyar sya sa akin..

Bigla ko ulit itinaas ang hawak kong pocketbook ng makilala ito,hindi para magbasa ulit kundi ay para takpan ang mukha ko.Anong ginagawa ni Jed dito?at bakit dito pa sya sumilong?

Pero late na ang pagtatakip ko dahil nakita na pala nya yung mukha ko.Ang gulo pa naman ng buhok ko this time.Napakagat ako ng labi..
Anong ginagawa ng demonyong to dito?After ko syang makita na binubogbog ang isang estudyante ay natakot na ako sa kanya.. Nandiri ako sa kanya at sobrang turn off na ako sa kanya higit sa lahat nawalan na ako ng pagtingin sa kanya..pero seeing him right now na nagpapagpag ng basang buhok ay napatunayan nun kung gaano sya ka hot!

Teka..parang ganun na ganun ang itsura ng hero na lalaki sa binabasa kong pocketbook ngayon?yung mga lalaking nakakakilig to the bones.Pero what?si Jed?magiging hero?At kelan pa naging hero ang isang taong basta basta nalang nananapak..I wonder kung ano ng nangyari sa sinapak nito!Kawawa naman..nagkunwari akong nagbabasa ..

“,Nagbabasa ng pocketbook ng nakabaliktad?”,

Napatigil ako ulit sa sinabi nya.Tiningnan ko ang cover ng hawak ko at baliktad nga pala!
Ganun naman kalakas ang tense ko sa kanya at pabaliktad na pala ako magbasa ngayon?

Ano bang pakialam mo?”,Amh..nag’pa: practice kasi akong magbasa ng nakabaliktad”,sabi ko nlang at inayos ko ang binabasa..

“,Ang lakas ng ulan..panu kaya ako uuwe nito”,

Sa totoo lang yun din ang tanong ko,paano ako uuwe kong busy ako titigan ka?

Binaba ko ang maliit na libro at pinagmasdan sya.Nakatayo sya pa side sa akin nakapameywang at nakatingin sa labas.Mukha itong naluging intsik sa itsura nyang yun..pero ang cool nya sa ganoong itsura hah!malayong malayo sa Jed na nakita kong nambubugbog nuon..

“,Amh..para makauwe ka maghintay ka rin ng tricy katulad ko noh”,nasabi ko..

Tumingin sya sa akin at kumabog ang puso ko!
Pagkatapos ay tumingin sya sa scooter na kinauupuan ko..pero hindi naman sya nagsalita
Tsaka ko lang napansin yung kulay itim sa gilid ng mga labi nya..ah!yung sinuntok sa kanya nung nakipag away ito,,weah buti nga!

“,Ikaw bat nandito kapa?”,..

“, Obvious ba?!”,masungit kong tanong..di ba obvious malamang naghihintay ng tricy.

“,Ah yeah..”,napakamot si Jed sa ulo..ang cute nya”, obvious ngang nagbabasa ka ng pocketbook habang malakas ang ulan..”,

Tinaasan ko sya ng kilay,anong pakialam ng kumag nito sa akin.

“,Ang sabi ko.. obvious ba na naghihintay ako ng tricycle dito?!”,antanga naman nito.

“,Well sa tingin ko naman hindi naman yun ang ginagawa mo..hindi mo ba alam na sampung tricycle na ang dumaan dito?!kaya nga wala ng estudyante dito maliban sayo at ..sa akin”,

Inilinga ko ang paningin sa paligid.Wala na palang ibang estudyante maliban sa amin.Tama nga ito!At anong sabi nya..sampung tricycle na ang dumaan?Oh..ganun naba ako ka busy sa pagbabasa?
Pero teka?panu nya nabilang yun?kanina pa ba nya ako pinagmamasdan??!biglang pinamulhan ako ng mukha sa naisip.

“,Mukhang hindi na yata titigil ang ulan tsaka isa pa madilim narin..”,

Oo nga!madilim na rin pala sa labas at sa lugar na kinaroroonan namin ay wala pang ilaw duon.Kinabahan na naman ako..kami lang dalawa ni Jed sa madilim na lugar na to?!
Panu kung.. panu kung???!

“,I think kaylangan ko ng umuwi.Wala namang silbi kong maghihintay lang ako dito”,nilingon nya ako.

Nakahinga ako ng maluwag..kung ganoon ay aalis na sya?walang masamang mangyayari sa akin..yess!

Ilang minuto narin syang nakatayo at hindi ko alam kung bakit nya ako tinitingnan.Bat kasi di pa sya umaalis?

“,Bat dika pa umaalis?akala ko ba uuwi ka na?!

Hindi sya nagsalita at lumapit sa akin!Oh my God may balak ba syang mag’goodbye kiss sa akin???!No!wala pa akong first kissssss!!!!

“,Baba.. “,,sabi nya at naguluhan ako.Bat nya ako pinapababa?hindi ako nagsalita”,Bumaba ka sa scooter ko…”,,this time nakataas na yung kilay nya ..

Natauhan ako sa sinabi nya..mabilis pa kay The Flash na bumaba ako,kung ganoon sa kanya pala ito?bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya.. slowmotion na napababa ako sa scooter at dumistansya sa kanya.Sumakay na sya sa scooter nya at ang astig nya sa paningin ko…

Tiningnan nya ako “,mauuna na ako sayo..dito ka nalang muna at magbasa ng pocketbook”,bago sya umalis at pinaharurot ang sinasakyan ay sabi pa nya.

Ah bwisit!napaka ungentleman naman nya di man lang nag alok kung gusto ko bang sumasakay o hindi!ah..ano pa nga bang aasahan ko sa isang Jed Santos?alangan namang isabay nya ako?edi nabasa rin pala ako.. ay bwisit talaga!

Umupo ako at niyakap ang mga tuhod!panu na ako ngayon?hindi na ako makakapagbasa dahil sa madilim na,mukhang no choice na talaga kundi maghintay na talaga ng tricycle this time ay seryoso na!ito ang unang pagkakataon na ginabi ako ng uwe at pagnalaman to ni Mama siguradong ipapa police nya ako at magrereport na nawawala ako,well ganoon nila ako kamahal..pero hindi naman siguro nila yun malalaman dahil alam kong sa mga oras na to ay nasa plaza na sila habang ang kapatid kong si Bryan ay siguradong nanonood na naman ng Dragon Balls

Hay bwisit! dapat sa mga oras na to nagkakape na ako sa kwarto habang nagbabasa with matching kinig ng music sa casette!ang sarap pa naman magkape kapag umuulan!!

***
Muntik na akong makatulog sa paghihintay ng may tunog na makina akong narinig sa tapat ko.

Nasilaw ang mga mata ko sa ilaw na nakatapat sa mukha ko kaya naman agad akong napatayo.

“,Halika na..”,.

Matagal bago ako nakapag isip kong sino ito dahil medyo madilim na nga pero ng magsalita ito ay nakilala ko na kung sino sya.

“,Jed??’,,”,what on earth..anong ginagawa nya dito?wait binalikan nya ba ako?tiningnan ko sya hindi parin pala sya nakakapagpalit ng uniform at basang basa narin ito ngayon pero mukhang wala naman itong pakialam sa ulan.

“,Wala ng tricycle na dadaan dito sa ganitong oras kaya kung titigan mo lang naman ako baka iwana na kita dyan dahil nagbago na ang isip ko!heto!..”,may inabot sya sa aking may kalakihang payong”,,hindi ako concern sayo kaya ako nagdala nito..mas concert pa sa mga nasa loob ng—+++++n!!!!!!”,

Napatigil sya sa pagsasalita ng sumalpak ako ng upo sa likod nya..syempre yung pabebe na upo alangan namang bumukaka ako!

Kinuha ko yung payong na inabot nya sa takot na mabasa ang nilalaman ng bag ko..this time hindi na ako mag iinarte!gusto ko ng umuwe!

“,Dahan dahan lang naman sa pagda’drive!”,,reklamo ko habang pinupwersa ko tong walang silbing payong dahil nayupi na yun sa lakas...


ng hangin!Sinalubong ko narin ang malakas na hampas ng ulan!

Narinig kong tumawa si Jed”,pinaka dahan dahan ko na nga to..”,sabe nya.

“,Eh lumilipad na tong payong masisira na!”,sigaw ko”,,basa na rin tong bag ko!!””,

“,Kasalanan ko pa!itapon mo na yang payong sira naman na pala”,

Nag angat ako ng kilay at humawak sa balikat nya..alangan naman sa beywang nya di pa naman kami close!mukhang nabigla naman sya sa ginawa ko.Bigla syang nagpreno at tumama ang mukha ko sa malapad na balikat nya !

“,Bwisit ano ba!*”,sigaw ko.

“,May dumaan na pusa..iniwasan ko lang”,pinaandar na nya ulir yung scooter mas mabagal at maingat keysa sa kanina..

Hanggang sa natanaw ko na yung kanto malapit sa amin..Nagpababa nalang ako duon tatakbo nalang ako papunta sa bahay basa narin lang naman ako..

Kahit nagsisigawan kami habang nasa byahe ay diko maiwasang di magpasalamat dito.Isang Jed ang naghatid sa akin ngayon dapat ma proud ako..

“, Pumasok ka na magkakasipon ka”,sabi nya ng makababa ako.Mas inalala pa nya ako keysa sa sarili nyang kanina pa babad na babad sa basa..na touch tuloy ako.

“,Salamat “,tumango ako pagkatapos ay ngumiti lang sya at umalis na..Hanggang makalayo ito ay pinagmasdan ko sya.I cant believe na sumakay ako sa scooter nya at hinatid nya ako..and i also cant believe kung bakit hawak ko pa tong sirang payong na to! nakalimutan ko na ibalik..itapon ko nalang daw!

Ng msigurong wala na si Jed sa paningin ko ay patakbo na akong nagpunta sa bahay .Agad kong tinanggal ang basang basa na sapatos at medyas..buti nalang sabado bukas kundi lang kasi ito nabasa isusuot ko pa sana kinabukasan.

Dumiretso ako agad na naligo pagkatapos nagtimpla ng kape at pumasok s ma kwarto wala ako sa mood kumain!mamaya nalang siguro alam ko namang di pa ako makakatulog agad.

Sinindi ko agad yung casette at hinanap yung pinakapaborito kong istasyon..Napatili pa ako ng marinig ang paborito kong kanta..

Now Playing:Stay by Cueshe..

Pinakasikat to na kanta ngayon at palaging number one sa weekly countdown sa radyo.Ilang beses na rin ito na narerequest at kahit paulit ulit ay hindi nakakasawa..

Sumubsob ako sa unan na at kinikilig naiisip ko ang pangayayari kani kanina lang..hindi ako makapaniwala na hinatid ako ni Jed,,hindi kami close para gawin nya yun pero bakit nya pa ako binalikan?or naawa sya sa akin?pero mukhang di naman..especial din kaya ako sa kanya?!

Lalo akong sumubsob sa unan sa kilig!
Tumingin ako sa kinakalawang ng yero at inimagine duon ang gwapong mukha nya!Ang perfect talaga!kahit na may pasa sya.at dahil sa aking iniisip ay natunaw na parang ice cream ang lahat ng takot ko sa kanya nuong nambubugbog ito..lahat yun napalitan ng kilig!

Eto na ba yung pakiramdam ng mga babaeng bida sa nababasa ko?na nakakakilig ang unang pag ibig…!hay mas masaya pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakakaramdam nito!At hindi na tuloy ako makapaghintay na dumating ang araw ng lunes..

***
Nalalapit na ang taunang Intrams at naghahanda narin kami para duon.

“,Kaylangan manalo na ang team natin ngayon”,sabi ni Iya ..katatapos lang namin kumain at tumambay na naman kami sa canteen presko kasi duon ..

Kulelat ang team namin nuong nakaraang taon dahil kahit isa sa team namin walang nanalo sa sports na sinalihan namin.Dahil mga seniors na kami ngayon kaylangang mag guide kami sa mga kateammates naming freshmen’s..kaya heto ngayon si Iya binabantaan na nman kami ni Jecca..hindi na tuloy ako matunawan.

“,Ikaw naman Ella kaylangan ngayon paabutin mo naman yung serve mo sa kalaban..”,

“,oo na po..”,,sumipsip ako ng Pepsi..nuong nakaraant taon ay sa volleyball ako sumali dahil akala ko yun ang pinakamadali sa lahat ng sports pero hindi pala..nagsisi tuloy akong sumali..hindi pala madaling magpaabot ng serve sa kalaban..tuloy imbes na manalo na ang team namin sa rank na pangalawa sa kulelat ay kami tuloy ang nakulelat!at naguilty ako dahil ako yata yung nagpatalo duon..
Well kasalanan ko ba kung hindi naman ako pinanganak na magaling sa sports!!..

Napatigil lang ako sa pagsipsip ng straw ng may isang grupo na maiingay ang pumasok sa loob ng canteen.

Tatlong matatangkad na lalaki ang pumasok duon at may kasama din silang dalawang magagandang babae …nakaakbay ang isang lalaki sa magandang babae,mahaba ang buhok nitong kulay itim na itim..nakilala ko kung sino yung babae ..Si Kimberly Jane ng last Section,sumali sya sa Miss Intrams nuong nakaraang taon subalit natalo naman ito sa question and answer..syemper mahina siguro kokote nya kasi nga last section sya..gayunpaman maganda sya at sexy..hindi ko tuloy mapigilang mainsecure lalo na at alam kong si Jed ang nakaakbay sa kanya.

Alam kong alam ni Jed na naroon ako sa canteen ngayon..kasi kanina sinulyapan naman nya ako pero saglit lang yun,sulyap lang samantalang kay Kim ay nakaakbay ito wait sila na ba,..?nanlumo ako sa mga naiisip..

“,Dito na tayo maupo..”,yung isang girl ang naghanap ng upuan sa mga ito.Pumwesto sila sa tapat ng mesa namin at kaharap ko si Jed at yung si Kim..

Tiningnan ko si Jed,,lalo syang gumwapo sa paningin ko..bagamat mahahalata parin na may pasa ito sa gilid ng bibig ay gwapo paron ito..

At dahil may katabi kaming ibang section ay iniba ni Iya ang topic namin dahil baka marinig ng iba anvmg strategy namin mahirap na baka gayahin.. napalitan ang topic ng Meteor Garden..hindi naman yun pumapasok sa isip ko dahil abala ako sa pakikipaghulian ng tingin kay Jed.

Ah si Jed ..ni hindi manlang nya ako tapunan ng tingin!anong inaakto nya ngayon?parang invisible naman ako sa paningin nya ngayon.Haller ako po ito,si Ella yung binalikan mo nuong Biyernes..hinatid mo lang naman ako at concern kapa na magkakasipon ako!hello ako po ito!..gusto kong isigaw yun sa pagmumukha nya..pero di ko yun nagawa ng ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ni Kim..

Nagselos ako ng wala sa posisyon..

“,Wow..ang sweet naman Jed”,,sabi nung isa sa kasama nilang girl.Napukaw ng atensyon nun sina Iya at Jecca napatingin narin sila sa kabilang table.Buti hindi ko kinwento sa kanila na hinatid ako ni Jed kaya naman wala silang idea ngayon kahit mahuli pa nila akong nakatingin kay Jed..

“,Bat di nyo pa kasi aminin na kayo na..”,sabi ni Bert isa rin ito sa mga player ng varsity team..ito yung pinakamaliit sa lahat ng player.

Hindi sumagot si Jed sa tanong ni Bert.Ngumisi lang sya at nawala sa ere ang singkit na mata nya!magaling at tumatawa sya sa harapan ng iba tapos ako heto kulang nalang ay isumpa si Kim!ang maganda nyang mukha nakakainis talaga!!mahaba rin naman ang buhok ko buhaghag nga lang di tulad ni Kim na kahit nakalugay ay makintab at maayos mukhang alaga sa aloe vera..

Lumabi ako at pasimple ulit tiningnan si Jed.
Isnabero pala ito sa personal eh,or na amnesia kaya..hindi nya maalala yung ginawa nya sa akin?or hindi lang nya ako pinapansin ngayon kasi di naman pala ako mahalaga sa kanya?tsaka sino ba ako sa buhay nya ano namang karapatan ko na makaramdam ng kahit ano dito?hindi ko naman sya boyfriend!ni hindi nga nya alam ang pangalan ko!!kasi naman ilang beses na kami nagka encounter pero di manlang nya yun pinagkaabalahang tanungin.
Bigla akong naawa sa aking sarili..oo tama!di ako mahalaga sa kanya,masyado lamang akong asyumera dahil nag assume ako na pagkatapos nya akong ihatid magiging close na kmi sa isat isa.. excited pa nga ako pumasok ngayon at sa sobrang excited ko nauna pa ako sa tega hawak ng susi!gusto ko lang naman syang makita ulit!gusto ko ulit magpasalamat or ilibre manlang sya kahit fishball lang sa labas ng campus..!gusto kong!ah sige na nga gusto ko na rin syang makasama!pero hindi ko deserve tong mangyayaring to sa akin ngayon!bakit umaakto sya ngayon na parang walang nakakita sa harap nya?Katapat lang naman nya ako bat di nya ako magawang tingnan?bakit di sya mag hi manlang or mag hello?tanungin kong nagkasakit ba ako nung naulanan ako?bakit?

At bakit sweet sya kay Kim?bakit kaylangan pa nyang lagyan ng ulam yung pagkain ni Kim!ang sarap tuloy lasunin nung babae..

Dahil sa pang iisnob nya sa akin nawala na naman yung pagtingin ko sa kanya!nagsisi tuloy akong pinagpuyatan ko syang isipin ng ilang gabi tapos heto lang!asan ang hustisya!

Humanda ang mga to sa Intrams!ilalampaso ko ang team nila!At humanda rin yung payong na ginamit ko nung inihatid nya ako!susunugin ko nalang yun keysa itapon!ayuko ng may maalala isa man na may kinalaman kay Jed!.ayuko naring mangarap na pumasok sa mundo nya!sa magulong mundo nya !!!

“,Ella!saan ka ba pupunta?!”,..

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang tawag ni Jecca.Namalayan kong palabas na pala ako sa pinto ng canteen!

“,Hindi ka pa nagbabayad!”,,sabi nya.

“,Bayaran mo muna wala akong barya!”,i lied!.kasi wala naman talaga akong pambayad hahaha.. gusto ko ng umalis sa lugar na yun!
Nung tinawag ni Jecca yung name ko alam kong nilingon ako ni Jed!a last nilingon nya ako
Kaya nga dapat na talaga akong magmadaling umalis pa duon..ayuko na ulit makitang nakatingin si Jed sa akin!ayukong kapag tiningnan ko sya magtama na naman ang mata namin at magiging marupok na naman ako!ayuko ng kiligin!ayuko ng makita yung mukha nya!yung gwapong mukha nya!!

Hindi ko na sya Love!wala na akong nararamdaman sa kanya Period..!

Malapit na akong makarating sa room na may pabulong bulong pa dahil sa ngitngit na nararamdaman ng biglang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako sa paglalakad..

“,Daniella….”,

Lumundag ang puso ko ng makita si Jed,..

,***Ahahahha
ang rupok eh may pa sumpa sumpa pang nalalaman!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top